Ang buhay ay walang kasiguraduhan
Di alam kung anong patutunguhan
Mahirap man o mayaman
Sa mata ng diyos pantay pantay ang karamihan
Ngunit sa batas na ating nakasanayan
Lamang ang mayayaman
Sapagkat hindi ang tama ang labanan
Kundi ang gintong kayamanan
Paano namin makakamtan
Ang hustisyang matagal na naming inaasam
Kung ang pinapaburan lamang
Ay ang mga maykapangyarihan
Na kahit anong pagkakamali ay kanilang matatakpan
Gamit lamang ang gintong kayamanan
Na para bang sinasabi nila na pag wala ka nito, wala kang laban
Na para bang mas matimbang ang gintong kayamanan kesa sa tamang ating pinaglalaban
Sa mundong puno ng makasalanan
Maypagasa pa kayang makakamtan?
Ang hustisyang aming inaasam
Amin pa kayang matutuklasan?
Na kahit ang taong batas na dapat amin sanang nasasandalan
Na kami'y tutulungan sa patas na labanan
Ay kami kinalimutan
Dahil sa gintong kayamanan