read.cash Log in
@Emeline more from that month

Fried rice with Choco coffee April 1 Panibagong buwan ang bilis ng panahon. Almusal tayo Umaga natulog kaya umaga din nagising. Insaktong 4:30am ko kanina tumayo sa kama para magluto , nakaramdam ako ng gutom ,kagabi kunti lang nakain ko importante makatulog ako dahil nga masakit ang ulo ko. Energetic naman ako ulit ngayon ,maganda ang mood ko,may sapat na tulog kaya nakabawi. Salamat sa unang araw ng buwan maganda ang araw ko ,maganda ang panahon at may masarap na almusal. Maraming kanin natira kagabi dahil mga bata lang kumain, ako kunti rin ang kinain ko. ang asawa ko hindi rin nakauwi dahil nga pagkatapos ng awarding may party din sila. Sinangag ang ginawa ko sa tirang kanin para hindi masayang. Para masarap at maganda tingnan sa mata ng mga bata linagyan ko ng itlog at maliit na lata ng corned beef. Dinagdagan ko nalang siya ng patatas at carrot kahit papaano healthy parin siya. Habang kumakain ng "KALOKALO"ito ang tawag sa amin at uminom ng mainit na kape trip ko magpatugtog ng Christian song sa amin balkonahe.sabay ang pagpasok ng sikat ng araw sa harapan ng bahay. Busog na ako may vitamin D pa ako. Salamat panginoon sa biyayang binigay mo sa amin malakin man o maliit mahalaga at sapat na yon sa akin. Papalain tayo ng panginoon lahat. #BREAKFAST 📸 Emeline

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.