Weekend na dapat pahinga ng mga kids pero may reading sessions parin kami. Rest day nila sa module pero sa pagpapabasa ay hindi. Ginawa ko ng daily routine ang pagbabasa namin. Lagi kong isinisingit anytime of the day. Basta may time ako e pauupuin ko lang sa tabi ko at start na ng pagbabasa. Hinahayaan ko sila maglaro at manuod pero kapag tinawag ko na sila para magbasa e sumusunod naman sila. Nakasanayan na din nila pero nung una kasi e panay reklamo pa. 😂 Siguro sa maghapon nakaka-dalawa hanggang tatlong reading sessions kami. Syempre di naman matagal kasi sa age nila masyado pang short ang attention span nila. Kapag nakikita ko naman na nawawalan na ng focus e pahinga na. Si Elyzz ko ay okay na sa mga CVC words at pwede na akong magfocus sa mga sight words. Si Bertt ko naman e kakastart pa lang namin sa CVC words. Nababasa naman nya ng may kabagalan pero ilang sessions pa siguro e bibilis din sya. 👌 #HappyMe 💚
3 comments
Ang galing nyo po maghandle ng lesson ng mga junakis nyo po, maganda na laging isinisingit sa lesson ang pag read.
Hello my friend how are you I hope you will be fined and happy wished always blessed full for you
Ah korek friend pra masanay. Gnun din ako sa mga kids ko