read.cash Log in

@Dhanglee

Joined 21 September 2022 · 17 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Dhanglee

Magandang hapon .Ang lungkot naman dito sa bahay , kami lang dalawa nitong pamangkin ko tapos hinihika pa🤦. Galing nga pala kami sa munisipyo ,doon kase ginanap ang children's month ng mga bata. Kasali nga doon ang pamangkin kong nag aaral sa Daycare. Napauwi kami ng maaga kahit hindi pa tapos yung selebrasyon dahil inatake nanaman ng hika ang pamangkin ko. Di nya tuloy na enjoy yung okasyon nila😪. Anyways picture picture muna kami hehehe pangiti ngiti lang yan kahit masama ang pakiramdam 🥺 iloveyou bunsoy namin😘🥰

@Dhanglee

Mapapawoooow ka nalang talaga pag nagising kang maganda ang sikat ng araw😅. Tamang tama sanang maglaba kaso kaunti palang mga labahang damit namin. Mas maganda kase maglaba kapag maramihan na, tipid sa bayarin sa tubig😁. Kailangan magtipid tipid kase nagmamahalan na ang bill sa tubig at kuryente , ako nalang ata ang di mahal🤭 charisss. Good morning kaingay, tara at magkape🤗.

@Dhanglee

Good evening mga kanoise. Share ko lang , mahirap talaga kapag wala nang mga magulang yung kapag nagkakasakit ka wala man lang mag aalaga sayo. Naawa ako sa pinsan namin noong nakaraang araw kase sya lang mag isa sa bahay nya tapos inaapoy pa ng lagnat. Pinuntahan namin sya ng kapatid ko kase nakisuyo sakin yung brother nya na kung pwede daw patingin saglit sa kapatid nila dahil masama daw ang pakiramdam. Noong pinuntahan nga namin namimilipit sya sa sakit na dinaramdam, napasbi pa sya na ang hirap talaga kapag mag isa nalang sa buhay wala man lang titingin kapag masama pakiramdam mo. Nakakadurog marinig yung mga katagang sinabi nya, naawa kami kase yun lang yung araw na nakita namin sya na sobrang lungkot sa buhay. Siguro dahil nasanay kami na puro biro lang at mag patawa ang alam nya. Sa ngayon nag update sya na medyo maayos na din daw pakiramdam nya , salamat sa diyos 🙏. Kaya ako sobrang nagpapasalamat ako kase malalakas pa magulang ko at walang sakit na dinaramdam ❤️. Anyways pa post naman ng picture ko😅 aysus nag mamaganda lang naman 🤣🤣

@Dhanglee

Minsan papasok na lamang sa aking isipan ang katanongan na "bakit ganito lang ako?" Siguro dala na rin ng sari saring problema kaya ganyan ang napasok sa isip ko. Maraming bagay ang gustong gawin pero di magawa dahil maraming hadlang ang pilit na kumukontra sa aking isip. Maaaring sa paningin ng iba OA ang mga nakakaranas ng pag o'OVERTHINK. Bakit ko nasabi ? Kase ganoon din ako dati sa tuwing nakakakita ako ng mga post na keso ganyan maliit na problema lang parang big deal na sa kanila. Until sa ako na mismo ang nakakaranas nito ngayon, hindi pala talaga sa nag iinarte lang. Mahirap labanan ang sariling isipan base sa aking experience. Kaya sa mga tulad ko na nararanasan ang sobrang pag iisip keep strong lang po😊💖. Magandang tanghali.

@Dhanglee

Habang tumitingin tingin ng binilad na palay sa itaas ng bahay ay lumabas din ako ng paninda. "Popcorn kayo dyaaarn" hehehe sana madami bumili. Sana din Hindi naman umulan para matuyo yung binibilad naming palay. Marami na din kase napunta samin para bumili ng bigas di naman namin mapag bilhan kase kami din mamumroblema sa bigas😅. Ilang araw din kase nag sumpong ang panahon , naulan at nainit kaya di makabilad ng maayos ng mga palay . Hayss ang hirap talagang maging mahirap , kailangan magsumikap para may pang gastos sa pang araw araw. Nakakastress din dahil sumasabay sa kahirapan ang mga bayarin. Anyways , Good morning mga kaingay ingat lang po tayo sa maghapon.

@Dhanglee

Good morning mga kaingay. Kaganda ng panahon ngayon sakto naman kase weekend hehe ang daming mga nanay nanaman ang matutuwa dahil mainit. Mga naglaba tiyak tuyo yang mga sinampay nyo 😅. Anyways pa flex din pala ako dito sa pamangkin kong butchog 🤣. Napaka bait naman nyan di pumunta sa tambayan nya😅. Nanunuod lang sya ngayon tapos mamaya nyan nakatakas na yan andoon nanaman sa mga kaibigan nya🤦. Minsan kase pag napunta sya doon sa bahay ng kaibigan nya kinagabihan nyan may lagnat nanaman sya kung Hindi naman lagnat ay aatake nanaman ang hika nya. Di naman masama kung minsan pingababawal ang bata na pumunta sa ibang bahay lalo na kung health naman nila ang inaalala natin. Pag yan kase napapagod saka sya inaatake ng hika. Ang mamahal pa naman din ng gamot ngayon at hindi lang yan syempre kapag may sakit di mo din mapakain ng maayos kaya mangangayayat. Ingat mga kaingay sa buong maghapon🥰 sa mga naglalaba dyan , enjoy nyo lang yarrn hehehe✌️

@Dhanglee

Patawarin mo ng patawarin, kung ayaw magbago hayaan mo mamamatay din yan✌️. It's joke time HAHA Good evening kaingay☺️ tapos na ang exam kaya nagawa nanaman magselfie😅🥰. Post ko lang dito pagmumukha ko na pwedeng gawing panakot sa mga mabait🤣🤣. Bago ang lahat kumain na ho ba kayo?Ako kakatapos lang, ang ulam ay yung tirang ulam kanina tanghalian hehe.

@Dhanglee

Motivation yarn? Hehe thank you sir, bait naman ng isang prof. namin 😅 Sana all🤣. Anyways goodluck nga naman talaga saamin , kailangan pilitin makapasa sa exam😪. Paano ba naman yung nireview namin di naman lumabas sa exam 🤦. Swertehan nalang talaga para makakuha ng mataas na grado😁🙏. Good morning mga kaingay☺️

@Dhanglee

Good morning ,napuyat ako kagabi sa kadahilanang tinapos ko mga performance task ko hayss inabot na ng deadline 🤦. Medyo nagulo pa ang isip ko ng may mga bad news na lumabas sa newsfeed ko🥺. Paalala ko lang sa mga kabataan na wag masyadong pakakampante. Sa panahon ngayon di na safe lumabas ng mag isa dahil talamak na ang mga walang matinong pag iisip. Marami na ang biktima ng pang gagahasa, mga kabataan na may parangap sa buhay na sa isang iglap lang biglang nawalan ng katuparan. Napabalita kagabi ang natagpuang bangkay ng isang dalagita, iilan na din ang nawawalang dalaga dito sa bicol. Isa nga sa nawawalang dalaga ang natagpuang wala nang buhay kagabi , ito ay Senior high school na nag aaral sa Ateneo de Naga. Gusto nya maging attorney sana para bigyan ng hustisya ang mga taong walang kasalan at isa lamang biktima. Ngayon sya pala ang mangangailangan ng hustisya dahil sa karumaldumal na sinapit sa kamay ng masasamang tao. Rest In peace sa pamilya😪 #ingat po tayo palagi.

@Dhanglee

Nagtagpo ang gatas na choco hahaha kaganda naman pag masdan ang dalawang ito🥰. Sana hanggang sa paglaki ay manatili kayong magkasundo. Magsulat at magbasa din ang trip ng dalawang ito hehhe share ko lang , nakakagoodvibes kase. Good morning 🌞

@Dhanglee

Pinupurungotan ako mag masid kaining kururod na manok 😪 buruntog ko ni sa mainit na tubig🤔. Naiinis akong pagmasdan ang mga giniginaw na manok😪 ibabad ko kaya mga ito sa mainit na tubig🤔. Yan yung post ko kanina sa fb haha wala biglang pumasok sa isip ko ang kalokohan. Lalo pa nang makita ko yung mga manok na alaga ng kapatid ko at ginaw na ginaw na. Hahaha maraming nagreact at natuwa sa post ko na iyon🤣. Anyways may mga natuwa nga sa post ko at ako naman medyo nalungkot ng makita ko ang post ng ibang nitezens patungkol sa nangyare sa Maguindanao. Marami nanaman ang nalagay sa peligro ang buhay at karamihan mga bata ng dahil sa bagyong paeng. Sa ngayon pabugso bugso pa din ang ulan dito sa Bicol Region. Mag ingat po tayong lahat 🙏.

@Dhanglee

Flex ko nga sarili ko , walang nag fflex e hahahaha . Nagpapasalamat din pala ko sa tiktok kase gumanda ganda ako ng kaunti hahaha 😅. Ganito lage kapag nasstress ako nanunood lang ng mga videos sa tiktok at minsan napapatiktok na din😅. Magandang hapon mga kanoise medyo makulimlim nanaman nagbabanta na ang kalangitan🤦. Pero okay lang sana na umulan kase sobrang init dito sa loob ng bahay. Ang problema lang ay yung mga pinapaaning palay kapag umulan ay talagang lulubog yung mga nagapas nang palay. Ito yung kadalasang problema ng mga nagsasaka kapag anihan na tapos biglang uulanin😪.

@Dhanglee

Bigla akong kinabahan hindi dahil sa dumating na yung parcel ko, expected ko naman kase na ngayon darating. Ang ikinagulat at nagpakaba saakin ay yung laman noong parcel haha akala ko namali yung nagdeliver kase mabigat sya tapos yung itsura nya parang cellphone hahahahaha 🤣 muntik ko nang tawagin yung rider para sabihin na mali yung naadeliver 🤦😝. Mabuti nalang at inalis ko kaagad sa balot kaya doon ko napagtanto na tama pala yung na edeliver hahaha na it's a prank nanaman ako 🤣🤣🤣 kakaloka naman kase🤣. Good afternoon, siguro kulang lang talaga ako sa tulog🤣 makatulog nga muna🤣😝.

@Dhanglee

Forda bantay ng pamangkin ang ferson , matamlay ang batang ito🤦. May sipon at ubo kase medyo nangayayat din sya, mabuti nalang at ubo't sipon nalang di na sya masyado hinihika. Bantay lang naman ako ilang oras kase wala syang makakasama sa kanila , yung kuya at ate nya kase pumasok sa school. Nakisuyo yung asawa ng kapatid ko na bantayan ko daw muna kase nasa trabaho din silang mag asawa. Mabuti nalang at mamaya pa online class ko, pakastress muna ko dito sa pasaway na bata🤣🤣. Medyo nalungkot ako kase walang biscuits na iniwan hahahaha wala kaming paghahatian hahahaha Charissa🤣🤣 pero may gatas naman pwedeng papakin hahahahahaha tita's life🤣🤣. Anyways good morning 🌞 medyo maganda na ang panahon. Salamat sa diyos🙏

@Dhanglee

Happy Birthday sa dalagita kong pamangkin na kamukha ko daw pero syempre mas maganda ako hahaha charrr. Noong nakaraang araw may tumawag saakin ng " allysa " classmate pala ng pamangkin ko haha loko ganoon na ba ako kababa para mapagkamalang ang pamangkin ko😝. Marami rami na din talaga nakakapansin na magkahawig kami. Paano ba naman habang pinagbubuntis palang sya ng mama nya ay palagi nalang galit saakin🤣.Ito palang isang picture nya na kasama nya din isa kung pamangkin hehe sila lang kase ang babae kong pamangkin 😁. Lagi din yan magkasundo sa lahat ng bagay pati sa pagpapaganda gamit yung mga pang make up ko🤦Hindi po pala sila magkapatid mag pinsan lang po sila😁.Anyways nag aaya sya ngayon na magsimba daw kami kaso itong panahon naman ay di nakikisama 🤦. Maulan nanaman kase dala ng bagyo. Good morning 😊 #Nene 14th Birthday 🎂🎊🎉

@Dhanglee

Pansin naman natin na nagmamahalan na lahat ng bilihin, pinaka unang pinuproblema natin ay ang maiuulam sa araw araw. Naisip ko na kahit mga gulay ngayon ang mamahal na🤦.Ayon nga nakakita ako ng mga seeds na pwedeng itanim at pagkaabalahan hehe. Pwede naman isingit sa schedule to hahaha habang walang online class. Magtanim muna ng gulay para naman di na problemahin kung saan kukuha ng pambili ng ulam 😅😁 . Good morning 🌞

@Dhanglee

Hello,Dhanglee po!😊 Nakikita ko kase sa kapatid ko na gumawa s'ya ng account dito kaya gumaya na rin ako. Anyways good morning hehehe testing lang ito 😅 di ko kase alam kung anong sasabihin ko😁.