Carrot cake Salamat dumating din ang paborito kong cake gawa ng pinsan ko ,tamang tama to bukas kape lang ang katapat. Nilagyan niya rin ng maraming toppings na mani. Kamusta kayo ?ingat kayo lagi lalo na ngayon mainit na ang panahon.
Joined 23 October 2022 · 2620 posts
Simple and humble
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Carrot cake Salamat dumating din ang paborito kong cake gawa ng pinsan ko ,tamang tama to bukas kape lang ang katapat. Nilagyan niya rin ng maraming toppings na mani. Kamusta kayo ?ingat kayo lagi lalo na ngayon mainit na ang panahon.
Relax muna kami ngayon sa bahay ng kaibigan namin dahil Sunday ngayon. Ilang minuto uwi rin kami,6pm pa kami dito malapit lang naman sa bahay namin. Bukas trabaho naman ulit kaya ito inuman muna ang asawa at kaibigan niya habang kami nagkwentuhan din at kumain ng Mani at chichiria Masarap din kung minsan makibonding sa kaibigan lalo na kung Isang linggo puro trabaho nalang. Good night everyone...
Fresh melon at coconut kung tawagin sa amin ay "kulabo"sapat na sa tag init lalo na kung may maraming yelo.
Tamang tama kanina paalis kami ng bahay may tumawag sa asawa ko ang kumpari namin na doon kami daw maghaponan sa bahay nila. Alimango at Kari Kari ang niluto nila,pagdating sa alimango hindi ko pwede palagpasin kaya diretso agad kami doon sa ng kumpari at Kumari namin alam rin nila isa sa paborito ko to kaya sabay sabay kami doon kumain sa bahay nila. Happy tummy...

Day off ng asawa ko ngayon,kaya nagyaya siya kumain sa labas sa Mang inasal, alam niya yan ang paborito ng mga anak kong lalaki ,hinahabol unlirice pero napunta sa javarice. Kahapon pa to sana kaso marami inaayos sa bahay . Umuwi busog ang mga bata at masiyahin sa dahilan,nakalabas naman sila ulit. Salamat sa papa namin nabusog kami lahat.
Coconut ice cream at coco mama Tag init man o hindi masarap parin to sa akin kainin. Tara na meryenda Tayo...


Ang ganda ng panahon pati langit at dagat. Ganda tingnan ng paligid . Susunduin namin ang pinsan ng asawa ko sa Dumangas Port galing Bacolod para nagbakasyon sa bahay. Good afternoon everyone

Sarap mamasyal sa dagat tuwing hapon . Kasama ang kapatid ,magulang at anak. Kumain ng street food at ang paborito nila ay balot. Sa simpleng pagkain ang importante masaya ang lahat,Lalo na nakalanghap ng sariwang hangin sa tabing dagat. Mamiss ko to lahat sa kanila pagbumalik na sa trabaho ang bawat isa.


Birthday ng anak ko kagabi ,daming besita kanyang kanya silang pwesto kaklase niya sa kolehiyo at kasamahan sa simbahan. Natulog kami 3am na ,kaya kanina anong oras na ako nagising at ngayon matulog rin ako ng maaga para makabawi. Bukas maaga parin ako gigising may mga dapat lang lakarin na hindi ko kanina natapos. Good night everyone


Nakita ko ulit sa gallery ko picture ng anak ko kung saan sa manila ngayon,si Nanay sa Iloilo at mga kapatid kung saan babalik na Sila next week sa kanilang trabaho at taon ulit magkikita at magsamasama. Kailangan ko na mapahinga napagod ako kanina sa pàg asekaso ng mga papers ng anak ko dahil may mali sa birth certificate niya, kaya hindi siya pwede makuha ng passport need pa niya ayusin bago ang lahat. Goodnight 😘😘
My dinner Diet muna ako sa ngayon tumaas konti ang cholesterol ko. Buti nalang nawala na ang allergy ko,ilang weeks kasi naparami ako ng kain. Mula pasko hanggang bagong taon tapos may mga besita pa ako mula January hanggang February kaya naipon na lahat. Bukas balik ulit sa gulay at exercise. Tara na kain tayo kunting pansit sapat na para sa hapunan ko.
Salamat ulit sa blessings galing sa kaibigan ko . Slingbag at bread hindi ko alam ang pangalan ,ang alam ko lang masarap na klaseng tinapay at parang mahal ang bawat slices nito. Nagparamdam na si bff na malapit na ang summer,pero sa ngayon malakas ang ulan parin. Nagustuhan ko rin ang slingbag niya pan summer talaga. Sana tag init na para magamit ko rin ito.

Kumain kami sa labas kagabi,dahil ang panganay kung anak bumalik na sa manila kanina at bukas may trabaho na siya ulit. Masaya kami ni papa niya libre ang hapunan namin lahat sagot niya.tapos kumain nag inuman sila . Kahit anong oras na kami nakatapos ok lang sinamantala na ang gabi,alam ko isang taon nman siya ulit uuwi. Maaga ako ngayon matulog para maaga rin ako gumising para magluto ng almusal ng mga bata. Lunes na naman ulit ang bilis ng araw . Good evening..


Banana boat Masaya na nakakatakot pero ang kapatid ko diyan umiyak sa kaba lalo na paglumalakas ang hila sa amin at lumulundag sa malakas na alon. Isang karanasan natutuwa sa takot hahahaha... Lahat nakaramdam ng pagod ,pagod na sobrang hawak sa lubid para hindi mahulog lalo na ako isang kamay lng ang mayroon pwersa dahil nga may sugat pa. Pero sa kabuuan Masaya parin kami naranasan ito dahil ilang beses kami bumalik ng Boracay hindi namin nagawa ito dahil nga sa takot. Salamat naranasan rin ng mga anak ,kapatid at asawa ko. #qualitytime


Masarap sa feeling ng isang Nanay kung makikita mo kompleto ang mga anak mo kasama sa bonding tapos dinagdagan pa ng mga kapatid mo. Masaya ako pagkasama Silang lahat . Happy Tuesday 🙂🙂🙂


Hi!!! Ito ang pinakamasaya sa buhay ko yon mga inaanak ko tinatawagan ako. Malayo man sila ,pero napakalapit nila sa puso ko. Ano man nangyari na diyan parin sila. Isa rin sila sa mga naging nagkompleto ng araw ng valentine ko..Hindi lng inaanak kundi anak na talaga ang turing ko sa kanila. Salamat ngkaroon ako ng ganitong inaanak na maalalahanin at mabait. Goodnight everyone ☺️☺️
Sa ilang araw na wala siya sa bahay , masaya siya nag update sa akin ang asawa ko na pauwi na daw sila.pero sa ngayon nasa speed boat na daw Siya. Kaya busy rin ako sa pagluto ng pagkain ,isda at gulay ang ulam na inihanda ko .alam ko naman puro meat sila doon. Salamat natapos na rin ang event nila ,makapagrelax na rin siya sa bahay.
Hello!! Busy ang araw ko lalo na ngayon wala dito ang asawa ko ,sarili kong desisyon, sarili ko rin lakad kaya minsan lang ako nakaupdate dito. ASEAN summit ngayon kaya busy siya sa trabaho lalo na sila ang host ng event . Hanggang litrato nalang ako kung ano ang ganap doon sa Boracay. Medyo matagal pa uwian nila ,mula February 1 pa siya doon pero ayos lng yon basta importante magawa nila ng maayos ,mapayapa at maganda ang trabaho nila. Matulog ako ng maaga para bukas maaga rin ako umalis may mga asikasuhin akong importante. Goodnight
Thank you my Amiga!! Pasalubong galing Iloilo,isang kaibigan ko namasyal sa Aklan para magbakasyon din sa Boracay. Nagkita kami kanina sa isang restaurant para kumain sila ng tanhalian bago umalis ulit. Ito ang pasalubong niya sa akin ,Ang sarap na gustuhan ko lalo na mga Bata. Maligo ang panahon tamang tama sa mainit na kape. Meryenda Po tayo..
Midnight snack Hindi ako makatulog ,ganito lang siguro ako pàg wala ang partner ko 14days sa Boracay ang assignment niya dahil sa ASEAN summit. Gumising nalang ako at nagluto ito pasta na nilagyan ko ng gulay ,ito ang nakita ko loob ng refrigerator kaya ito halo halong gulay ang nilagay ko sa pasta. Habang kumain nagkinig ng music parang niliban ko na rin ang sarili ko. Tara kain Tayo..
Kanina galing ang asawa ko sa airport,may besita siya sinundo galing Manila para kasama nila bukas doon sa Caticlan para sa darating nila na event. Pagdating niya sa bahay niyaya niya ako kumain sa labas ,Hindi ako nakatangi lalo na libre ako sa kanya alam ko naman bukas alis na siya at alam niya rin ito ang gusto ko sa kanya pàg umalis may oras nakalaan sa amin kahit saglit lang. Kahit batsoy lang kinain ko doon sa pinuntahan namin pero masaya na ako lalo na libre ng asawa ko. Kailangan ko na matulog para bukas maaga rin siya umalis ako kasi taga gising niya...🤣🤣 Good night
Simpleng hapunan pero puno ng kasiyahan. Alam ko nagustuhan ito ng besita ko . Bihira lang to sa kanilang lugar ang seafoods lalo na ang alimango.kaya naparami siya ng kain at ang saya niya nakatikim ulit ng alimango ilang taon nakalipas. Habang ako kumain marami siyang kwento sa buhay niya,nauna kasi Siya natapos kumain sa akin. Napakasimpleng babae walang Arte pero makikita mo ang kagandahan ng loob niya at napahanga ako sa kanya lalo na narinig ko ang istorya ng buhay niya. Kung minsan sa lahat ng hirap na dinaan ng isang tao,Yan pala nagdala ng tagumpay sa Buhay. Good night
Good morning Natapos na ang okasyon sa amin ang tinatawag na ati atihan.ito sa paborito ko ang mga bata kung saan isa sa mga sumali sa parada. Kaya sila ang maganda sa panigin ko at hindi ko rin pinalampas magpakuha ng litrato sa kanila. Sa Saturday at Sunday sa kabilang bayan naman sa Ibajay o dinagyang sa iloilo, peroas gusto ko sa Iloilo para makauwi rin ako sa bahay ni nanay. Medyo malamig parin ang umaga , umulan kanila kanina buti nalang huminto na ngayon. Tara na magkape muna tayo.
Hayahay ulit.. Isang tawag na natanggap ko galing sa isang kaklase ko noon sa kolihiyo.Isang ganap na guro sa publikong paaralan. Nagkita kami kung saan may parada ang mga guro. Na miss ang bawat isa kaya kanina tinawagan niya ako para kumain sa isang resto bar. Maraming kwento ang nabuo ,kahit hindi ako tulad nila bilang guro pero masaya ako sa amin pagkikita. Hindi ko akalain kahit ilang taon nakalipas ,sa amin pagtagpo ulit walang pagbabago doon parin ang amin pakisamahan,kahit mayroon na kaming pamilya. Masaya ako sa amin pagkikita kahit ilang oras lang pero naging masaya ang bawat isa. Hayan ubos ang order ko ,pero sila ang nagbayad,sa susunod nalang ako bumawi sa kanila. Sarap sa pakiramdam parang napakaispesyal ko ,tulad ng pwesto namin sa itaas ng resto bar. Goodnight 😘😘
Ready na si baby Ethan sa kanya pàg uwi. Kaya busy na rin ang Lola niya sa paghanda sa pagdating niya.Habang busy sila sa amin probensiya busy rin kami dito sa panood ng mga parada ng mga tribu. Pero ngayon kakatapos na rin ng parada ng mga tribu bago umulan.salamat binigyan rin sila ng maganda panahon hanggang matapos Saka bumuhos ulit ang ulan. Keep safe sa flight ng pamankin ko.
Kahit pagod pero worth naman.. Masaya ang mga bata kanina nakalabas ng bahay para masaksihan ang higante parade . Ngayon nasa opisina kami ng asawa ko. Plano namin pumunta sa Magsaysay park para manood at makijamming sa kantahan ng mga artista. Pero bago kami pumunta doon kumain muna kami dito sa opisina nila daming pagkain,nagluto si boss nila para sa mga besita. Enjoy ko muna ang gabing ito kahit maingay ang importante may masarap na pagkain ang harap ko. Good evening..

Bukas higante parade na dito sa amin sa Aklan. Pero sa loob lang kami ng bahay. Hindi maganda ang panahon. Mas excited pa nga kami sa darating ng dinagyan. Larawan namin magkapatid kung saan bumili kami ng t-shirt na dinagyan at damit sa BAYO isa sa paborito ng kapatid ko ,pero ako hindi medyo may kamahalan .Kuha ko pa to kung saan nagbakasyon ako sa amin probensiya. Sana bukas maganda na ang panahon para ang mga bata makalabas din at makasaksi ng mga palabas. Malamig na Gabi kaya maaga din ako magpahinga .. Good evening

Masaya ako nakatanggap ng regalo galing sa katrabaho ng asawa ko noon pa nila to binigay kaso isang araw ko lang nakuha dahil nasa bahay ako ni Nanay. Sana yayaman ako sa wallet na ito 🤣🤣sabi nila swerte daw pàg may nagbigay ng wallet ..at sana swertehen din ako... Swertehen man ako o hindi sa wallet na ito ang mahalaga binigyan pa rin ako ng regalo at masaya ako sa natanggap ko galing sa kanila. Good evening..
Happy New Year everyone Thank you 2022 Welcome 2023 Sana mabiyayaan tayo ng magandang pangangatawan lahat at makakain araw araw. Good night

Good morning.. Sarap ng tulog ko,10pm na kami nakarating ng bahay. Bago kasi kami umuwi namasyal pa ang mga bata sa mall.kaya medyo napagod ako. Larawan ko sa isang mall kung saan kami kumain ng hapunan bago lumarga. Ito gising na pero nakahiga parin nakakatamad bumangon dahil malamig ang panahon. Ilang araw nalang bagong taon na nman..
