Wala ako Pakialam sa Nararamdaman sa akin ng Pamilya ko.. Pang Apat ako sa magkakapatid pangalawa ako sa lalake..
Tamad ako mag aral kaya ako lang ang hindi naka pagtapos sa Highschool.. Grade 5 lang tinapos ko.. Maaga ako Nakanas uminom manigarilyo.. Pag lasing ako minsan sa Daanan nalang ako natatagpuan.. kukumotan nalang ako ng nanay ko kapag nakita nya ako..
Pag lasing ako kung ano ano naiisip namin mag kaka barkada.. puro trip lang... Nagnanakaw kami ng pang pulotan madalas Alaga ng kapit bahay na manok ang tinitira namin minsan naman alaga ng aking itay.. Minsan sa amin walang makapigil kapag galit ako nagwawala ako at hindi ako titigil hanggat diko na ilalabas ang aking Galit, galit na diko alam kung bakit nagagalit ba ako sa aking sareli o sinisisi ko sila bat ako naging ganito.. diko alam bakit nga ba.. ang aking ina ay ubod ng bait ang itay ko naman ay ako ang paborito.. di nila ako pinapagalitan kaysa sa lima ko pa kapatid nasanay lang ako palage ganun ang Turing sakin ng magulang ko kaya siguro subra ako umabuso.. mabilis ang panahon wala padin nag babago ganun padin ako mapanira ng gamit abusado at walang modo..
Umalis ako sa Pamilya ko. hinanap ko ang sareling ko pagkatao.. Nag trabaho.. dumating ang Oras Pati Shabu pinasok ko na., Gusto ko Palage ang maingay na lugar sa subrang sabog ko minsan naliligaw ako ng owian.. Naranasan ko din mag punta sa Patay sindi.. At halos sahod ko simot pati Cp ko nawala dahil sa kalasingan ko..
Nung Nag ka Hulihan sa trabaho ko medjo na takot ako baka ako mahuli kaya napilitan ako bumalik sa probinsya para naman maiwasan ko nadin.. Halos wala ako ipon at ni wala ako dala sa Pamilya ko.. Ok lang naman sanay na sila..
makalipas ang ilang Taon ang kuya ko Sinasama ako sa Work nya sa Tagaytay... Sa RetritHouse Maitenance kami at helper sa Kusina.. Pumayag ako..
Diko alam may Church pala doon At boss namin ay Pastor Bawal ang alak at sigarilyo, kaya pala ako sinama ng aking kuya.. kada merkules may Biblestudy at sunday ay sinasama ako ng aking Kapatid mag Simba..Diko mapigilan ang aking sareli tumanggi.. At unti unti nakakalimutan ko ang Ugali at Nababago kona ang Sareli ko..
Ganito pala pakiramdam ng Mahal ka Ng Dios Diko manlang to naramdaman dati.. At alam ko eto na ung Da best na Bagay na nangyari sa buhy ko nag pa Bautismo nako. at isa nako Born again..
Salamat po Panginoon at Unti unti moko Binabago..Mahal na Mahal padin ako ng Pamilya ko kahit ako Ay naging..
Suwahil na Anak..
Lahat tayo may Karapatan mag Bago tumawag ka lang Sa Panginoon Dika nya Tatanggihan.. Eto pala ang Kulang Sa akin.. Ang Pag tawag sa kanya..
Maniwala ka mahal ka ng Dios Dika nya Pababayaan ma punta sa wala.. ililigtas ka nya..
Ang kapatid ko suwahil din sa magulang pero ganun pa man inuunawa na lamang namin siya. Kasi san pa ba sya tatakbo pag sya ay mangangailangan edi sa amin din na pamilya nya. Binibigyan ko sya ng leksyon dahil ako ang nakatatandang kapatid. Leksyon para sya ay magtino at hindi mapunta sa lahat ng ginagastos sa kanya ni papa na nagpapakahirap magtrabaho mabigay lang pangangailangan namin.
Ngayon unti unti na syang natatauhan at maawa man ang Diyos ay tuluyan ng magbago. Wala namang magulang na gugustuhing maging suwahil ang kanilang mga anak. Minsan sinasabi ng iba kung anong ugali ka nung bata ka sa magulang mo ganyan din ang gagawin sayo ng anak mo. Yun ang mga naririnig rinig ko lang kasi naniniwala sila na ganun ang mangyayari. Kaya kung mabait ka sa mga magulang mo ngayon ay hindi maglalayong magiging mabait din ang iyong magiging anak sayo.