Misteryo sa Kakaibang Mukha ng Tauhan

0 12
Avatar for DuBu
Written by
4 years ago

Sa kwento o sa pinanonood natin ay marahil hindi mawawala ang tauhan. Mga bidang inalipin at mga kontrabidang nang-aalipin. Sila ang nagpapalakas ng isorya upang ipadama sa manonood ang bigat na nararanasan ng mga bida. Sila ang nagpapaluha at gumagalit sa mga manonood.

                 Muli nating tunghayan ang kakaibang kwento. Bukod sa bida, kontrabida ang magiging bida sa kwento.  Simula’t sapul hindi mawawala sa mga paaralan ang katagang BULLYING. Bukang bibig at palaging problema ng mga nasa guidance office. Pasa at black eye ang mistulang nakaabang sa binully at sa isang gilid na walang imik ang may-ari ng kamaong may likha ng latay sa balat.

                Marahil awang awa ang lahat ng tao sa nangyari sa batang may pasa at black eye at galit naman ang naging resulta sa taong sangkot sa pangyayari. Hindi na binibigyang pagkakataon magpaliwanag ang bully bagkus dapat sila’y kamuhian o iwasan.

                Hindi ba nasagi sa inyng isipan kung bakit ginagawa ng isang batang katulad niya ang mga ganoong pangyayari? Bagama’t si puro husga kayo hindi niyo man lang alam ang totoong kwento sa likod ng kanyang pananakit.

                Sa isang naturang anak na gumigising sa tilaok ng manok at nasisilayan ang sinag ni araw, sa isa nama’y gumigising sa mura ng kanyang ama. Kapuputak putak ng bibig na animo’y walang kabalastugan. Sa isang naturang anak na bago umalis ng bahay ay may yakap na nakasalubong upang magpaalam at halik pang kasama, sa isa nama’y sinasalubungan ng hampas at suntok sa mukha na may sermon pang kasama.

                Sa mukha na kanilang pinapakita sa kani-kanilang mga klasrum ay ang pagiging astigin upang mabura ang kanilang naging karanasan sa loob ng kanilang tahanan. Susubukan din nilang gawin kung ano yung ginawa mismo sa kanila ng kanilang magulang.

                Marahil hindi natin alam ang bawat kwento ng mga tauhan kung bakit nila ito ginagawa. Kung kaya’t sa sesyon sa guidance office nanaman ay parehong tagpo an gating masisilayan na ang nabully ang palaging napapansin at ang bully ang palaging walang pakialam.

                Natanong niyo na ba ito sa inyong mga sarili? Sino ang totoong biktima?

1
$ 0.00
Avatar for DuBu
Written by
4 years ago

Comments