Ang lahat ng tao ay may iba't ibang persepsyon sa buhay, lahat ay may iba't ibang klaseng takbo ng pag-iisip, sa bawat sitwasyon tayo ay sinusubok ng panahon upang gamitin ito sa maparaan at maayos na pamamaraan. Ngunit hindi lahat ng oras nagagawa mo ang mga bagay na akala mo ay kaya mo ngunit sa huli malalaman mo ito ay isang huwad na katotohanan lng pala.
Isang ehemplo nito ay ang pagtupad sa isang pangako, ang pangako ay isang salitang binitawan ng isang indibidwal upang maipakita na siya ay may pagpapahalaga sa gagawin niyang bagay na kanyang pinangakuan. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ang isang pangako ay nagsisilbing katotohanan, kadalasan ang isang pangako ay napapako, o hindi natutupad. At lumalabas na ito ay isang kasinungalingan lamang, at lumalabas na ang isang tao ay nakakagawa ng kasalanan na hindi niya alam kung gaano ito kabigat. Dahil nga iba't iba ang pananaw ng mga tao sa buhay, ang kadalasang binibitawang pangako, ay masyado kung seryosohin oh masyado bigyan ng importansya lalo pa't ang nagbitaw nito ay isang taong mahalaga sa kanyang buhay oh, nagpapahalaga sayo.
Isang halimbawa ng simpleng pangako ay ang sa mga bata, pangakuan mo sila na bibilhan mo ng mga maliliit na bagay, sila ay tuwang tuwa na, mga laruan, kendi at kung ano ano pa. Sa kanila, simple lang ang pangako, kung hindi man ito matupad ngayon sabihan mo sila ng "bukas na lang" o "next time na lang" tatanggapin nila ito at hindi magrereklamo.
Ngunit habang tumatanda ang tao, lumalalim ang kanyang pananaw sa buhay, at pagtingin niya sa bawat anggulo ng isang bagay. Ang isang indibidwal, na nasa wastong gulang na at pagiisip, pangakuan mo, bibigyan nila ito ng halaga, dahil alam nila na kung ikaw ay nasa tamang pagiisip, gagawin mo talaga ang nabitawan mong pangako, lalo pa't ang pangakong ito ay napakahalaga sa inyong dalawa. Isang magandang halimbawa nito ay ang pangako ng pagmamahal, o ng kasal.
Lumalabas na ito ay isang huwad na pangako, o isang kasinungalingan lamang kung ito ay hindi tutuparin, o tinupad. Masakit kung ganun, sa ibang bansa ang isang pangako ay sobra kung pahalagahan. Haimbawa na lang nito ay sa bansang Hapon,. sa kanilang bansa pag ikaw ay nagbitaw ng isang pangako, mapa bata oh matanda man ang ginawan mo nito, talagang dapat mong gawin ito, bakit? Dahil kung hindi, hanggang hukay, iisipin nila ang kasalanan sa pangakong binitawan mo, ngunit lumabas na kasinungalingan lang pala. Ganun sila magpahalaga ng kanilang mga pangako.
Ngaun, tatanungin kita, kung ikaw ba ay mangangako, handa mo bang isugal ang iyong buong pagkatao at pananaw sa buhay para lang dito? Ako? oo, dahil hindi ako nagbibitaw ng isang pangako alam kong hindi ko kayang tuparin.