Panalangin

3 29
Avatar for Dolores
3 years ago

Panginoon,

Maraming pong salamat sa lahat ng mga biyayang ipinagkaloob niyo sa amin. Ngayon, kami ay narito upang humingi ng kapatawaran sa lahat ng aming kasalanan. Patawad po kung minsan ay nakakalimutan Ka namin. Ngunit, ngayon ay nagsusumamo kami sa iyo Panginoon. Ikaw lamang po ang masasandagan namin lalo na ngayon at Kayo lamang po ang makakapuno ng aming mga pangangailangan.

Sana po ay gabayan niyo po kami palagi lalo na ngayon na may dumapong virus na siyang nagbibigay takot sa sanlibutan. Nawa'y ilayo niyo po kaming lahat sa salot na ito. Sana po pagalingin niyo ang sinumang natamaan ng COVID19 at ganoon rin po sa mga persons under investigation at persons under monitoring.

Sana po ay gabayan Niyo kami palagi at ilayo Niyo po kami sa anumang karamdaman lalo na ang COVID19. Patuloy niyo rin po sanang bigyan ng lakas at ilayo sa kapahamakan ang mga doktor at iba pang mga Frontliners. Hinihiling ko rin na sana sa madaling panahon ay tumigil na ang pagkalat nito at sana makagawa na rin sila ng lunas na kailangan ng lahat.

Dampiin Niyo po sana kami sa Iyong banayad na kamay upang ipagkaloob ang kapatawaran ng aming mga kasalanan. Ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa ngalan ni Jesus, Amen.

If you want to browse my other articles, you can simply go here: An Index of my Articles

7
$ 0.00
Sponsors of Dolores
empty
empty
empty
Avatar for Dolores
3 years ago

Comments

Amen

$ 0.00
3 years ago

amen :)

$ 0.00
3 years ago