Mahal na Mahal ko Ang aking ama.isa siyang sapatero,maliit Ang Kita pero hindi Naman kame nagugutom.naalala ko pa hanggang ngaun Ang kabaitan ng aming ama.tuwing sabado,sahod nila,tatanungin nia kaming mga anak nia Kung anong ulam gusto namin.at bili cia tpos sabay sabay kaming kumakain at paminsan minsang nagbibiruan pa.
Hanggang sa makatapos ako ng high school.dumating Ang problema.nawalan cla ng trabaho.silang 2 ng nanay ko..naghanap cla ng ibang pagkakakitaan.nanjang nagtinda sila ng mga kakanin,tapos naging bantay sila sa cr ng sports center(Marikina sports center).lahat na ata ng klasi ng trabaho pinasok nila ni nanay para Lang mairaos kame sa araw araw.
Naging sakitin si tatay.september 2017 ng madiagnose siyang may stage 4 lung cancer.nalungkot kame siyempre.pero nagpakatatag kaming pamilya nia at ndi namin ipinapakita sa kanya.malakas pa rin si tatay kahit na ganun.may cancer siya pero nagagawa pa rin niyang ihatid sundo anak ko sa school gamit Ang bike.nagtatrabaho kase ko nun bilang checker ng mga softdrinks.
Sept.2018 nagsimulq nang manghina katawan nia.naging bedridden cia.nagtulong tulong kaming pamilya nia sa paghahanap ng paraan para mapagaling siya.
March 2019,nag umpisang manghina ng todo katawan nia.palagi na namin siyang kailangang dalhin sa hospital.halos buwan buwan siyang nacoconfine sa hospital..umabot ng halos kalahating milyon Ang utang namin sa bangko pambayad sa hospital.wala kaming pakialam kahit mabaon kame sa utang.ang iniisip lang namin is Ang guminhawa Ang pakiramdam ni tatay.
Sept.09,2019.61st bday nia.ipinaghanda namin cia.kahit na hirap kumilos pinilit nia pa ring harapin Ang mga bisita Niya.sobrang Saya nia nun.
Sept 23,2019,isinugod ulit namin siya sa hospital.inabot siya ng halos 1week dun sa hospital.hindi namin alam na yun na pala Ang huling beses Niya na maipapasok ng hospital.
Sept.28,2019,4:30 pm.binawian ng buhay si tatay.nasa trabaho ako mga oras na namatay siya.nalaman ko lang na wala na siya nung pag out ko sa trabaho.around 9pm.sobrang nanghina ako.yung pakiramdam na habang nasa biyahe ako pauwe umiiyak ako.
Hanggang ngaun.kapag naaalala ko tatay ko.hindi ko maiwasang hindi maiyak.miss na miss ko pa rin siya.ang masasabi ko n lang.Tay MAHAL NA MAHAL PO KITA.salamat sa lahat ng sakripisyo mo para samin.salamat sa pang unawang binigay mo samin.sa pagpapalaki mo saming may takot sa diyos.at may respeto sa nakatatanda.
Paalam MAHAL KONG AMA