Buhos ng Ulan
Napakalamig na simoy ng hanging waring dumadampi at humahalik sa mga pisngi,waring nagiimbita nang isang mahigpit na yakap mula sa iyong mahal.Malakas na patak ng ulan na iyong sinusundan ng tingin habang malakas na pumapatak sa lupa at tunog na pinakikinggan habang tumutulo sa iyong bubungan. Malamig. Maginhawa. Ngunit sinisimbulo din nito ang malakas na agos nang damdamin sa iyong kalooban. Halimbawa din ito ng makulimlim na ulap na tumatakip sa iyong maliwanag na sinag ng araw. Sagisag din ito ng maraming aalalahanin,hinagpis, kalungkutan at pagkabigo. Ito din ay kumakatawan sa iyong nanlalamig na puso. Kumusta ka naman ngayon? Isa ka din ba sa karamihan na relate na relate? Ganyan din ba ang iyong nararamdaman ? Waring naguguluhan kung paano sisimulang baguhin at itama ang iyong mga mali sa nakaraan? Balisa ka rin ba kung paano matatakasan ang iyong inutangan? Ikaw ba yung taong takot at lungkot na lungkot at halos mabaliw sa paghingi ng tawad sa iyong kasintahan na iyong napagtaksilan ng hindi inaasahan dala ng iyong matinding kalungkutan. May kilala ka bang taong lugmok at nawawalan ng pag-asa sa kanyang kapamilya upang magbagong buhay na? Anuman ang ating pinagdadaanan, maaaring bigat na bigat na tayo sa ating mga pasanin sa buhay at pakiramdam natin ay wala na tayong pag-asa. Nais na nating sumuko at mabigo na lamang ng paulit ulit dahil sa nagsasawa na tayong bumangon at pagkatapos ay mabibigo lang. Maaaring ang pakabigong ito ang makatulong sa atin upang buuin muli ang iyong sarili.Maaaring ito na pala ang magdadala sa atin sa pinakamimithing tagumpay at pagpapanibagong buhay. Maaari din pala nating isipin na kaya tayo sinubukan ng Mabuting Diyos dahil hindi pala talaga tayo duwag, talunan o mahina. Ang totoo pala ay malakas na tayo noong una pa lamang dahil inihahanda tayo sa mas mabigat na laban na ating tiyak na mapagtatagumpayan. Hindi pa huli. Para sa mga nabigo, hindi ito ang ending. Para sa mga nagkasala, ito ang simula para yakapin ang mas mabuti upang hindi na muli pang mapinsala. Panahon na para tanggalin ang maskara ng kapalaluan upang mas makilala mo ang iyong tunay at mabuting katangian. Sa huli, lahat tayo ay magtatagumpay.
2 comments
Akala ko kakanta na. Pero tama ka buhos ng ulan at buhos ng damdamin. Malaya tayong ihayag ang ating sarili. Kung nadapa man ay kailangan bumangon.
Salamat sir sa parati niyong pagcocomment po hehhehe . Magcocomment din po ako sa inyo heheheh. Thank you so much po