ang tunay na magkaibigan

0 13
Avatar for EdiMars
4 years ago

 

Based of my story

Nagkakilala kami ng kaibigan ko sa college days. Isa ako sa hindi masyadong nakikipag kaibigan o nakikipagkilala man lang sa mga school mates ko kasi nga shy type ako na tao. Pero sa kabila ng lahat na magkaka-klase kami lahat ng subject pati major at minor namin. Kaya yun naging close kami super hindi ko talaga inaasahan na magiging magkaibigan kaming dalawa kasi hindi talaga akong nakikipag close sa mga tao hindi ko kilala. Tapos lumapit sya sa akin para lang makipag kilala at kaibigan. At yun na yung simula ng aming pag kakaibigan kahit hindi kami masyadong nagkikita kasi ibat iba yung nakakasalamuha naming everyday. At ang dami niyang kaibigan kasi friendly sya hindi kaya gaya ko na walang kaibigan tumatagal. Pero kahit ganon lumapit pa rin sya para makipagkaibigan sa akin. Hindi ko iniexpect nga may mga tao talaga sadyang friendly. Nagpapasalamat ako sa Lord kasi binigyan nya ako ng isang kaibigan na kagaya nya.

Nakapag tapos kami ng dalawa ng 2year course. Graduate kami nong 2008 until now may communication pa rin kami sa isat isa. May dalawa na akong anak tapos siya naman isa. Pero single mother siya. At ako naman married for 12years now 2020.

Ito yung storya niya. Hindi ko talaga alam ang buhay nya kasi hindi naman talaga ako pumupunta sa aknila kasi siya lang yung pumupunta sa amin. Mahilig kasi sa bahay lang kasi super ayoko talaga lumalabas nakakapagod. Tapos medyo magimmik. Pero nong nagkakilala kami para nakuha niya yung attitude ko na hindi lumalabas ng bahay.

Para 5years kaming hindi nagkita since nag graduate kami kasi nga malayo siya sa amin. Kaya kinontak ko siya dahil gusto ng mama ko na papuntahin siya dito sa amin kasi may handaan sa bahay para kay Santo Nino. Tapos yun pumunta siya dahil nga matagal na kaming hindi nagkikita. Nong natapos na ang handaan umuwi siya kinabukasan kasi libing ng kanyang pamangkin. Yung natapos na ang libing umalis daw tong kaibigan ko dahil sa nalaman ng kanyang mga kapatid na nagdadalang tao siya. Hindi ko alam ng tumawag ang kanyang kapatid sa akin at nagtanong kung nandito ba siya samin. Nagtanong ako sa kapatid niya kung bakit anong nangyari. At yun sinabi ng kapatid niya na lumayas daw yung kaibigan ko kasi daw nalaman nila na buntis siya. At pinagalitan ito dahil sa hindi inaasahan na ang asawa ng kanyang tita ang ama ng kanyang anak.

First ayaw niyang sabihin na kung sino talaga yung ama ng kanyang magiging anak. Ang sabi niya sa akin gwapo/pogi daw yun ama ng anak niya. Hindi talaga ako nangingialam pero para may mali kasi nga 1month na siya tumira sa amin pero ang dami niya pa ring pera hindi maubos ubos. Kaya pala pinapadalhan siya ng pera ng ama ng kanyang magiging anak. Nagdududa na ako nong mga pic na nakikita ko don sa album nya ay yung tito nya(asawa ng kanyang tita). Tapos nasa last page pa nilalagay niya ang lahat ng pic ng lalaki. Kaya yun grabe na duda ko sa kanya. Tapos yun always ko talaga siya kinukulit kung sino ang ama ng kanyang magiging anak.  Ayaw niya talaga sabihin. Siguro natatakot siya kasi alam niya mali kung ginawa niya. Ako kasi yung hindi nagtotolerate sa maling gawain. Nalaman ko yung nagawa niya dahil sa iniwan niya na phone. Pagkatapos non ang dami na niyang pinagsasabi sa mga tao dahil sa kanyang sitwasyon na nalaman na sa pamilya ng kanyang tita. Tapos binaligtad pa niya ang sitwasyon daw ni rape siya ng kanyang tiyohin. Pero sa letter na sinulat niya hindi ako makapaniwala kasi may relasyon talaga sila. Kaya yun ng dahil ayoko magtolerate sa mali. Pinuntahan ako sa bahay ng mag asawa dahil sa naghahanap sila ng witness sa mga nangyari. Kasi nag file ng case yung kaibigan ko sa ama ng kanyang magiging anak dahil daw ni rape siya nito. Pero sa letter na nabasa ko hindi talaga rape kasi may tawagan pa silang dalawa. Kaya yun inaway niya ako dahil sa kumampi daw ako sa ibang tao. Pero sinabihan ko siya na ayoko magtolerate ng mali. Mali kasi yung nag file ka pa ng case para sa ama ng magiging anak mo tapos rape pa yung finile mo. Mali talaga. Hindi ko gawain na magtolerate. Tapos nag away kami ng dahil lang don. Pero nong nanganak na siya hindi ko talaga siya kinontak pero nag kontak siya sa akin. Unexpected pero inaccept ko pa rin ang sorry niya kasi alam ko naman na always give a second chance sa mga taong handang magbago. Kaya yung naging okay kami. Tapos yun naging ninang siya ng 2nd baby ko kasi gusto niya. Dahil hindi niya ako kinuha ng ninang ng kanyang anak. Kasi malayo siya sa akin. Kaya yun sya nalang ang nag adjust sa akin kasi siya yung may kasalanan sa akin.

Yung mga taon na hindi kami magkasama o hindi kami nagkikita naging tumitibay pa rin ang aming friendship. Kahit papaano wala pa ring pinag iba yung samahan naming dalawa mas laong tumitibay ang aming pagkakaibigan sa mga nangyari. Nagpapasalamat pa rin ako sa diyos na may to paring makikipagkaibigan sa akin kahit hindi na ako maintindihan minsan.

At ngayun na okay na ang lahat ito naman si covid 19 dumating at hindi na talaga siya basta basta makakapunta ditto sa aming lugar at hindi na rin ako makapunta ng basta basta sa kanila kasi may maliit pa akong anak. Isa pa ayaw ng asawa ko kasi nga malayo pero ang lapit lang naman parang 30 to 45 minutes lang naman pagitan namin.

Kahit papaano we still have naman communication tru messenger and text/call pero mostly messenger kami. Pero atleast hindi pa rin na putol yung pagkakaibigan namin.

Kung sino man yung may ganitong sitwasyon sana naging magkaibigan pa rin kayo sa bandang huli. Give them a chance.

3
$ 0.00
Avatar for EdiMars
4 years ago

Comments