Patuloy pa rin sa pagdami ang mga peste sa halaman ng lipunan. Gaano man katatag ang halamang ito, nagagawa parin nila itong parupukin hanggang sa ito’y mawala at maging walang pakinabang. Ito ang kasalukuyang nagaganap sa lipunan.
Humaharap tayo sa iba’t ibang suliranin gaya ng nangyayari ngayon sa Marawi ang giyera. Kilala ang Pilipino sa pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok. Hinahangaan din ang kakayahan nilang ngumiti sa kabila ng mga ganitong problema.
Ngunit sa kabila ng kanilang mga ngiti at halakhak, nagtatago ang sari-saring pangamba at agam-agam. Ano na kaya ang mangyayari sa amin sa mga susunod pang suliranin? Isa lamang ito sa mga katanungang umiikot sa isipan ng mga Pilipino, mga katanungang walang nakakaalam ng sagot. Maaaring itago ng kanilang mga ngiti ang kalungkutan at kawalang pag-asa ngunit hindi ang pangamba para sa kinabukasan.
Wala mang makapipigil sa pagdating ng mga pagsubok sa lipunan, maaari itong maibsan sa tulong nating lahat. Kung may pagtutulungan ang bawat tao rito sa PIlipinas at nirerespetong mga lider, uusbong ang magandang lugar na ating inaasam. Parang paraisong nilikha ng Panginoon noon kila Adan at Eba.
Sa tulong ng ating mga sundalo, napuksa nila ang mga rebeldeng tila uhaw sa pagbabago. Marami man nagsakripisyo ng kanilang buhay subalit nakamtam naman nila ang tagumpay.
Hindi man natin magagawang alisin agad ang mga peste ng lipunan, darating ang panahon na magagawa natin itong labanan nang walang nasasakripisyong buhay. Walang nakakaalam ng bukas ngunit kung atin itong pagsisikipang paghandaan lalaki ang pag-asa ng mas magandang bukas sa lipunan.