Sana mapansin niyo ang sulat kong ito...

0 15
Avatar for ESPIE.21
3 years ago
Topics: Hope, Feelings, Mind

Bakit ako nagsusulat? Para kanino ako nagsusulat? May pakinabang ba ito?

Hello, ako si Espie taga Probinsya ng Ilocos. Ang tatay ko ay elementary undergraduate. Ang nanay ko naman ay isang plain housewife. Lima kaming magkakapatid at ako ang pangalawang panganay. Mahirap kami oo. Napakahirap ang aming buhay. Daki kong naging sideline para lang may baon ako papunta sa paaralan. Daming panlalait ang aking naranasan. Hinihila pababa ng mga taong akala ko ay aking kakapitan. Nakakapanghinayang lang kasi kung sino pa ang iyong kamag anak sila pa yung humihila sayo pababa. Tama ang sabi nila na kung hindi ka mayaman, wala magtuturing sayo na kamag anak. Hindi ko naramdaman na 'blood is thicker than blood'. Ganun ata talaga. Kung mahirap ka parang walang kumikilala sayo. Para kang hangin, hindi nakikita. Parang isang basahan, itinatabi pag dina kailangan. Nagsumikap akong mag aral.

Nag aral ako ng highschool. Nagsideline ako sa ibat ibang trabaho gaya ng sa palengke. Nagbenta ako ng damit, at tagapag luto ng miki. Ang allowance ko lang ay 50 pesos kada araw, andun na lahat pati pamasahe at pagkain. Oo hindi kasya. Kasi mahal pamasahe pati pagkain. Naiinggit ako sa mga kaklase ko, may cellphone sila touchscreen pa samantalang ako nandun sa gilid pag break time. May mga kaibigan naman ako pero kaunti lang wala kasi akong maishare sa kanila eh haha. Anak mayaman silang lahat samantalang ako pumapasok na pagod at hindi pa plantsado ang damit ko. Grabe yung bahay namin kasi napakaliit dipa kami kasyang magkakapamilya pero alam niyo kung bakit ako masaya? Kasi kahit gaano kahirap buhay namin ay masaya kaming magkakapamilya.

Sabi ng tatay ko ' mga anak mag aral kayong mabuti, gagawin ko lahat kahit magdamag pa akong magtratrabaho mapag aral ko lang kayo'. Napaluha ako mga kaibigan. Kahit hindi edukado ang aming mga magulang, hindi sila tulad ng ibang tao na edukado nga pero kung makapanglait sa kapwa ay parang walang pinag aralan. Sa pag aaral ko ng high school, ang saya ko dahil napapasaya ko na rin ang aking mga magulang. NAGVALEDICTORIAN AKO.

Ipinagpatuloy ko ang aking pag aaral, nag aral ako ng kolehiyo. Dami na namang pagsubok dito. Nag asawa yung panganay namin. Dami kong iyak kasi pano na sila nanay at tatay? Pano na kaming magkakapatid e siya lang naman inaasahan nila na tumulong samin. Ang sakit para sakin. Doon ko mas pinagbutihan ang pag aaral ko at iyon ang isang naging inspirasyon ko para sa mga magulang at kapatid ko hanggang sa nagtapos ako ng KOLEHIYO bilang isang CUM LAUDE.

Ngayon, may trabaho na ako at teacher na rin ako. Sana kahit sa simpleng sulat ko ito ay nainspire ko kayo at sana lagi niyong tatandaan na hindi handlang ang kahirapan sa pagkamit ng iyong mga pangarap sa buhay. Laging tatandaan na WALANG MAHIRAP SA TAONG MAY PANGARAP.

Nagsulat ako para sa inyo at para isigaw sa buong mundo na the best ang mga mapagsakripisyong mga magulang at masikap na mga anak.

Sana kahit papano mapakinabangan niyo itong sulat at kwento ng buhay ko. 💋

Tiwala sa Panginoon at Sarili, yang ang susi ng masaganang kinabukasan. ❤😇

Maraming Salamat po.

2
$ 0.00
Avatar for ESPIE.21
3 years ago
Topics: Hope, Feelings, Mind

Comments