Buhay ni Jose Rizal sa Dapitan (Timeline)

0 295
Avatar for DuBu
Written by
4 years ago

Taong 1892

Hulyo 12– dumating si rizal sa dapitan at iniutos ng gobernador na patirahin siya sa kumbento ng mga Heswita ngunit ang pagtira niya ay may kalakip na kondisyon. Hindi siya pumayag kaya’t pansamantala siyang tumira sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero  na kanyang naging kaibigan

Hulyo 25 - Sumulat si Rizal ng liham sa kanyang ina sa Hong Kong tungkol sa kanyang pagkatapon sa Dapitan

Agosto 26 - Gumawa si Rizal ng isang tula para sa kaarawan ng kanyang kumandante

Agosto 30 - Ipinagbigay-alam ni Ricardo Carnicero kay Gobernador Heneral Eulogio Despujol na ang nais lamang ni Jose Rizal ay reporma sa Pilipinas ngunit hindi nais nito na patalsikin ang mga prayle

September 21 - Si Carcerino ay nagsumite ng isa pang ulat kay Gov. General Despujol na nagpapaalam  ng mga reporma; ito ay kalayaan ng relihiyon at ng pahayagan

                - Nanalo si Rizal sa loterya ng Maynila

                -Nanalo ang lottery ticket #9736 ng Php 20,000

- Ang Php 20,000 ay nahahati sa 3 kaya’t ang Php 6,200 na halaga ay ibinigay sa bawat isa na kung saan ginamit ni Rizal sa:

                *nagbigay ng halagang Php 2,000 sa kanyang ama na nasa Hong Kong

*ibinigay ang halagang Php 200 sa kanyang kaibigan na si Basa, na nakabase sa Hong Kong

* ang natitira ay namuhunan siya sa pagbili ng isang piraso ng lupa sa Talisay upang itayo ang kanyang tree house, isang parisukat na uri ng gawa sa kawayan, isa pang uri na hexagonal na gawa sa kahoy at ang huling ay hugis-octagonal na gawa sa nipa.

Taong 1893-1896

*Rizal bilang isang Guro

                - itinatag ni Rizal sa dapitan ang  isang paaralan. Nagsimula ito sa tatlong mag-aaral na tumaas sa 16 at kalaunan ay naging 21.

-hindi niya hiningan ang mga mag-aaral ng bayad, sa halip ay hilingin sa kanila na tumulong sa kanyang proyekto, bukid at hardin

-tinuruan niya sila ng espanyol, ingles sa matematika

-nagsimula ang kanyang klase pagkatapos ng tanghalian hanggang 4:00 sa hapon

*Rizal bilang isang manggamot

                - nagsagawa siya ng pagamutan sa dapitan at binigyan ng libreng gamot ang mga tao.

-Agosto 1893 - ang kanyang ina, kapatid na babae na si Trinidad at ang kanyang pamangkin na si Angelica ay dumating sa Dapitan. Sila ay nanirahan kasama siya ng halos isa at kalahating taon

-matagumpay niyang nagamot ang mga mata ng kanyang ina

-marami siyang pasyente hindi lamang sa Dapitan kundi mula sa mga kalapit na bayan

*Rizal bilang isang siyentipiko

- nadiskubre ni Rizal ang mindanao bilang isang mayaman na birhen para sa pagkolekta ng mga ispesimen

-Sa kanyang 4 na taong pamamalagi sa Dapitan, nagawa niyang magtayo ng isang mayaman na koleksyon ng oncology na binubuo ng 346 na shell na kumakatawan sa 203 species

*Rizal bilang isang negosyante

                - nakikibahagi sa industriya ng negosyo sa pakikipagtulungan kay Ramon Carreon

-gumawa ng kapaki-pakinabang na negosyo sa industriya ng pangingisda, copra, at abaka

-ang industriya ng abaka ang pinakinabangang negosyo ni Rizal

Taong 1895

Enero 1 - Itinatag ni Rizal ang Asosasyong Kooperatiba ng mga Magsasaka ng Dapitan, upang mabali ang monopolya ng mga Tsino sa pagnenegosyo sa Dapitan.

Pebrero - Nakilala ni Rizal si Josephine Bracken. Isa itong Irlandes na isinilang sa Hong Kong. Inampon si Josephine ni G. George Taufer na kinalaunan ay nabulag, kaya sila'y nagtungo kay Rizal at dito nga nagkaibigan si Rizal at Josephine. Ito na nga marahil ang sagot sa pagkakalumbay ni Rizal dahil namatay si Leonora Rivera noong Agosto 28, 1893

Makalipas ang isang buwang pagliligawan ay nagkasundo si Josephine at Rizal na magpakasal, ngunit hindi ito natuloy at nalaman ni G. Taufer ang plano nila. Nagtangkang magpakamatay si G. Taufer ngunit napigilan siya ni Rizal. Upang maiwasan ang ganitong trahedya, sinamahan ni Josephine si Taufer sa Maynila. Nang magbalik sa Hong Kong si Taufer, naiwan sa Maynila si Josephine at pansamantalang nanirahan sa pamilya ni Rizal. Kinalaunan ay nagbalik ito sa Dapitan at sa harap ng Diyos ay ipinahayag nila ni Rizal ang pagiging mag-asawa.

Oktubre 2 - Sumulat ng tulang "Mi Retiro" si Rizal, tungkol sa payapa niyang buhay bilang desterado. Ipinadala nita ito sa kanyang ina na nagbalik sa Maynila noong Pebrero, 1895. Sinasabi ng mga kritiko na isa sa pinakamahusay na isinulat ni Rizal ang tulang ito.

Nobyembre 20- Sumulat siya kay Blumentrit na naglalaman ng impormasyon tungkol sa naimbento niyang makinaryang gawaan ng ladrilyo. Ang makinang ito ay kayang gumawa ng 6000 ladrilyo araw-araw.

Disyembre 17 - Sinulatan ni Rizal si Gob. Hen. Ramon Blanco (humalili kay Despujol) at naghandog siya ng kanyang serbisyo bilang doktor ng militar na ipadadala sa Cuba, na noo'y nasa gitna ng digmaan at papalawak na epidemya ng yellow fever.
Ilang buwan ang lumipas ngunit wala siyang natanggap na sagot mula sa Malacañang.

Sa unang bahagi ng 1896, nabuntis si Josephine, ngunit nalaglag ang walong buwang sanggol sa kanyang sinapupunan matapos matakot ni Josephine sa pagbibiro ni Rizal. Ang sanggol na lalaki ay nabuhay lamang ng tatlong oras at pinangalanang "Francisco" Rizal.

Taong 1896
Abril 5 - Sumulat siya kay Blumentrit na nagpapahayag na alam na nyang magsalita ng Bisaya. Sa panahong ito, maihahanay na si Rizal sa mahuhusay na linggwista sa buong daigdig. Marunong siya ng 22 wika: Tagalog, Ilokano, Bisaya, Subanum, Espanyol, Latin, Griyego, Ingles, Pranses, Aleman, Arabiko, Malay, Hebreo, Sanskrit, Olandes, Catalan, Italyano, Tsino, Nipponggo, Portuges, Swisa, at Ruso.

Hunyo 21 - Dumating si Dr. Pio Valenzuela, ang naging sugo sa Dapitan nang sa gayon ay maipaalam kay Rizal ang balak ng Katipunan na maglunsad ng rebolusyon. Malugod na tinanggap ni Rizal si Dr. Valenzuela sa kanyang tahanan.

-Hindi sinang-ayunan ni Rizal ang balak ni Bonifacio. Naniniwala syang hindi pa lubusang handa ang kilusan dahil sa (1) hindi pa handa ang taumbayan, (2) kailangan pang mangalap ng pondo at armas bago maging handa sa isang rebolusyon.

-Hindi rin niya sinang-ayunan ang planong pagliligtas sa kanya ng Katipunan, dahil nagbitiw na sya ng pangako sa mga awtoridad na Espanyol at wala siyang balak na sirain ito.

Hulyo 30 - Isang liham mula kay Gob. Blanco ang dumating sa Dapitan, na may petsang Hulyo 1, 1896, at nagpapaalam na tinatanggap ng pamahalaan ang alok ni Rizal na maging doktor-militar sa Cuba.

-Nagsasad din ang liham na ito na, isang Komandante Politiko Militar ng Dapitan ang magbibigay sa kanya ng isang permiso para makabalik siya sa Maynila, kung saan siya bibigyan ng pasaporte para makapunta sa Espanya, at doon nama'y aatasan siya ng Ministro ng Digmaan sa Mga Operasyong Sandatahan sa Cuba, ma maitalaga sa pangkat mediko.

-Sa labis na tuwa ni Rizal ay naisulat nya ang El Canto del Viajero o "Ang Awit ng Manlalakbay".

Hulyo 31 - Nagwakas ang apat na taong pagkakapatapon kay Rizal sa Dapitan. Hatinggabi ng araw na ito ay sumakay sya sa barkong España. Kasama niya si Josephine, Narcisa, Angelica (anak ni Narcisa), tatlong pamangking lalaki, at anim na estudyante. Halos lahat ng taga-Dapitan ay nasa pantalan para ihatid siya. Bilang musika ng pamamaalam, tinugtog ng banda ang Funeral March ni Chopin.

-Nang hindi na niya maaninag ang dalampasigan ng Dapitan, malungkot siyang nagtungo sa kanyang silid at nagsulat sa kanyang talaarawan: "Nanirahan ako sa distrito ng apat na taon, labintatlong araw, at ilang oras."

3
$ 0.00
Avatar for DuBu
Written by
4 years ago

Comments