SALAMAT (A Poem Dedicated to All)

2 34
Avatar for EiprilleBie
2 years ago
Thank you in different languages.

I still have two classes to go, so allow me to post this poem inspired by Ari Eastman's letter of #Gratitude: It is dedicated to all the new people I meet and eventually became my friends.

We must say the magic words of “I love you”, “I am sorry”, “Thank you” and “Forgive me” every day.

For this article, allow me to say THANK YOU!

*****

SALAMAT (Inspirado mula sa isinulat ni Ari Eastman)

Sa mga taong naging tungkod ko sa panahong

nanginginig na ang aking mga tuhod at bumabagsak na ako,

SALAMAT!

Salamat sa pagsisilbing mga paa ko sa panahong

halos wala na akong lakas upang makagalaw.

Sa pagiging suporta ko at lakas sa mga pagkakataong hinihintay na lang ng iba na lumagpak ako at mabaon sa putikan.

Salamat sa pagiging isang matibay na sandigan at pundasyon ko

na humihila sa akin upang manatili akong nakatayo sa aking mga paa.

Kapag ako ay shushunga-shunga at palaging nadadapa,

kayo ang unang tatawa

ngunit kayo rin ang unang mag-aabot ng inyong mga kamay

upang ako ay tulungang bumangon sa pagkadapa.

 

Kayo ang aking unang entablado at mga unang kritiko.

 

Sa mga taong nagsasabing okay lang hindi maging okay, SALAMAT.

 

Salamat sa pag-unawa kapag bumibigay na ang puso ko

at kailangang maging malakas ako.

Hinayaan ninyo akong magmahal na walang kinatatakutan.

Kahit paulit-ulit na akong nasasaktan dahil sa aking katangahan.

Palagi ninyong ipinapaalala sa akin na hindi lahat

ay kakasya sa kahong idinidikta ng lipunan.

Hindi ko kailangang ipagsiksikan ang sarili ko sa kahong ito

kung kaya ko namang bumuo ng sarili ko.

 

Kahit na sa mga panahon na burara ako at mukha akong dugyot,

andiyan pa rin kayo.

Maraming beses sinasamahan pa ninyo ako sa aking mga kabaliwan sa buhay.

 

Sa mga taong pumapalakpak at nagchecheer pa rin kahit na ang boses ko

ay parang tunog ng buntis na palaka

o ng pusang naglalampungan sa bubong kapag gabi,

salamat.

 

Salamat sa pagpapaalala na importante ang mga pananaw ko sa buhay.

 

May mga panahon na gusto kong manahimik lalo na kapag galit,

o kapag gusto kong magdadaldal na parang wala ng bukas.

Pero nirerespeto pa rin ninyo ako.

Hinahayaan ninyo ako at sinusuportahan sa mga ipinaglalaban ko basta tama,

Itinutuwid ninyo ako kapag mali.

 

At minamahal ko kayong lalo sa pagdaan ng panahon.

Sa mga taong kilala ako kung sino ako na higit pa sa pagkakilala ko,

at andiyan pa rin sa tabi ko, SALAMAT NG SOBRA.

 

Salamat dahil nakikita ninyo ang mga bitak, sugat, pasa at mga peklat sa buhay ko

pero nanatili pa rin kayo.

Salamat dahil nakikita ninyo ako bilang ako

at hindi ang taong minamaskara ko upang pagtakpan ang tunay na ako.

Nasaksihan ninyo ang pinakamadilim na yugto ng buhay ko,

ang pinakamagulo na halos pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa,

at doon, napatid ang tali ng maskara at nahubaran ang aking huwad na pagkatao.

 

Pero sabi pa rin ninyo,

Okay lang yan.

Worth it ka.

Kamahal-mahal ka.

Walang nagbago.

Andito pa rin kami.

 

At sa mga taong minahal ako kahit na hindi ko deserve,

kahit na parang hindi ako karapat-dapat mahalin,

SALAMAT.

 

Salamat dahil pinakita ninyo sa akin kung ano ang totoong pakahulugan

ng pagkakaibigan, ng paggabay, pagmamahal at pagmamalasakit.

 

Kayo ang pinakamagandang nangyari sa mundo ko.

Kayo ang dahilan kung bakit nagkakaroon na ng kulay

ang pagtingin ko sa mundo,

Sa sarili ko.

 

Kaya, bago man matapos ang buhay na ito,

hayaan ninyong sabihin ko MARAMING SALAMAT!

 

You can share this article to people you are thankful for. And thank you for reading too!

#originalcontent #poem #RandomThoughts #Friendships

2
$ 0.06
$ 0.06 from @TheRandomRewarder
Avatar for EiprilleBie
2 years ago

Comments

SALAMAT isang salita lamang ngunit napaka ganda sa pakiramdam kapag ikaw ay sinasabihan nito lalo na kung galing sa taong mahal mo☺️

$ 0.00
2 years ago

Salamat po. Tunay pong napakasarap sa pakiramdam na masabihan nito kasi naappreciate ka.

$ 0.00
2 years ago