Alipin sa sariling bayan

0 188
Avatar for Dracooooo
3 years ago

Hanggang kailan? Hanggang saan? Para kanino? Para saan? Bakit pa tayo ipinaglaban ng ating mga ninuno? Laban sa mga mananakop, kung ang sarili nating bayan ay di nating mgawang mahalin, kung ang kapwa nati'y pilipino ang naglulukluk sa tuktok ng mga gawa ng ibang lahi, halos ipamalit ang puri para sa papuri, halos ibigay ang nasasakupan para sa kinabukasan? Para sa kinabukasan nga ba ang dahilan o para sa kanilang gutom na bulsa. Nagawang ipagkalulo ang sariling bayan para sa pansariling kapakanan. Kung sa kamay lang din naman pala ng mananakop mapupunta ang perlas ng silanganan na nagwawangis kapanalig, tayo'y silaw sa gandang ipinapamalas at sa kabilang banda'y ramdam na ng ating kababayang ang hirap sa kamay ng mananakop. Papayag ba kayo na dungisan na lamang ang bansang sinilangan? Na ipinaglaban kapalit ng pawis at dugo ng ating mga huwarang bayani? Isa lang naman ang punto nitong tula, na hanggat sa mayroon kayong nakikitang katiwalian ay wag kayong manahimik o magdalawang isip gumawa ng hakbang para ipaglaban ang sariling bayan. Ikaw! Ako! Tayo! Filipino! ❤️

1
$ 0.00
Sponsors of Dracooooo
empty
empty
empty

Comments