The Ledge

0 13
Avatar for E-recommendko
1 year ago

Hi dear readers! Hanggang saan mo ba kayang ipaglaban ang kaibigan mo? Kung malagay ka sa posisyon na kailangan mong isakripisyo ang lahat para mabigyan siya ng hustisya, gagawin mo ba?

Si Kelly sa movie na The Ledge, hindi niya sinukoan ang kaibigan niya kahit na buhay niya ang maging kapalit. Kung nabitin kayo sa movie na Fall at nag hahanap kayo ng bagong survival film/thriller, panoorin niyo to. Katulad sa Fall, dito sa The Ledge may dalawang magkaibigan na professional climbers. Pumunta sila sa Italy para umakyat sa isang napakalaking bato. Habang nandoon sila, nag stay sila sa isang cabin at kinatok sila ng isang lalaki. Nakakapangigil talaga ang lalaking ito. I never hated a character so much in my life.

From google.com

Fast forward. Inaya sila ng lalaki na sumama sa inuman nila ng mga barkada niya. Katulad nila, aakyat din doon sa bato. Noong una ayaw ni Kelly sumama pero kinumbinsi siya nong kaibigan niya. So natuloy sila and everything went wrong from there. Trigger warning!! So her friend was assaulted and killed by these guys and na videohan lahat yon ni Kelly. Sa kasamaang palad these guys saw Kelly na na-videohan niya ang mga ito. And dahil high profile nga sila syempre they don't want the video to go out and of course ayaw nilang makulong. So they had to go after Kelly. Para makatakas, umakyat si Kelly sa bato para hindi siya mahabol nong mga lalaki hanggang sa napunta siya sa isang Ledge. Inaabangan sya ng mga lalaki sa taas kaya hindi sya makaalis doon. Nandon lang siya at wala siyang pagkain, wala siyang gear at halos wala siyang jacket. Napakalamig doon kasi nasa tuktok na yon. Pero lahat talaga ginawa ni Kelly para ma save yong video. Kahit anong bribe sa kanya na ibigay niya nalang yong camera hindi niya ginawa.

From google.com

Ang tanong, mabubuhay pa kaya siya?

Sobrang nakakagalit tong film na ito. Pinakita dito kung ano yong mga harms kung tinotolerate natin yong mga masasamang ginagawa ng friends natin.

For me this is a pretty decent survival thriller. And if you are into survival movies, you should definitely watch this.

2
$ 0.00
Avatar for E-recommendko
1 year ago

Comments