Pasko para sa akin (Christmas for me) Tatlong araw nalang pasko na diba?Karamihan sa atin tuwang tuwa na o excited na lalo na mga bata makatanggap ng regalo galing sa ninong o ninang nila o kaya sa nanay o tatay nila. Christmas ay nagbibigayan ng regalo or exchange gift.pero sa ngayon para sa akin : Christmas is THANKSGIVING.Gusto ko magpasalamat . Salamat binigyan ako ng pagkain araw araw kahit wala ako maraming matangap na regalo sa pasko. Salamat kahit walang christmas tree sa bahay pero damang dama ko ang parating na pasko dahil binigyan ako ng mga anak na mabait. Salamat kahit wala kami maraming pera tulad ng iba pero hindi kami nagkasakit tulad ng iba nawalang ng pamilya dahil sa pandemya. Salamat naraos namin taon taon ang pasko at bagong taon na may pagmamahalan. Salamat sa biyayang binigay nyo at patuloy nagt tiwala sa akin lalo na ky #noise malaking pamasko sa atin ito ,nakasali ako dito malaking tulong ito. Hindi lang puro regalo sana ngayon pasko isipin din natin magpapasalamat dahil nakaraos na tayo sa mga maraming pagsubok. Kaya ngayon hiling ko ipagdiwang ulit ang pasko ng masaya kasama ang buong pamilya sapat na yon sa buhay ko.
No comments yet