Liwanag sa gitna ng Karimlan

0 18
Avatar for DuBu
Written by
4 years ago

Sinasabing ang lider ay hindi ipinapanganak, sila ay ginagawa. Sino ba ang  gumagawa sa mga baluktot at palsipikadong lider? Ang sagot ay TAYO.

Simula’t sapul sa ating pagkabuhay, ay  natural na sa tao ang magpakatao, ang pagiging tama. Ngunit, sa pagdaan ng panahon ay bumabaluktot ang daan na dapat tahakin ninuman. Labis na nakakaapekto dito ang mala-langit na hangarin ng mga tao. Ito ang hangaring maging makapangyarihan at angat sa iba. Ito ang katotohang napakasakit isipin na sa kabila ng matatandang pag-iisip ng mga tao’y ang walang pakundangang pagkiling sa kamalian at kabaluktutan.

At sa kadilimang namamayagpag, ay ang pag-usbong ng tila maliit na liwanag na gugupo sa dilim na ito. At ang liwanag na nagsimula sa maliit na sinag ay ang mag-aangat sa lipunang tila nabubulok na sa basurahan. Kami ang liwanag na ito, ang mga kabataang nag-uumpisa ng pagbabago.

Si John Carlo Consulta, isang binatilyong hindi natigil ang pagkatuto sa apat na sulok ng silid aralan, ay nagpumiglas sa hawlang nakabalot sa ating lipunan at pinilit na hinanap ang salitang pagunlad at pagbabago. Isang simpleng estudyante na pinagsasabay ang pagiging lider sa libo-libong estudyante at paghahatid ng impormasyon at pagpapakita dito ang mga bagay na dapat nilang makita- katotohanan.

Kung ating makikita, kahit isang binatilyong gaya ni John Carlo ay maraming kayang gawin, na kahit sa simpleng paraan lamang ay nagagawang pausadin ang kariton ni Juan. Maliit mang ituring ang kaniyang nagawa, ay isang malaking hakbang ito para sa pagbabago.

Isang hakbang lang ang kulang sa ating mga kabataan, at ang anumang kakulangan ay hindi kawalan. Gasgas na ang mga salita na Ka Jose na tayong mga kabataan, ay ang pag-asa ng bayan, ngunit ang pusong determindong umahon ay nandiyan pa rin. Nandiyan pa rin iyan, ilabas mo na.

1
$ 0.00
Avatar for DuBu
Written by
4 years ago

Comments