Isang artikulo na naglalaman ng katoxican ng mga (hindi lahat pero karamihan) na pilipino
Sa isyu ng TRAIN Law, panay tapunan ng mga salitang tila wala namang basehan.
Sa isyu ng Inflation, panay turo sa ibang tao sabay sabing, Yan kasi lider nyo nagbibingi-bingihan.
Klaro namang ang daming Pilipinong toxic,
Na kung akala mo kung magkeyboard mode on ay parang fantastic.
Sa panahon ng murang data para sa cellphone,
Tila ba kasalanan naman talaga kung makapagreact ka na hindi mahinahon.
O teka, wait sabi ko magtatype lang ako ng konting hinaing,
Pero bakit tila ito ay nagiging tula. Oh well, and Pilipino nga naman kasi toxic.
Wala namang masama kung ipapaliwanag mo bakit yun ang paniniwala sa isang bagay,
Tutal naman lahat tayo ay may iba't-ibang pananaw sa mga bagay-bagay.
Huwag lang naman sanang umabot sa puntong magtatapunan na ng mura,
At may pahabol pang insulto na akala mo'y naghahamon ng away ang isang balahura.
Nais mong mapayapa at matiwasay na bansa,
pero bakit tila mas gusto mong manakit ng kapwa,
Manakait ng kapwa gamit ang mga salitang hatid lang nito'y manakit lang.
At minsan aabot ka pa sa puntong "DI PA KO TAPOS DAHIL ANG MGA SINABI KO AY KULANG!"
ANG DAMI DAMI NATING PAGBABAGO NA GUSTONG IPATUPAD,
PERO DI BA NATIN NAISIP NA DAPAT MUNA NATING BAGUHIN ANG ATING MGA UGALI KUNG GUSTO NATING UMULAD?
Alam mo naman na dapat yan. Ang mga pinoy masyadong reklamador, hindi naman nakaka tulong diba? Mas lamang tayo sa salita kaysa sa gawa. Mas binibilang natin yung mga negatibong bagay kaysa dun sa mga dapat na ikasaya at makakatulong sa nakakarami. Minsan naiisip ko kaya hindi umuunlad ang Pinas eh. Gawa ng kapwa pinoy bumabatikos sa Gobyerno.