Sa buhay natin, hindi nauubos ang problema pero nasosolusyonan ng paunt unti. Lahat tayo may problema dahil hindi mo mararamdaman ang ginahawa kung hindi ka matatanggalan ng tinik, halimbawa nalang yung isang bata naglalaro kasama ang kanyang mga kaibigan, naghahabulan sila at masaya ngunit nadapa siya at tumayo uli.
God always hear our prayers, lahat ng bagay may sagot, lahat ng bagay may solusyon at lahat ng bagay may dahilan. Sabi nga ng iba “magtiwala ka sakanya, ialay mo ang buhay mo para mabigyang liwanag ang isip mo” , the more na nagtitiwala ka sakanya the more na maniniwala ka a sarili mo na kaya mo ang lahat at malalagpasan mo lahat ng problema. Kung sa bawat step natin ay nasa puso natin siya, bawat step rin natin ay napapalapit sa sagot ng ating mga problema. Keep fighting, keep praying.
Bukod sakanya may kaibigang totoong malalapitan na kahit sa anong problema sasamahan ka nya, sa kahit anong problema tutu,ungan ka niya at sa kahit anong problema andyan siya.
andyan rin ang pamilya, tutulong sayo makabangon muli. Hindi ka nila iiwan, mga magulang na pupunas ng iyong luha, papahid sa iyong likod para icomfort ka.
At panghuli ang sarili mo,magtiwala ka lagi sa sarili mo na kaya mo dahil kung kaya ng iba, kaya mo rin. Wag ka mawawalan ng pag asa, lagi ka lang lumaban kahit napakalabo na ng daan na tinatahak mo, matuto kang gumawa ng diskarte at maging matalino ka sa bawat desisyon mo.
tandaan mo pagkatiwalaan mo ang sarili mo, wag ka magkakaroon ng pangangamba sa kakayahan mo. DAHIL KAYA MO! AKO NA ANG NAGSASABI SAYO! KEEP FIGHTING.