The footbridge lesson!

0 37
Avatar for EiprilleBie
2 years ago

Alam ko marami sa atin gusto ang short-cut. 'Yong tipong mapapabilis ang lahat ng bagay lalo na kung nagmamadali tayo.

Alam ko ring marami sa atin lalo 'yong mga nasa lungsod ang pamilyar sa footbridge.

Ito ang realization ko tungkol dito.

Ang buhay ay hindi short-cut.

Sa may Puregold-Araneta, may isang ale na sumisigaw, "Mga ate, tatawid kayo? Bawal nang tumawid dito. May nanghuhuli na. Doon kayo sa footbridge dumaan."

Matagal na akong tumatawid sa may kalsadang 'yon. Mas malapit kasi. Minsan nga naiisip ko, anong gamit pa ng footbridge roon?

Pero sumunod ako sa sinabi ni ate, umakyat ako ng footbridge. Mataas. Eh, nakatakong pa ako. Matarik. Nakakapagod. Marami akong dalang visual aid tapos laptop ko pa.

Nakinig ako. Hindi ako nahuli. Hindi ako nahassle.
Advance ako mag-isip no. 

Narealize ko. Wake-up call sa akin 'yun na palaging nagmamadali. Sino bang hindi?


Si ateng sumisigaw, siya ang boses ni God na nagremind sa akin ngayon.
Don't take shortcuts. Lalo na kung ang pagshortcut mo ay ikapapahamak mo o makatatapak ka ng tao.

Yung kalsada patawid, yun ung mga tukso sa buhay.

Madali. Malapit. Pero, may "unseen danger" sa kabila noon.

Yung footbridge, ito yung mga dadaanan ko sa buhay. Paakyat. Pababa. Mataas. Matarik. Nakakapagod.
Pero, in the end, makakarating ako ng ligtas sa paroroonan ko.

Sa buhay ng tao, walang short-cut. Hindi easy-easy ang buhay. Gusto mong may marating sa buhay, pagpaguran mo, paghirapan mo.

The short-cuts may make your life easy and fast but take the long and hard routes. Take the road less traveled. For these roads, these ways are the ways that lead to safety, that lead to God.
And God will always send you people to guide you along the way. 

Ikaw, kapatid, ano ang mga "footbridge" sa buhay mo?

3
$ 0.08
$ 0.08 from @TheRandomRewarder
Avatar for EiprilleBie
2 years ago

Comments