read.cash Log in
@Emeline more from that month

We miss you Itom at Puti Namiss ko tuloy ang dalawang inaanak ko . Isang ibetasyon na gusto nila papuntahin kami doon sa kanilang lugar kung saan nakabili na sila lupa't bahay sa Maynila. Magkapatid sila pero maaga silang nawalang ng mga magulang 6years old at 1year old palang pumanaw na ang mga magulang nila. Dahil kabelin belinan ng tatay niya gusto niya pabingyagan ang mga anak niya pagdating ng kapistahan sa amin at maging ninong at ninang kami at dito sa bahay gusto niya magpakain. Pero hindi umabot sa kapistahan namin nawala na ang magulang nila,pero tinupad pa rin namin lahat. Hindi lang ninong at ninang kami doon kundi naging silbing magulang kami mag asawa . Ngayon kinatutuwa kona may mga trabaho na yon si Itom sa Maynila at si puti graduating na siya sa susunod na taon sa kolehiyo. Nagpapasalamat ako tuwing dito siya sa Aklan pumupunta parin sila sa amin, hindi nila nakalimutan kung ano klaseng ginawa namin noon yon "pagmamahal bilang magulang sa kanila" Parang "maalala mo kaya"ang buhay nila pero lahat nalagpasan nila at naging inspirasyon ang kahirapan nila hanggang nagkaroon ng kaginhawaan ang buhay nila at kaparte parin nila ako doon.kahit paano umuuwi man o hindi may regalo ako matatangap sa kanila.. Kaya kapag ang magulang nila pàg usapan talagang iyakan na ang kinalalabasan. Siguro yon pàgmamahal na para sa tatay at Nanay nila sa amin sila bumabawi . Salamat sa dios nagkaroon ako na ganitong mga inaanak na mabait.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.