read.cash Log in
@DreamBig more from that month

Bilib ako Sayo

Bilib ako sayo. Oo. Ikaw. Ikaw na nagpapalit ng lampin ng iyong anak na 2 buwang gulang. Ikaw na minimum wage earner at nagsisikap kumita sa pagiging mason sa isang construction site. Bilib ako sayo. Ikaw na pinapaliguan ang iyong inang matanda at mahina. Ikaw na nagkandakuba- kuba sa pagsasaka makapagtapos lamang ang iyong unica hija. Ikaw na tulog sa umaga, rampa sa gabi dahil graveyard ang shifting schedule mo. Ikaw na punong puno ng pag-asa na gagaling ang iyong pasyente na maysakit na COVID-19 dahil isa kang magiting na frontliner. Bilib na bilib ako sayo. Hindi mo iniinda ang nangangalay mong binti at masasakit na kasu kasuan mabigyan lamang ng magandang buhay ang mga mahal mong umaasa sayo. Kahit gaano kahirap ang buhay, balewala sayo dahil mayroon kang pangarap na balang araw madadala mo sa ibang bansa ang mga magulang mo at mabibigyan sila ng engrandeng day off na minsan lang nila maranasan sa isang taon. Walang anuman kung mahirapan at mapagod nang paulit ulit makamtan lang ang matamis na tagumpay na matagal mo nang inaantay. Ganyan nga. Gaod pa. Huwag susuko kahit malayo pa sa finish line of success. Ang bawat maliliit na pangarap ay nagiging malaking tagumpay. Ang bawat pagsisikap ay napapalitan ng kaginhawahan. Ang bawat HINDI mo noon ay magiging OO ngayon.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.