Sariwa

2 11
Avatar for Dracooooo
3 years ago
Sponsors of Dracooooo
empty
empty
empty

Habang lumilipas, ang bawat sandali ay,

higit kong nararamdaman ang buhay.
Kung minsa'y mapait, kung minsa'y matamis.

nag iisa lamang naman ang siyang nais.

mabuhay, makaraos, malagpasan ang bawat unos.
Paslangin ang umaga upang umabot ng hating gabi.

siguraduhing ang bala'y sapat at di agad maubos,

ang karahasa'y walang pinipiling sandali, kadalasan ngala'y kahirapan ang siyang dahilan ng pang aapi.

Ikaw? Makakaya mo kayang bagtasin ang binabagtas nila?

kung hindi ay, wala ka pa sa kalingkingan ng iba.

Kung sa turan mo'y iya'y mahirap,

isipin mo na lamang ang mga batang pinagkaitan ng pangarap.

oh, kay bilis ng oras, bawat sandali'y mahalaga,

lasapin hanggang sa ito'y nandiyan pa.

minsan lang tayo dadaan sa oras na ito,

magpapahuli ka ba?


3
$ 0.00
Sponsors of Dracooooo
empty
empty
empty
Avatar for Dracooooo
3 years ago

Comments

Nice nice, galing nyo po hehe. How to be you po. Medyo nakaka nosebleed ang tagalog, may malalalim. Pero nararapat lamang iyan sapagkat tayo ay isang Pilipino kaya nararapat na mahalin natin ang ating natatanging wika. Ipagpatuloy nyo lang po ang pagmahal sa ating sariling wika, napaka ganda basahin lalo na ang ipinahihiwating na meaning ng bawat salita. Salamat po. Keep writing! :)

$ 0.00
3 years ago

Lubos akong nagagalak sa'yong pagtangkilik ❤️

$ 0.00
3 years ago