Late na tanghalian ko.matagal ikuskus ang labanos na gawin kong kilawin.ano oras ako natapos sa pagluto . Tortang delis at ginisang bagoong at kunting kilawin na labanos ayos na. Naparami ako ng kain.pagkatapos may panhimagas pa ako na hindi ko naubos kaninang umaga . Sana magbigay lakas ito sa atin ngayon kung ano mayroon tayo. Halina kayo kain na tayo.
@Emeline in December 2021
Okra at tuyo sa umaga chaaarraaannn.... Steam ko lang ang okra at piniritong tuyo solve na ang almusal namin. Bagay naman sa malamig at mahangin na panahon ngayon. Low pressure siguro kaya ganito ang panahon sa amin . Kain tayo total nakahanda na to kain muna ako. Magandang umaga sa lahat at keep safe..
Letson native na manok ..na miss ko to ito lagi ginagawa ni tatay sa amin kaso wala na sya matagal na. Ngayon nagtipon tipon kami isang araw lang nakaraan naalala namin si tatay kaya nakisunduan namin gawin to inasal na manok ang tawag sa amin. Kami lang gumawa habang nagluluto kami maraming kwentuhan tungkol sa tatay namin. Ngayon ko na naman natikman to ang lasa at napasarap ako .at naparami ng kain...tuloy namiss ko yon tatay ko ,lalo na may okasyon ginagawa nya to lagi o…
Ready to go na nakaimpake na sya. Dalhin ito ng asawa ko sa Boracay ,baon nila tumawag kasi boss nya magtravel sila doon. Kaya hindi pwede wala si alimango ito ang gusto nila pagmakadaan sila sa amin galing pa sila city of love Kaya aga pa ako gumising at nagluto nito. Kasama ng boss nya ang pamillya nya, habang may conference sila ,maliligo rin ang pamilya nya. Kumuha ako ng isa para sa almusal ko.tara na kain tayo. #crabs .
Malamig at mahangin sa labas buhat ng low pressure . Pabugso bugso naman ang ulan katamad gumalaw hindi ko naubos ang labahan ko nabilad. Nakakainis sa lahat sumabay din nagloko ang connection ng internet super hina..bakit masama ang panahon hina rin ang signal nang internet..mapahinga muna ako sarap matulog malamig... Inggat po tayong lahat...
Noon nagawa namin to sa Boracay pero ngayon hindi na .isang taon na to picture birthday nya doon kami nag celebrate.Boracay pa rin sya ngayon pero hindi na pareho dati daming tao ,pero nakakaiba lang ngayon ang ganda at malinis na ang boracay. Ngayon inuman nalang kasama ang mga barkada at boss. Sana maulit uli...napakasya namin noon halos buong pamilya kami doon .
Saturdate nila magkaibigan umaga nag papicture ky chichay uwi na kasi galing sa bakasyon. Malaya na sila makalabas kaya nakabakasyon din sila sa bahay ng kapatid ko. Gusto nang anak ko mauna sila doon para matagal tagal din ang bakasyon nila. Kaya ito nag enjoy din ang tita nila sa pagkuha ng letrato sa kanila. Dalaga na daw ang anak ko 2years bawal lumabas hindi mo rin namalayan malaki na cla. Bye city of love
Ang paboritong pagkain simple pero healthy. Ginisang tangkong at steam na talaba. Panpagana salad na labanos.nakita nyo naman napakarami tangkong kahit yan lang ulam ko solve na ako.marami ang kain ko lalo na gulay ang ulam ko .. Gusto ko ganito lang para medyo malayo sa sakit lalo na nakakaedad na ako ngayon marami na naindang sakit. Lafang na tayo siguro natuwa ang bunganga ko sa ginisang tangkong.
Buong araw busy ,pagod,masakit ang balikat ko sa kakalinis ng bahay . Hindi rin ako nakatambay halos dito.wala ako oras na. Pumunta kami sa kaibigan ng asawa ko kaya wala akong signal. Pero ngayon panahon na umupo at mag relax. Nag practise na uminom ang asawa ilang buwan na hindi uminom ng alak buhat ng mga gamot niya. Dahil pagod ako sa pagkain talaga ako bumabawi pasayan na naman ang comfort food ko. Ganito talaga ang buhay kung minsan pagod kung minsa napagod din sa…
Ready na to accept boaders. Salamat lahat na natapos ko na linis . Isang biyaya binigay sa atin ng panginoon. Araw araw na dapat pasalamatan Lahat na provide nya sa atin . Tanda hindi na tayo kinalimutan. Sana bigyan mo ako ng taong nakatira dito mabait at mapagmahal hindi nagdudulot ng kaguluhan. Gandang umaga sa lahat maganda ang sikat ng araw, sana rin pagpasok ng biyaya sa atin lahat.
Babala lahat nalang tumaas .pumunta ako ng palengke bumili ako ng sibuyas bawang ,mantika at kung ano para sa munti kong tindahan nasaloob lang naman ng bahay namin. Bigla ako nagulat 200 na ang kilo ng sibuyas naku pagbininta mo ng limang piso kumpara noon malaki, naku!laking lugi ko ang liit na ngayon ang limang puso wala natalaga tubo..sabi ko hindi nlang ako magbinta ng sibuyas kung ganito kamahal parang ako nahihiya sa binibinta kong sibuyas. Para hindi ako mahiya hindi…
Wow ....na ka U FRAPPE HOUSE sila. Mga pamankin ko to pinasahan nila ako ng litrato maaga pamasko galing sa akin kasi atat na atat mag milktea hindi pa daw nila napuntahan .. Pinagbigyan muna ,makulit kasi heje buti nalang maganda kuha nila at natawa rin ako sa kanila. Masarap sa pakiramdam na worth naman ang punta nila doon. Ginawa pa sila ng model ng U FRAFFE nakita nila upload mismo ng ufraffe house. Nag enjoy ang mga bulilit sa milktea nila.at natawa na rin ako.
Tea time Masakit ang tiyan ko nakagising ako 3:30amuminom ako ng mainit na tubig kanina pero hindi parin nakuha.nalamigan lang siguro tiyan ko wala naman ako kinain bago magtulog peniritong isda ulam namin. Natulog ulit ako pero yon mata ko nakapikit lang pro ang isip gising na gising. Bumangon nalang ako at nag tea. Lemon at ginger tea ang tinimpla ko kasya malaga pa ako ng luya tinatamad ako parang lutang ako walang tulog. Sabi ng nanay ko maganda daw ang luya sa sakit ng…
Lumang plantsa at Pulang Kurtina Bago mag umpisa picture muna. Pinapakita ko lang noon ito ginagamit ng mga tao plasta di uling. Hanggang ngayon gusto ko parin to .bakit???kahit iwanan ko sya ng matagal ok lang hindi naman gumagana sa kontador wala ng bayad ,uling lang mura naman at matagal pa maubos. Noon araw pa to pero nakikinabangan parin hanggang ngayon. Kalimitan na ginagamit ng mga tao ngayon kasi di kuryente na at madaling gamitin. Lagi ko to ginagamit ,ang isa rin…
Pauwi na ako galing sa kapitolyo biglang tumawag ang anak ko galing LTO kung saan na ako. Doon ako naghintay sa harap ng kapitolyo may isang misa doon at upuan bakante pa. Pagdating nya may dalang pagkain ,nang buksan ko napa wow ako sa una ice cream daw to na flavor kitkat ,kinain ko nman pero sobrang tamis. Sobrang saya na habang nagkwento sa akin nakapasa daw sa exam binigay ng LTO. Sa wakas Makarenew na sya sa non prof license. Ang galing nya habang naglalakad ako…
Pumunta kami ng bayan ,ang plano bibili kami ng flashlight dahil sira na.pero iba angbpinuntahan namin nakita namin maraming tao sa plaza at paninda namasyal din kami doon.wala kami nabili doon.pauwi na kmi ito nakita ko cotton candy na paborito ko noon bata pa ako ...bumili ako para may pasalubong ako ky bunso.
Tubig na mainit at nilagang saging sa umaga.masarap sana to sa bagoong kaso wala sa peanut butter nalang masarap naman kaysa wala . Maganda na to sa akin bilang almusal ko mabigat sa tiyan kaya hindi na ako kakain ng kanin. Kung iisipin mo parang ordinaryong pagkain pero malaking maitulong sa atin kalusugan. Masagana sa potassium. Napasafe kainin para sa akin walang spray at abuno nilalagay lalo na kung sariling tanim. Halina kayo kain tayo
Sushi overload Na miss ko kumain ng sushi. Hindi nakapigil bumili talaga ako medyo my kamahalan sa kanila ang sushi pero umaapaw naman ang toppings nya . Kahit medyo mahal.para sa akin worth naman ang lasa. Quality ng pagkain pasok na pasok lalo na sa koreano ,italyano at sa ibang lahi. Daming order nila kaya medyo natagalan sa akin. Sa mall nakabili ako yon 4pcs nila 40 lang pero hindi ko gusto ang lasa nya. Pero ito pasadong pasado sa panglasa ko.minsan lang nman ako…
Tambay muna sa kapitolyo ,Nagyaya ang anak ko lumabas kahit isa lang daw ,nalaman nya kasi ngayon gabi ang opening lights sa kapitolyo. Dahil gusto pumunta pinabigyan kahit sandali lang. Nagpapicture pa silang mag ama hindi na ako kasama taga picture nalang. Tuwang tuwa nakalabas sa hawla nya. Damang dama na ang pasko kung sa bayan kana tapos ang daming tao at mga bata sinabayan pa ng malamig na panahon kaya paskong pasko na talaga ...lahat na paligid na puno ng christmas…
Maagang gumising para mag walking ... Bago umalis nagkape muna ang partner ko ,mainit na tubig na naman sa akin. Habang nagkape napasarap ang kwentuhan. Ang planong mag walking napunta sa kwentuhan at kainan hahaha. Hindi natuloy sobrang lamig sa labas..naku parang nasa Baguio ako. Mapabawas kanang timbang ,nge...padagadag pala ang inabot...pagkatapos ng kwentuhan at kain namin akala ko tuloy ang walking ,yon pala sa higaan ang hahantugan.ito habang nakahiga nag tambay…
Kailangan ba mag bago ang tao dahil lang sa pera. Hindi tumutubo ang pera sa puno.kaya kung minsan kailangan din magtipid. Money is devil.kung ayaw ka pahiramin huwag kang magagalit.lahat ng sanhi ng kasamaan at kagandahan ay nasa pera. Maganda lang sayo ang tao kung mayroon ka pera kung wala naku iba na pakisama. Kung wala kng trabaho ,wala karin pera.kaya sa akin pinahalagahan ko para sa kabutihan ko hindi ikasasama ko. Sa panahon ngayon mahirap makakita ng pera pero…
Kakatapos ko lang kumain. Tambay muna ako dito.gusto sana maglaba kaso hindi lumabas si haring araw. Masarap ang ulam.ko bulanglang puro gulay at piniretong tuyo kaya hayan nakita nyo nman simot lahat.naparami ako ng kain magana ang gulay sa tuyo.. Masarap kumain ng guñay at tuyo lalo na kung malamig ang panahon.malamigang hangin sa labas .kaya tinatamad ka gumalaw sa.gawain bahay.
Ang paborito kong lugar ay ang tabing dagat.pero hindi mo ako halos mapaligo iwan ko parang malakit ang katawan dahil siguro sa tubig alat. Masarap lang magpahinga at tumingin sa alon ng tubig kung saan makakuha ng stress.kailangan din makalanghap ng hangin hangin galing sa dagat sabi nga nila makadagdag ng oxygen sa brain. Kahit sandalilang kami doon pero masaya ako lalo na kasama ko sila ang padre de pamilya at unica iha at ang makukuli na bunso taga kuha ng picture sa…
Nagluto ako ng nilagang saging sa almusal ko ito nalang ang kakainin ko.bumili ako ng bagoong hidi pa naluto nilagyang ko lang suka ,sibuyas,at sili . Nagprito ako ng tuyo para partner sila .kaso absent lang ang kape minsan lang ako nagkakape.tubig lang ang pantulak ko. Naka anim ako ng saging busog na busog na ako isa ang sarap ng bagoong sa suka at sili. Pinawisan ako dito kahit malamig ang hangin.
Nakahanda na mga labahin .kaya mag simula na ako maglaba lumalabas na araw pwede na rin to kahit papaano kaysa maulan.maaraw na makulimlim pero sigurado naman ako hindi to maulan. Kahit hindi to matuyo atleast na bawasan na ang mga labahin ko.mahirap naman kung tambak tambak na masakit sa likod. Laba muna ako baka mamaya hindi ko to matapos.tambay ulit ako dito pag natapos ko na labahan ko.
Request ni bunso christmas light sa bahay, pakiramdam nya ang kalangitan daw kumakanta at umiilaw.kung sa lingahe nya "gasigasiga ang langit". Nagpabili pa sya ng christmas tree sa akin at maramingbpicture sya pinakita na ganito ,ganyan ang gagawin ko para wala na maraming sinariyo huo nalang ang sagot ko o bukas nalang. Ngayon year wala akong christmas tree ayaw ko na maglagay ilang taon na pabalik balik sya tapos masyadong maalikabok pag hinugasan yon mga ibang dekorasyon…
Hindi naman ako makatulog..kung sa bagay ang iba dyan maaga pa to para sa kanila. Kanina kasi napagod ako sa kalalaba ang dami nilabhan ko. Kaya pagkatapos ng laba ko nagpahinga ako hindi ko namalayan nakatulog ako sobrang isang oras. Kaya ito ngayon bumawi naman ang kaluluwa ko gising na gising. Sa ganitong oras sana tulog na ako halos inaantok na. Nakasanayan ko maagang matulog sa gabi. Habang nag papaantok ginawa.ko nlang.yong module ng anak.ko tapos sabay tambay.dito
15hrs brown out sa amin..buong araw hindi rin nakasilip dito . Wala din internet may inaayos silang linya buhat ng mga poste na nasira sa road widening o relocation. Tambay rin kami mag hapon sa ilalim ng puno sa likod ng bahay. Nagsain nang maaga at kumain din ng maaga akala namin 6pm mayron power na ang kuryente pero hindi parin.saktong 8pm na sya bumalik.. Buti nalang may batery de motor kaya na kagawa kami ng ilaw kahit papaano may gamitin kami .Alas singko ng hapon…
Magandang umaga sa lahat . Init muna ako ng tubig.masarap mag init ng tubig sa kahoy lalo na tag lamig . Bihira na ngayon nagluluto ang mga tao sa kahoy . Takori ang tawag namin dito sa ginagamit namin para pang init na tubig.Ilang taong na to maliit pa daw ang asawa ko hanggang ngayong ginagamit parin namin . Pinamana na ng tatay nya sa kanya to . Matibay at makakapal ang mga gamit noon cpmpare ngayon. Kahit luma na sya inaalagan namin to para sa tatay nya kahit rembrance…
Malakas ang ulan sa labas at hangin kaya hindi ako nakalabas. Naglatag ako ng banig sa sahig at huminga nagtago sa kumot grrrrr ang LAMIG. Hindi ko namalayan nakatulog ako.Hanggang napanigipan ko nasa poll daw ako.. Ang sarap ng ligo ko tapos tinatapunan ako ng kapatid ko hanggang hindi ako makakita at makahinga sa tubig tinapun sa akin. Nagising ako sa panaginip ko yon pala malakas na ang ulan at basang basa na pala yon biranda namin ... Bigla ako tumayo at nagkuha ng…
War 2007 Gabi na hindi pa rin nagtulog ano ba ang plano nito mag movie marathon sya. War 2007 ang pinanood nya tutuk na tutuk sya talagang nakafocus sa pinanood nya. Gusto ko na matulog kaso ayaw nya ako papasaukin sa loob ng kwrto.Natakot daw mag isa gabi na daw hahaha sabi ko nga dapat sa araw ka manood hindi sa gabi . Ayaw daw ng mata nya pumikit rasonable talaga itong bunso namin. Basta action ang palabas iwan ko hindi nya tantanan hanggang hindi matapos. Naantok na ako…
Masama ang panahon dito sa amin. Kaya naisipan namin maglinis nang kwarto ni kuya namin. Pinalitan namin ng bagong linollium para nakakaiba nman.yan angg gusto nyang kulay .hindi pa kasi tapos ang room nya kinumpuni ang bobong malakas ang tulo pag may ulan. Dahil stricto si kuya ayaw niya pumasok na nakatsinilas ka sa room nya. Mahirap daw maglinis tamad sya magwalis araw araw kay kung pumasok ka dapat nakapaa . Nilagyan nya nya babala o sign sa pintuan nya ng SLIPPERS…
Mondate Ngayon palang umuwi ang ama ng tahanan namin.Galing sya sa opisina nya madilim na buhat ng malakas ng ulan at malamig na hangin kaya hindi agad nakauwi. Doon sya nagsilong sa franks na nagtinda ng hamburger.Ang tagal nya doon nagsilong. Napansin rin ng asawa ko walang costumer dahil nga maulan.napansin rin nya.reklamo sya ng reklamo na sana titigil din ang ulan para may costumer din sya na bored na rin daw . Sabi ng asawa ko nag order nalang sya total ang tagal nya…
Saan ba dito ang maganda at masarap?maja blanka na pure o maja blaka de prutas sa dahon ng saging mukhang bibingka para daw may twist na nman sa mata ng tao.Pinahirapan mo ako kaibigan ..pinadalhan nya ako ng picture ng mga paninda nya . Mabinta daw kung ganito ang gagawin nya akala nila bibingka.madiskarte talaga sya. Pinapaorder nya ako maaga pa para isang lakaran lang daw . Hindi ako makatangi alam ko kasi ang kita nya dagdag pa nya to sa gamot nang asawa nya . Relate din…
Shopping day ni madam auring. Hindi sa oras ang lakad ko bago kami magtulog kagabi ang unica ija ko nagrereklamo dapat may bago sya sa pasko o sa bagong taon. Pwede naman ang dati nya pero minsan lang daw humingi kahit walang gift basta may bago. Green team daw kami lahat sa pasko o bagong taon may plano para may bagong damit. Total freeday ko ngayon namasyal ako sa mall ,nakita yon longsleeve na green at mukhan bagay sa kanya . Sabi nya advance gift nalang sa kanya para…
Kailangan ko bumangon at magluto ng pag kain namin at tapusin lahat bago umalis. Pwede naman ang mga anak ko gagawa nito kaso alam ko anong oras sila gigising. Schedule ngayon ng vaccine ko pang 2nd dose ko na. Kaya bago din ako pumunta kailangan busog ako kaya inagahan ko mag luto. Medyo malamig pa sana lumabas pero kailangan .. Tortang talong ang naisipan ko lutuin total pan almusal lang naman. Mamaya nalang kami magsabaw sa tanghalian. Salamat sa dios sa mga biyaya…
Kapitbahay namin busy na sa pag fix nag bungbungan nila. Buti nalang maging handa lagi.Kami kahapon pa naglagay ng tali kung sakali darating kahit paano hindi agad lumipad ang bobong namin. Halos ng kapitbahay namin naging handa narin sila inaayos na nila ang mga bobongan nila. Sana lumihis ang bagyo o kaya sana pahina sya lang sya .kawawa naman ang pasko natin maging malungkot pa sa ngayon palang hirap na tayo buhat ng pandemic. Sabay sabay tayo manalangin mawala ang bagyo…
Si bulilit makulit,walang magawa tumulong sa matandang kapatid nya kaso imbes namakatulong nangungulit. Naglalaro lang to tingnang mo hinayag na buhangin ng kuya nya maraming bata dahil sa batang makulit ang sarap ng tawa nya pag nagkamali si kuya. Humingi pa sya nang bayad ang gawa nya lang mangulit..ano ba to ang dapat daw sa batang makulit ay pinapaslit ...sabay kurot ng kuya nya. Ang tapang nya imbes na umiyak tumawa pa sya ... Ito na naka handa na ang siopao nya at…
Dont delay your own prosperity by being resentful or jealous that someone else has more than you. Sa mundong mayroon advantage at dis advantage,para ito sa limitasyon na dapat isaad bawat isa sa atin. Magpasalamat kung ano meron tayo at maging masaya para sa biyayang tanggap ng iba. Just take cate of your own thoughts. Bless another's good fortune,and know there is plenty for all.
PANIC BUYING Mall o Palengke nagkakasiksikan na. Lahat naghanda para sa bagyong Odette mas mabuti laging handa. Nakatrauma na ang mga tao nakalipas na bagyong Yolanda at Ursula noon. Hindi ka makapunta ng bayan dahil lahat nagsirado na buhat sa baha at basa ang paninda . Mula kahapon hanggang ngayon busy ang mga tao sa paghahanda . Nakakaubusan na ang mga stock sa grocery store at na rin ang flashlight. Marami na rin mga pulis nakabantay nagbibigay paalaala sa mga tao na mas…
KALOKA Sino nakarelate dito?? Nasa ilalim na lahat ng pananim ko,malakas na ang hangin baka bukas sa putik ko na sila damputin. Matataba na sila kaya ayaw ko pababayaan sila masira ng malakas na hangin. Habang inaayos ko to bigla ako kinabahan akala ko may multo sa likod na tinatakot lang ako huhuhu.. May nakinig ako palyadong andar ng motor. Napalingon ako kung saan,tahimik na ang paligid at walang tao hinanap ko wala talaga. Ng bigla lumakas ang hangin doon nan uminggay…
Macaroni Soup (Sopas) Mapainit init muna tayong umaga alam ko malakas parin ang hangin. Humigop muna tayo ng mainit na sabaw bago magsimula magligpit ng sinalanta ni bagyong Odette. Maraming epektado ngayon pero isipin natin blessing parin yan wala naman tayo magagawa. Bakit blessing?hindi lahat na blessing para laman a sa kagandahan bagay .mayroon din pagsubok sa buhay nang tao ,kung paano natin pahalagahan ang isang bagay. Ngayon marami parin nagpapasalamat kahit nasalanta…
Chichay🐕🐕🐕🐕 Dito ka muna sa hawla mo hindi pa pwede lumabas masama pa ang panahon. Iyak ng iyak gusto na nya gumala.araw araw pinalabas sya at pinapasyal lalo na mag CR sya. Napakalambing ni chichay mabait at matuwa karin sa kanya hindi rin sya mapili sa pagkain. Pinabihisan ko lang madumi na ang damit nya. Natuwa ang mga bata sa kanya. Chichay sorry ha ngayon magtiis kalng muna diyan sa hawla mo marami pa akong.linisin sa paligid natin buhat ng malakas na hangin mamaya…
PAGSUBOK (TRIALS) Isang pagsubok kalang kaya namin yan.nabalitaan ko sa nanay ko naubos ang mga puno sa likod ng bahay namin nawala o natumba pati ang palayan nya napuno ng tubig at tumba na rin .next week aanihin na sana.parang dinudurog ang puso ko sa nabalitaan ko naawa ako sa nanay ko pero wala tayo magawa yan ang pinakaloob. Isa lang ang pinandigan ko sarili ko at sinabi sa nanay ko "NEVER GIVE UP".isang pagsubok lang yan ang importante tayo ay buhay walang nasasaktan.…
Saturdate Mula lumuwag o hindi na mahigpit ang health protocol hindi sya lumabas ng bahay. Pero ngayon niyaya ko sya lumabas sa bahay.ang saya nya sabay tanong .Pwede na ba mama ?baka maraming pulis nagbabantay ako pauwiin nila.May takot parin sya hindi nya alam mga bata pwede na lumabas . Pumunta kami ng mall ang una nya ginawa. Kumain sya sa chowking na miss na daw kumain at humigop ng mainit na wanton soup paborito nya . Pumunta sya mga laruan kumuha ng gusto nya.masarap…
Tapos na ang bagyo ,inuman na!!lol. Kung minsan kailangan din magpakalasin Para makalimot ng panmadalian suliranin. Huwag seryusin ang problema magpakasaya din kung minsan. Dito mo makikita ang katuwaan sa barkadahan. At dito mo rin madama ang damayan Basta ilagay mo lang sa tiyan Para walang mangyayaring awayan. Sa isang okasyon to ng kaibigan ng asawa ko naghanda agad ng alak ito lagi ginawa nila noon kabataan pa nila at ng nagkaroon na ng pamilya bihira na uminom sila.…
Papunta kami sa vacination site inagahan na namin para maaga rin umuwi. Baka marami nakapila na mga students doon .pagdating namin nagulat kami walang tao doon kahit isa yon pala sa araw ng linggo ngayon wala na noon kasi mayroon. First dose palang ng anak ko .natakot sya pero kailangan eh. Ngayon iba na destination namin ,may pinuntahan kami iba para hindi masayang ang oras kaso sirado parin Tama selfie muna si unica ija ilang minuto bukas na to. Maganda na ang sikat ng…
Popcorn Nakakaiba tong popcorn nasaloob na agad sya ng paper bag ready to cook nalang sya. Binigay ng kaibigan ko galing sa labas ng bansa umuwi sya magbakasyon at makasama din ang kanyang pamilya. Gusto agad matikman ng bata kasi nakakaiba sa paningin nila .iba kasi niluluto namin nilagay sa manipis na kaserola. Lagay mo lang sya microwave ayos na ready to serve na agad . Masarap sya kasi may flavor na sya.nagustuhan nila. Solve na ang meryenda namin. #popcorn #salamat sa…
Potato salad. Project ito ng anak ko sa cookery nila.Ginawa nya to kanina para bukas. Habang ginawa nya to dapat nakavideo para ipasa rin nila sa messenger ng teacher nila .Ibang iba na ngayon malaki tulong din gadget sa pag aaral nila. Hindi ako dinalaw ng antok ,wala din ako makain kaya ito pinagtripan ko muna to niluto nya.Habang nagpapaantok ako nanood din ako ng tv. Mas masarap pala yon potato na gawin salad ,creamy sya maasim asim at manamis namis at mabango sa ilong…
Gandang umaga kanoise maganda rin ang sikat nang araw .magandang balita wala na tayon bagyo. Sarap sa pakiramdam makita mo sila namumulak na sila.Sa bakuran ko tanim tinamin ko noon unamg buwan pagkakaroon natin ng lockdown buhat ng covid 19. Ngayon ito na sila blooming na.nagbibigay saya o stress reliver sa akin. Sana ganito din ang buhay natin kahit nasalanta ay darating din ang oras babangon tayo at harapin ang pagsubok at tayo magkaroon ng bagong simula at may ngiti sa…
Menudo Picture na pinadala ng kapatid kung lalaki nagluto sila ng menudo.Alam nya na paborito ko yan lalo na kung maraming pinya. Baby shower party nila mag asawa ngayon.Magkaalaman na ng gender. Pero nakuha nya parin magbiro sa akin kahit busy sila sa paghahanda.alam ko masayang masaya sila dalawa ilang taong bago binayayaan ng anak. Pina inggit nya muna ako sa menudo nya at pina inis pero natuwa ako para sa kanya kahit nakakainis sya sa pinadala nyang litrato. Na miss ko…
Unwind muna kami pagkatapos ng simbang gabi ng mga anak ko. Kakauwi lang namin galing plaza .nagpapahangin sandali at tumingin din christmas light.daming tao at mga bata naglalaro at maraming panindang pagkain. Binilhan lang namin yon tampered glass ang cellphone marami na plang binibinta doon. Habang nagkwentuhan sila tinakawan ko sila ng litrato .ganda ng mga ilaw sa likod nila. gusto kumain ng waffle with hotdog ang mga bata bumili kami hahaha pag ankit ng anak ko may…
Tama walang duda Nakita ko lang to picture sa facebook at agaw pansin ako.minulat ko mga mata ko saan ba talaga ang mali dito. Hindi ako nakuntento tinanong ko sa asawa ko kung saan ba talaga ang mali? Gusto ko lang share dito ang nakita kong picture baka makadagdag din ng idea sa inyo. Karamihan sa atin mga babae hindi alam nito. Sasabog pala yong pag may power na dahil nakadikit silang dalawa dapat nakahiwalay daw yon. Very informative talaga ang picture na nakita ko sa fb…
Adobong Galunggong Gabi na ang hapunan namin kakatapos lang kumain. Kahit galunggon ang mahal ng kilo nya maliit pa dala siguro to masamang panahon ilang araw nakalipas. Bumili ako kalahating kilo lang nagtitipid si nanay mahal kasi parang mabigat na sa bulsa. Sa ulam araw araw at ganito ang kamahal ang isda naku paktay tayo dito mapagulay nalang ako at samahan ng piniritong tuyo. Mahirap mag budget bilang nanay at tatay sa pagkain palang magasto dagdagan pa ng mga babayarin…
Pilipinas maayong aga. Bespiras ng kapistahan ngayon sa amin probensya.pinapauwi kami ng nanay doon. Kaso may pasok pa ang mister ko lalo na exam pa ng anak ko. Kaya hindi kami makatuloy umuwi sa susunod nalang. Pumunta ako ng tindahan para makabili ako ng ulam.namin napadaanan ko lang to mga maliit na tanim na may nakakaibang bulaklak kompara sa mga tanim ko sa bakuran parang weird sya tingnan. Maliit sya tingnan pero napakaganda nila tingnan. Hindi pala pwede maliitin mo…
Pasko para sa akin (Christmas for me) Tatlong araw nalang pasko na diba?Karamihan sa atin tuwang tuwa na o excited na lalo na mga bata makatanggap ng regalo galing sa ninong o ninang nila o kaya sa nanay o tatay nila. Christmas ay nagbibigayan ng regalo or exchange gift.pero sa ngayon para sa akin : Christmas is THANKSGIVING.Gusto ko magpasalamat . Salamat binigyan ako ng pagkain araw araw kahit wala ako maraming matangap na regalo sa pasko. Salamat kahit walang christmas…
BRUNCH Late na ang almusal ko na pwede na rin to pangtanghalian. Ano oras na kasi bumangon kung minsan ang katawan ko tinatamad gumalaw . Ang labahin ko muna inuna ko nakinig ko kasi sa balita na may low pressure na parating . Medyo maganda pa kasi ang panahon ngayon kaya tinapos ko na. Pagkatapos ito nagluto nako ako ngayon palang ako nakakain . Tinolang manok na may papaya at dahon ng malungay. Simpleng ulam pero masustansya na.sya dahil sa malungay na maraming bitamina…
Tinutupi na ng anak ko ang mga damit na labahan ko kanina.Hindi pa kami natutulog lahat tinapos na namin para bukas magluluto nalang kami at magsimba sa hapon. Bukas busy na lahat sa paghahanda para sa pasko sana lahat masaya. Panalangin ko mabigyan tayo ng magandang panahon sa pasko , alam ko may parating na low pressure sa atin na naman. Tapusin lang namin to ng anak ko pagkatapos mapahinga na rin kami. Goodnight sa lahat.
BAHAY KUBO Habang umiinum ako ng mainit na tubig may taong biglang pumasok yon pala kapitbahay namin. Ang ganda ng umaga ko binati nya ako agad ng Merry Chrismas at Happy KRISIS ..LOL. Kahit krisis ang sinabi nya happy naman sya talaga.tupakin tong babae pero mapagbigay at masiyahin naman. Pinapunta nya ako sa bahay nya ,gawa sa kawayan at nipa pero ang presyo BAHAY KUBO kung tawagin Pinakita nya sa akin ang uling nya malalaking klase tapos maapoy raw,pinapakuha nya ako para…
Nakahanda na ang pagkain para mamaya kahit papaano may salosalohan kami . Punta muna kami ng simbahan .para pagdating kakain nalang. Lahat busy sa paghahanda . Ang anak ko pinaghanda rin nya ang damit nya malapit na mag umpisa ang misa. Maligayang pasko sa inyo lahat ilang oras nalang nouche buena na. Mamaya naman ako sisilip dito busy busyhan pa si Iyay.
TITO'S GIFT Tumawag ang kapatid ko kahapon binigyan nya ang mga bata panregalo pero dapat bilhin pagkain yan bilin nya. Nagrequest naman ang unica ija ko sa Shakeys lang dahil hindi sya nakapasok pa shakeys mula pinatayo dito yan ,dahil nga nasa isip ko mahal mga pagkain dito. Total nagpapakain naman ang Tito nila linubus lubus nalang nila sympre basta yan ang gusto ng bata pinagbigyan sila . Napakasaya naman nila nakapasok sa shakeys grabi pagpapasalamat nila. Sulit nman…
Magandang umaga Pilipinas. Maulan ngayon umaga dito sa amin .Nabingyagan naman ang mga tanim ko . Nabuhay na ang tinanim ko na moneyplant. Ang isa na to ginawa kong bonsai sinubukan ko kung kaya ko.Binigay ng kaibigan ng anak ko parang shell nakita nila sa dagat noon naligo sila. Naisipan ko lagyan ng tanim ,maganda nman pala sya tingnan at nabuhay na rin. Ang iba sa plastic ko nalang tinanim goodluck daw to klaseng mga tanim . Kung minsan nilagay ko na rin to sa center…
12:05am 12-27-2021 Umaga na...gising pa rin?? Nakaramdam ako ng gutom kaya nagluto ako ng noodle at piniritong tuyo. Hindi ako nakaramdam ng atok gising na gising ang kaluluwa ko ngayon. Anong oras na!tahimik na ang paligid parang natatakotna rin ako tulog na ang mga bata at partner ko. Malakas pa naman ang ulan kung ano ano na ang laman ng isip ko baka baha na sa bayan .advance na ako mag isip ... Idaan ko nalang to sa kain ang mag imahinasyon ko. Kumain ako mag isa sarap…
Malamig na gabi mga kainggay . Umuwi ako ng probinsya namin bumayahe ako ng ilang oras kaya matagal ako hindi naka silip dito .nakakapagod sa biahe pero masaya nman nakarating sa amin .Isang araw rin walang kuryente dito kaya lobat ang cp ko.Buti nalang bumalik na ngayon gabi at may signal na rin. Importante lang ang lakad namin.Kaya kahit malayo go lang.Hindi ko na napost dito ang picture nakuha mahina ang signal dito. Kaya nakasilip ako dito .tara na kain muna tayo gutom…
Ngayon schedule ng exam ng anak ko sa PNPA kaya bumiyahe kami medyo malayo pa sobrang tatlong oras pa bago makarating doon.Sa Iloilo City ang Venue ng exam.Maaga pa mag umpisa kailangan before 8am doon na sya. Kaya kahit malayo tiis muna para sa kinabukasan ng anak mo suportado ng nanay. Habang nasa biahe pinapanalangin ko sana makapasa sya para makuha rin nya ang gusto .kahit may kaba ako sa taong may baril kung sakali maging pulis sya. Pero sa ngayon nag aaral din ng ibang…
Habang pauwi na kami ngayon gabi sa amin bahay agaw tingin sa akin ang mga parol nagbibigay liwanag sa paligid. Bumaba ako at naghingi na kunan ako ng picture sa mga kumintab na mga parol. Dinadayo rin ng mga lovers magtambay dito .ito lang na portion ang gusto ko kunan ako ng litrato na mas mayroon pa maraming decorasyon sa plaza nila. Saglit lang ako dumaan dito pero napaantig ang puso ko sa liwanag ng mga parol. Punong puno ang mga mata ko sa napakaraming decorasyon…
Bukas desperas na ng bagong taon.. Dapat malinis na ang bahay dapat wala na labahan yang ang mga pamahiin ng mga matatanda noon aat hanggang ngayon daladala parin natin ang tradition na yan. Imbes na mamalinki ako ngayon hindi natuloy .Sumabak muna ako gawain bahay at naglaba para bukas itupi ko nalang pagdating ng bagong taon ayos na . Hindi pa ready ang prutas ko wala pa kahit isa halos nakita ko kapitbahay kompleto na. Sa sobrang lamig parang ayaw ko kumilos papunta ng…
SURPRISE GIFT Oh no napapaiyak ako paggising ko hindi ko alam nagulat o nabigla ako basta naiyak ako sa tuwa. Hindi ako nag expect sa asawa ko ng regalo alam ko nman sa birthday kolang yan nagregalo sa akin o kaya hihingian ko sya ng gusto ko. Hindi ko alam nag effort naman pala sya sa akin ang kinatutuwa ko pa ang mahal naman ng regalo nya kaya lumulundag ang puso ko sa tuwa.alam nyo mumurahin lang ang binibili ko kontento nako. Appreciated much langga ko binilhan nya ako…