read.cash Log in
@Emeline more from that month

Habang naglalakad ako papunta dagat para makagalaw galaw narin ng katawan ko Isang linggo na ako hindi nakawalking buhat ng malamig na panahon tuwing umaga. Pinamasdan ko tong Isang magsasaka nag aararo ng taniman ng palay.hanggang naalala ko ang akin tatay Isa din magsasaka noon kaso Wala na sya ngayon. Kalabaw ang gamit nya noon kaya matagal bago nya matapos .Hindi tulad ngayon kuliglig na gamit kaya napapadali na ang gawain ng isang magsasaka. Hirap din ang trabahong magsasaka mula sa pagtanim ng palay hanggang mag ani. Tinanong ko si kuya bakit sa kabila ang laki na mataba pa tapos sayo inaararo pa na makatabi lang naman sila . Sa oras pala ng taniman nila hindi nila natapos kasi dumating na si bagyong Odette kaya sa kabila iniwanan nalang nila baka daw hindi sila makabawi ng gasto.pinalipas nalang ang mga araw ,hinintay ang magandang araw bago naman gawin.mahirap pala Ang buhay magsasaka . Bago maging bigas ang palay marami pa dapat pagdaanan ang magsasaa sa pagtanim-mula sa pagpaplano hanggang sa pàg ani nito. Saludo ako sa lahat ng magsasaka. Mabuhay kayo! 📸@Emeline

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.