Lahat naman siguro ng tao ay may bilog na kinabibilangan. Ngunit, nasa tama nga ba ang kinalalagyan?. Hindi naman masama sumama kung tama ang pakikisama. Yun nga lang ay totoo pa din ba kapag nakatalikod na?.
Meron kasama lagi sa kasiyahan pero wala sa oras ng problema at kailangan ng mapag-sasabihan. Meron naman kasama sa kahit anong sitwasyon minsan nga lang ay mas-kailangan unahin ang obligasyon.
Tuwing may lakad hindi ka nila binabalitaan. Kesyo ganito ganyan daw kasi, pag-niyaya ka madami ka naman daw dahilan. Kahit na madaming dahilan sana man lang sabihan. Kung hindi man sumama hindi nyo na yun kasalanan.
Wala din ang dami kung puro yabang at plastikan lang naman. Pinag ku-kwentuhan ang wala tungkol sa mga mali at kapintasan sa katawan. Ngunit pag kaharap puring puri at bidang bida? Sadyang kakaiba nga naman. Yung tinuring mo na silang kapatid at pinakisamahan ng maganda. Ngunit pang-gagamit lang pala ang ginagawa nila at ang turing sayo ay hindi kaibigan. Papakisamahan dahil pinapakinabangan? Pano na pag-wala ng kailangan? Bigla nalang makakalimutan?
Mas mabuti na ang konti ang bumubuo ng bilog na kinibibilangan. Puro naman totoo at mapag-kakatiwalaan. Ngunit, porket di ka napag-bigyan at di ka nasamahan, peke na agad?. Hindi naman pwedeng lagi silang nan-dyan, hindi lang pagiging tapat na kaibigan ang kanilang ginagampanan. Meron din silang sariling buhay at pamilya na pinaprayuridad.
Kahit na minsan lang magkita-kita ramdam mong totoo sila. Hindi kung ano-ano ang kinukwento kapag wala yung isa. Yung tipong sa sobrang ganda at saya ng usapan yung oras di nyo na namamalayan. Hanggang sa mag hiwa-hiwalay yung saya madadala mo hanggang tahanan.
Oo, masarap ang madaming kaibigan. Para kang kandidato dahil bawat kanto meron kabatian at kakawayan. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay totoo na ang lahat ng yun sayo. Merong kabolahan mo ngayon pero sisiraan ka bandang dulo.
Pekeng kaibigan ang pinaka-matinding kalaban. Sasaksakin ka patalikod pero nakangiti sayo kapag harapan.
Tiyakin na tama ang bilog na iyong kinalalagyan. Wag mang-hinayang sa pinag samahan kung mali naman na ang pakisamahan. Ibaling nalang ang libreng oras sa ibang bagay at sa susunod pumili na ng tamang bilog yung solido at tunay.
To my sponsors and readers, Thank you so much <3. I hope you don't get tired of visiting and supporting my work. (:
Ang mga imahe ay ginamitan ng Picasrt sa pag-edit.
Maraming Salamat sa Pagbasa (:
Pwede nyo akong bisitahin dito: https://noise.cash/u/DBron
I suddenly remember the Tik Tok video I saw in my feed. Kung ihahalintulad natin ang sarili natin sa isang bote ng mineral water, parehas lang naman ang kalidad, pero iba-iba ang presyo depende sa antas. It means na undervalued ka kaya kailangan mo ng lumipat na tingin mo ay karapat-dapat gaya ng sinabi niyo po. Relate lang hehe