0
20
Para saan? Para kanino?
Bakit sa dinami rami ng mga anino
Sa kamay pa ng mga tsino, ikaw ba'y tunay na pilipino?
Ako'y lubhang nagagalak,
Sa mga salitang mabulaklak
Na tila'y isang matinik na rosas,
Na sa sariling bayan ay nakaposas
Bayan kong sinilangan
Na sakdal sa dugo ng katiwalian
Na sa kamay ng mga dayuha'y
Akala'y langit ang buhay
Bilang isang pilipino'y mas nanaisin ko,
Na lumakad sa matutulis na bato
Maikubli man lamang ang ipinaglabang yaman at kinaugalian ng perlas ng silanganan