Life at Quezon Province during Pandemic Days

0 8
Avatar for Dale
Written by
4 years ago

Quezon Province life is simple, pero sobrang happy. Yon gigising ka sa umaga, maganda sikat ng araw, maaliwalas, huni ng ibon ang maririnig at payak na pamumuhay.

During this Pandemic days, I must say mas makakasurvive ang mga taong nasa probinsya kaysa sa nasa siyudad.

Una sa pagkain, sa siyudad lahat binibili, sa probinsiya, karamihan ng mga bilihin ay mura at higit sa lahat, ang kasipagan ng mga taga Probinsya sa pagtatamin sa kanilang bakuran.

Kagaya ng kalamansi, sili, kamatis at ilan pang pangkaraniwang pangangailangan na di kailangan bilihin.

Dahil nga medyo malayo sa siyudad, malayo sa temptasyon sa mga bagay na di kailangan, ang mga luho sa damit o sasakyan.

Sabi nila walang pag-asenso kapag sa probinsya nakatira, pero sa aking karanasan sa pagstay sa probinsya doon ko masasabi na simple man ang pamumuhay pero hanggang dulo naman ang kasiguruhan na mabubuhay ng payak pang habambuhay.

1
$ 0.00

Comments