Alak..

3 50
Avatar for Dennis25
4 years ago

Ano bang meron sayo?. bakit nababaliw ang marami sayo,ang dala mo lang naman ay sakit ng ulo. sakit sa sikmura at bigat ng katawan..

pero ikaw padin ang hanap hanap ko.. nag aaway na kami ng misis ko dahil gabigabi nalang ikaw ang hawak ko.. di kita maindihan kapag natikman na kita diko na mapigilan..bakit ba ako nag kakaganito..

Pag dikita natitikman para bang may kulang parang ako ay di buo.. ikaw lang lagi laman ng isip ko.. Para kang babae diko malimot limutan.. Na aadik nako sayo..

O alak paano ba kita titigilan.. halos wala na kami makain pero pag dating sayo diko matanggihan.. Ma amoy lang kita lasing na ang buo kung katawan..

pag tinawag ng tropa di matanggihan basta may inuman, umaga ng naka owi misis koy nag aabang nakalimutan ko sabehin kaya ako ay pinagalitan.. Aking misis Pangako dina uulit ngunit pag lipas ng araw nakalimot ulit.. aking kumpare nagyaya kaya diko matanggihan.. Araw araw nalang halos dina maka pag trabaho dahil masama ang pakiramdam..

Paano ba kita titigilan kung araw araw kitang nasisilayan..

O alak iba iba man ang ung lasa.. iisa ang nararamdaman.. bakit ba akoy na humaling sa iyo.. pamilya ko tuloy napabayaan ko.. nais ko man ikaw ay lubayan ngunit diko alam kung paano..

Alak sana ikaw ay maglaho upang Ako ay mag bago..

Ganito din ba kayo sa Araw araw? hirap na hirap nako.. sana may maka tulong ayaw ko ng uminom..

5
$ 0.00

Comments

Palage nalang Alak ang aming pinagtatalunan ng aking asawa kaya sana mahalan ang alak para naman iilan lang ang makakabili. At sa totoo lang kung sino pa ang mahirap at walang wala sya pa ang lasinggero.

$ 0.00
4 years ago

Madali lang iwasan yan kung gugustohin mo..saka ok lang uminom basta wag ilalagay sa ulo.. Wag mo pati pababayaan ang pamilya mo para sa ibang tao..

$ 0.00
4 years ago

Tama.. lalo na kung may pamilya kana.. wala nga namang masamang uminom.. wag lang sobrahan at wag ilagay sa ulo.. ginawa mo na kasing bisyo ang pwedeng libangan lang..

$ 0.00
4 years ago