paano magluto ng adobo

0 6
Avatar for Duxducis
4 years ago

Isa ang Adobo sa pinakapaboritong ihain ng mga Filipino sa kani-kanilang hapag kainan dahil sa bukod sa madali itong iluto, maaari ka ring mag-eksperimento ng iba’t-ibang klase ng luto nito. Bukod sa karne ng baboy, pwede ring mag-adobo ng manok, seafoods o pagsamahin ang karne ng baboy at manok.Ang adobo ay ang isang pinaka kilalang ulam sa ating mga pilipino dahil sa ito alng palaging inihahapag ng ating mga inay sa hapag kainan. Sa loob ng isang linggo hindi maaring mawala ang ulam na ito sa mesa. Hindi ito nakakasawang ulamin kung kayat buhay na buhay itong ulam na ito sa mga kainan

Mga sangkap sa pagluluto ng adobo: 500 grams ng karne ng baboy, hiwaan ng naaayon sa gustong lake, 3 piraso ng bawang na pinitpit, 1 kutsaritang pamintang buo, 3 dahon ng laurel, 1/2 tasa ng toyo, 1/3 tasa ng suka, 1 kutsarang asukal, asin at mantika

 

Paraan ng pagluto ng Adobong Baboy

1. Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo sa kaldero at imarinate ng 30 minuto.

2. Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang lumambot ang karne. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.

3. Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.

4. Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa.

5. Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.

6. Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.

7. Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1 minuto.

8. Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa hapag kainan.

Kapag malambot na ito maari ng isalin sa lalagyanan. Mas masarap kapag kalamansi pa ang ipinang suka natin dito ngunit mas madali kapag suka nalang talaga. Mabango dahil sa laurel na inilagay natin kung kayat mas sumasaral sa amoy pa lamang. Yan ang Adobong Pinoy.

1
$ 0.00
Avatar for Duxducis
4 years ago

Comments