1. Nasa 868 active cases ang COVID Update ng Marikina noong Marso 17. Ngayon ito ay nasa 2,367.
2. Nagsagawa muli ng re-swabbing mula Marso 17 hanggang 26 para sa bahagi ng 409 active cases na tapos na sa kanilang period of isolation. 257 ang tested negative mula rito.
3. Matapos ibawas ang 257 na tested negative sa re-swabbing buhat sa 868 active cases noong Marso 17 ay mayroon tayong natirang 614 active cases.
4. Ayon sa isinagawang contact tracing kasama na rin ang mga bagong inireport na COVID-19 exposure mula Marso 17 hanggang 26, tayo ay nag-swab ng 4,361 na katao. Mula rito ay may 1,778 na tested positive at 2,583 na tested negative.
5. Kung pagsasamahin ang natirang 614 active cases mula sa reported 868 active cases (noong Marso 17) at ang 1,778 na tested positive mula sa contact tracing at bagong exposure (mula Marso 17 hanggang 26) ay mayroon tayong 2,392 active cases.
6. Nagsagawa muli ng re-swabbing mula Marso 27 hanggang 31 para sa bahagi ng 2,392 active cases na tapos na sa kanilang period of isolation. 752 ang tested negative mula rito.
7. Matapos ibawas ang 752 na tested negative sa re-swabbing buhat sa 2,392 active cases noong Marso 26 ay mayroon tayong natirang 1,640 active cases.
8. Ayon sa isinagawang contact tracing kasama na rin ang mga bagong inireport na COVID-19 exposure mula Marso 27 hanggang 31, tayo ay nag-swab ng 3,027 na katao. Mula rito ay may 727 na tested positive at 2,300 na tested negative.
9. Kung pagsasamahin ang natirang 1,640 active cases mula sa 2,392 active cases (noong Marso 26) at ang 727 na tested positive mula sa contact tracing at bagong exposure (mula Marso 27 hanggang 31) ay mayroon tayong 2,367 active cases.
10. Ang lahat ng bagong active cases ay irere-swab matapos ang kanilang 14-day isolation at sinisimulan na rin ang contact tracing.
11. Inaasahan na ang lahat ay magiging maingat sa sarili upang makaiwas sa COVID-19. Ugaliing mag-praktis ng physical distancing at sumunod sa minimum health standards.
Marikina City Government