read.cash Log in
@Eirolfeam2 more from that month

This! 💯 Nung lumabas ako nung isang araw para umattend ng birthday celebration ng anak ng friend namin nung High School, nagkaroon kami ng mini-get together with my HS friends. At dumating din ung teacher namin nun. So nagtanong-tanong siya kung ano na ba daw ang ganap namin after 2 months simula nung graduation namin sa college. Sumagot ung iba pero nung tinanong ako, sinabi ko lang na, "Wala. Tambay lang sa bahay, ser." At naniwala naman siya. Tapos nagkayayaan na lalabas sana ulit kahapon dahil wala silang pasok, pero sabi ko, "hindi ako available bukas." At nagtataka siya kung bakit hindi ako pwede eh wala naman daw akong work. Lols! Ewan ko pero parang napaka-degrading nung tono niya eh. Sabi pa nya, "iwewelcome ko sana kayo sa unemployed world, kaso may trabaho na pala ako." Like, as if naman, siya lang ung may trabaho. Ah ewan. Basta, mapagtanim talaga ako ng sama ng loob. Dinidiligan ko pa every day yan. Hahahaha! 🤷‍♀️🤣 K. Magrarant lang bago mag-work work work ulit. 😂

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.