Naranasan mo na bang masaktan kahit hindi naman kayo? Kung oo, congrats! Kasi nasa uso ka. Yung bang mga magkaibigan na darating sa puntong magiging magkaIBIGAN, mga mag ex na pilit pa nila tinatago yung feelings nila kahit sabihin nating mahal pa nila ang isat isa at mga taong gustong masubukan kung ano nga ba ang pag ibig.
Sa stage natin ngayon, hindi natin maipagkakaila na darating din tayo dito.
Dumating din ba kayo sa puntong naging Mu kayo mas kilala sa tawag na Mutual Understanding (MU). Mahirap pero masaya na karanasan. Dun naman tayo masaya ee. Basta masaya ka importante na yun. Pero bakit marami sa atin ang nasa ganitong uri ng relasyon? No commitment, no expectations, no rules, walang obligasyon, walang nanligaw, walang sinagot, ‘yong tipong may something special sa inyong dalawa pero hindi kayo. At hindi mo rin sure kung ano nga ba ang role mo sa istorya niya. More than friends but less than lovers. Gusto mo lang bang kiligin? For fun? O para makisabay sa uso?
Ano ba talaga kayo? Nga pala, sa salitang pag ibig may dalawang katangian ang tao yun yung pa-fall at paasa. Alam ko, mahalaga ka sa kanya pero iba ang mahalaga sa mahal. Ang gulo ‘di ba? Lalo na kung makikita mo siyang may kasamang iba at lalong lalo na kung alam mo sa sarili mo na may something na sila sa isat isa.. Minsan kasi nagseselos ka na, pero nasagip sa utak mo na MU lang pala kayo, yung KAYO NA HINDI KAYO, Tanda mo pa ba? Ang sakit ‘di ba? Eh wala ka naman kasing karapatang magselos kasi wala naman kayo.
Minsan, iisipin mo, ayos na rin ang ganitong buhay, ‘yong tipong kahit hindi kayo, lagi naman kayong magkasama o lagi mo naman siyang nakikita at nakakausap. Admit it, masakit magmahal. Mahirap ‘di ba? Kasi ang mas nagmamahal ang laging lugi. Lalo na ‘yong ganitong sitwasyon na hindi mo siya matawag na “sa’yo”, Kahit mayroong “ikaw”, at mayroong “siya”, pero walang “kayo”. Minsan, gusto mo pang sabihing mahal mo na siya pero hindi mo magawa, baka kasi mapahiya ka lang. Lalo na kung maririnig mo ang mga katagang, “Tayo ba? Ano ba kita? Ha?” Masakit! Huwag na huwag kang aasa.
Bakit ba kasi ganito? Kung saan tayo masaya, doon pa tayo tanga at doon pa maraming kontrabida. Dapat matuto ka na at lagi mong tatandaan na, “May mga tao talaga na darating sa buhay natin na pasasayahin tao sa sandaling panahon lamang.”
Good one