Sardinas + gulay Ito ang ulam nmin ngayon sa tanghalian. Ginisang sardinas na may gulay. Dahil mahal ang baboy ,delata nlang ginawa kong pansahog sa gulay.. Sampong piso na sitaw nilako ng kapitbahay namin. Malunggay libre lng sa bakuran nmin. Sardinas na 22pisos sa tindahan namin. Sumatotal 32 pesos lahat ,oh laking tipid na para makaraos na ang isang kainan .ganyan na ba talaga mag budget mga ka noisemate. Mahal pa ang presyo ng isang litrong gasolina sa luto kong pagkain. Ay naku!sa ganitong sitwasyon dapat na talagang wais mommy tayo,lalo na sa usapan budget. Mahal na nga ang pamasahe ,dumagdag pa ang presyo ng gasolina. Tiis nalang muna ako sa tindahan o sa talipapa na may mga isda na benibinta. Makatipid pa,maka exercise pa ako , dahil medyo malapit lang naman lalakarin ko nalang. Kahit sa ganitong paraan makatipid parin kahit paano.. Kahit ginisang sardinas at gulay masarap nman at masustansya pa. Pahinga muna ako after nito laba laba naman #lunch #rest 📸@Emeline
1 comment
Simpleng ulam pero masarap siya mayaman sa bitamina lalo na ang malunggay,:)