read.cash Log in
@Dhanglee

Good evening mga kanoise. Share ko lang , mahirap talaga kapag wala nang mga magulang yung kapag nagkakasakit ka wala man lang mag aalaga sayo. Naawa ako sa pinsan namin noong nakaraang araw kase sya lang mag isa sa bahay nya tapos inaapoy pa ng lagnat. Pinuntahan namin sya ng kapatid ko kase nakisuyo sakin yung brother nya na kung pwede daw patingin saglit sa kapatid nila dahil masama daw ang pakiramdam. Noong pinuntahan nga namin namimilipit sya sa sakit na dinaramdam, napasbi pa sya na ang hirap talaga kapag mag isa nalang sa buhay wala man lang titingin kapag masama pakiramdam mo. Nakakadurog marinig yung mga katagang sinabi nya, naawa kami kase yun lang yung araw na nakita namin sya na sobrang lungkot sa buhay. Siguro dahil nasanay kami na puro biro lang at mag patawa ang alam nya. Sa ngayon nag update sya na medyo maayos na din daw pakiramdam nya , salamat sa diyos 🙏. Kaya ako sobrang nagpapasalamat ako kase malalakas pa magulang ko at walang sakit na dinaramdam ❤️. Anyways pa post naman ng picture ko😅 aysus nag mamaganda lang naman 🤣🤣

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.