Una sa lahat hindi ko alam kung san ako mag-uumpisa. Hindi ko inexpect kasi na magiging kami talaga ng asawa ko dahil sa kanyang trabaho. Hindi kami kinasal sa simbahan sa civil lang pero okay lang naman sa akin kasi super magastos kasi pag sa simbahan pa kami magpakasal. After a month na kinasal kami nabuntis agad ako. Tapos yun na nga. Don na nag umpisa na hindi na siya basta makapag communicate sa akin at sa anak naming. Dami niyang mga dahilan para lang hindi siya makapag contact sa amin. Hindi ko alam pero para kasing nag iba na siya. Kaya lagi nalang ako nagdududa sa kanya dahil sa pagbabago niya. Yun pala lagi nalang nakikipag inuman sa mga katrabaho niya. Hindi ko kasi ugali ang pinupuntahan siya. Kaya hindi ko alam ang mga ginagawa niya.
Pagkatapos non nahuli ko siya nong mag 3years kami na may ibang sim card siya na ginagamit at todo tanggi pa siya kahit nakita ko na ang sim card sa mismo motor pa niya. Tapos nong nahuli na siya tinapon niya agad yung sim card. Lagi kaming nag aaway dahil sa mga bagay na nakikita ko at nararamdaman ko. Dahil sa pag dududa ko lagi na ako nag-iisip kung ano-ano. Pero tinanggap ko pa rin siya.
Sa isang iglap para naisip ko na bakit ako nagpapakatanga sa taong wala naman talagang pagmamahal sa akin. Kaya nagpasya ako na makipag hiwalay nalang sa kanya para sa freedom ko kasi parang ang sakit sakit na magiging tanga. Pero nong sinabihan ko na siya na ayoko na, nakakapagod na kasi na parang binaliwala lang yung mga chances na bigay ko sa kanya kasi paulit ulit nalang yung pangyayari. O paulit ulit nalang yung sakit na binibigay nya. Kaya baka naman may isang taong deserve sa pagmamahal ko. Pero ayaw pa rin niya kasi ayaw niya ng broken family. Pero bakit kaya mong mawala ako kung ayaw mo naman ng broken family sa mga gawain mo parang don na sa point na ayaw mo talaga sa akin. Kaya ngayun nagpasya na ako kasi subrang sakit na ang mga gingawa mo sa akin. Tiniis ko lahat para sa anak natin pero parang nakakapagod ng paulit ulit nalang akong tumatanggap ng sorry mo. Kung gusto na mawala ako kaya ito ako ngayon nagdecision na maghiwalay nalang tayo para wala ng taong mangingistorbo sayo.
Nagpakalasinggero niya at hirap niya paintindihin kapag nakainum. Everyday siya umiinum tapos ayaw niya talaga tigalan ang bisyo niya. Tapos sasabihin niya sa akin na makipaghiwalay siya dahil sa hindi daw ako nakakaintindi sa kanya. At sinabi ko sa kanya okay magfifile lang ako ng settlement for the allotment ng mga bata para walang problema. Nang nagdecision na ako na okay sa akin maghiwalay nalang kami kaysa paulit ulit nalang. Diba? Ang hirap mag kunwari na okay ang lahat. Kaya sinabihan ko anak ko about sa sitwasyon naming ng kanyang ama. At gusto na makipaghiwalay ng papa niya. Kaya yun sinabihan ko siya. Tapos sabi naman ng anak ko okay lang mama kasi gusto ko lang happy ka kung san gusto mo. Buti pa ang bata bilis pa nakakaintindi sa mga sitwasyon. Kaya yun nagdecide na ako. Prepare na ang lahat mga papers at mga dapat na pwede niyang i.allotment ng mga bata. Kinaumagahan tumawag at sinabihan ako “sorry na ma”. Ganon ganon nalang diba? Ang bilis bawiin ang mga salita sa bibig tapos pag nakaprepare na babawiin na naman.
Paulit ulit lang lagi. I decided na makipag hiwalay nalang talaga. Kasi nakakapagod na ang lahat. That’s why naghahanap ako ng trabaho para sa sarili at sa mga anak ko. Tapos pag nakaipon ako pupunta ako ng ibang bansa para lang maalis ang mga bad vibes dito sa amin.
Sana matapos na tong paghihirap ko. Ayoko na talaga pero iniisip ko ang mga anak ko paano sila kung wala ama pero ang hirap mamili kung sa puso o sa utak ko. sa puso ko ay sa mga anak ko pero sa utak ko para sa sarili ko