Mangarap Ka
Simple lang ang buhay Masaya at makulay Pamilya at bahay Nanay at tatay Diyos ang gabay Sa masalimuot na buhay Nang mga taong di makasabay Sa mga problemang nakabantay Kung may pagkakataon Sunggaban at ibaon Sa puso at isip ay ikahon Ang mga pangarap at pasyon Balang araw ay matataon Na ikaw naman ang lilipad At sasaya sa napagtagumpayang Lakad ng buhay mong naging mapalad
2 comments
Tama yan mangarap ka at dapast ay lagyan din ng pag paplano, sikap at tiyaga at ng ang pangarap ay maging isang katuparan na tagumpay sa buhay.
Mangarap ka hindi lang para sa sarili, kundi para rin sa iba. Yan ang tunay na pangarap.