Ala-ala ng Kahapon

0 12
Avatar for Ellechem0503
3 years ago

Created: July 25, 2017

words by: Mitch

Dalawang taon na ang lumipas ng akoy ipagpalit mo sa iba.

Dati'y gabi-gabi iniisip ka, iniisip kung anu naging pagkukulang ko sa walong taon ng ating pagsasama. 

Sa bawat pagkakataong naiisip ko na minahal kita ng lubos noon 

di ako makapaniwalang nasa piling ka na ng iba ngayon. 


Ng ako'y iwan at ipagpalit mo sa iba hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Sa walong taon na naging parte ka ng aking buhay, nasanay na akong nandyan ka.

Kaya't nung nawala ka, mundo ko ay nag iba. 

Dati aking ipinapanalangin na sana ay matauhan ka para piliin mo akong muli at hindi sya


Ang panalangin ng kahapon ay nag iba noong nakilala ko sya

Ang lalaking di inaasahang maging dahilan ng aking saya


Akala ko di na ako magmamahal muli, dahil ang bakas ng kahapon ay kay sakit.

Pero heto ako nakakita ng dahilan para ang pusong nadurog ay muling magmahal

Pagmamahal na di ko inakala

Pagmamahal na akala ko di na darating

Ang naranasang sakit kahapon kagalakan ang naidulot ngayon.


Oo, natatakot akong magmahal muli. 

Natatakot na baka muling masaktan

Natatakot na baka pagdating ng panahon ako'y muling iwan.

Pero di ko na inalinta na baka ako'y muling saktan

Dahil ang pagmamahal mo ay sapat na para ang takot na aking naramdam ay maialis sa isipan.


Ang pagmamahal mo naging dahilan para ang pusong nasaktan noon ay handa na muling magmahal ng tapat ngayon.

1
$ 0.00

Comments