My Senior High School Journey

0 35
Avatar for Dabbie
Written by
3 years ago

Year 2017 nakagraduate ako ng Junior High School sa probinsya namin.

Sa wakas ay Senior High School na ako at sa province pa rin ako nag-aral. Hirap na hirap ako nung mga panahon na yun kung anong kukunin kong Strand. Una, nag-enroll ako sa GAS (General Academic Strand).

First day of school excited ang lahat, sobrang dami ng tao sa school. Kanya-kanyang hanap ng classroom. Pagdating ko sa classroom ay agad akong nadismaya dahil apat lang kami na nag enrolled sa GAS at dahil dun ay ihahalo kami sa HUMSS. Hindi ko gusto ang magiging mga kaklase ko at di rin naman ako sigurado sa kinuha kong strand. Dahil doon ay napagpasyahan kong lumipat ng ibang strand.

Lumpit ako sa CSS (Computer System Servicing) Technical Vocational Track. Nagustuhan ko ang mga naging kaklase ko at ang environment sa klaseng iyon. Naging maayos ang lahat sa akin isa ako sa top student ng CSS. Natapos ang first semester at naging top 2 ako ng klase. Masayang masaya ako sa pinili kong landas at sa mga naging kaklase ko.

After ng first semester ay nagkaroon ng malaking problema sa pamilya namin na naging dahilan para huminto ako sa pag-aaral, mahirap para sa akin pero kinakailangan. Di na ako masyadong nakapag-paalam sa lahat lalo na ibang mga guro ko. Umalis kami biglaan sa province at bumalik dito sa Manila. Marami ang naghanap sa akin sa province pero tuluyan na akong umalis at huminto.

Noong mga panahong huminto ako andami kong naisip na mga bagay. Nanghihinayang ako dahil di ko na sila makakasabay makatapos ng Senior High School at mapag-iiwanan na ako. Iniisip ko nalang lagi na baka may mas magandang bagay na nag-aantay para sakin.

Lumipas ang mga buwan at pasukan na ulit. Grade 12 na ang mga dati kong kaklase at ako naman ay magsisimula ulit. Nahirapan akong humanap ng school na papasukan related sa aking track na kinuha sa province. Lahat ng mga public school dito na related sa track ko ay full slots na lahat at bawal na magtanggap kaya napilitan akong pumasok ng Private school. Dahil sa paghinto ko ay nawala ang voucher ko kaya kinakailangan ko magbayad ng tuition. Mabigat man sa bulsa pero kailangan para lang makapagtapos.

Panibagong buhay na Grade 11 na ulit ako sa isang Private school at ICT (Information Communication and Technology) ang kinuha ko. Naging masaya ako sa naging buhay ko at unti unting nakarecover sa mga nangyari.

Nakatapos ako ng grade 11 at nakakuha ng With High Honors at bilang top 1 student ng ICT.

Grade 12 na ako at yun na nga masayang masaya ako kasi makakatapos na ako ng Senior High School. Masaya rin ako para sa mga dati kong kaklase dahil nakatapos na sila at pinangako ko rin sa sarili ko na magtatapos din ako tulad nila.

Hindi naging madali ang Grade 12 dahil graduating na. Andaming naging pagsubok sa akin. Noong mga panahon na yun ay isa ako sa mga candidates na running for Valedictorian. Super na pressure ako that time kasi alam din ni tatay yun at umaasa siya na makukuha ko iyon. Madaming mga tao ang nagtiwala at sumuporta sa akin na naging dahilan para magsikap ako lalo.

Ilang linggo bago ang graduation ay nalaman na kung sino ang Valedictorian ng aming batch.

At iyon na nga nagtagumpay akong makuha iyon. Masayang masaya ako na ako ang Valedictorian ng aming batch. Excited na excited na kami makagraduate at makaakyat ng entablado habang sinasabitan ng medalya na patunay ng aming kasipagan at dedikasyon sa pag-aaral.

Ilang linggo bago ang graduation isang masamang balita ang kinaharap ng ating bansa. Tuluyang kumalat ang virus sa buong bansa na naging dahilan na kailangan maitigil ang lahat.

Nagkaroon ng ECQ (Enhance Community Quarantine) sa buong bansa. Madaming establishment ang nagsara, bawal lumabas ang mga tao at magkaroong pagtipon-tipon.

Dahil sa pangyayari ay nawala sa aming mga magsisipagtapos ang pagkakataon na makaakyat sa entablado. Masakit para amin at nakakapanghinayang ngunit kailangan sumunod para sa kaligtasan ng lahat.

Idinaos ang aming graduation thru virtual. Lahat ng celebrasyon ay thru virtual nalang. Ngunit kahit ganoon ang nangyari ay masaya pa rin ako na nakapagtapos ako.

Masayang masaya ako na nakapagtapos ako bilang Valedictorian. Huminto man ako nung una ang mahalaga ay nagpatuloy ako. Wag tayong mawawalan ng pag-asa sa buhay magkaroon man tayo ng pagbasak lagi natin tatandaan na may mas magandang bagay na nag-aantay sa atin. Huwag tayong titigil sa hamon ng buhay bagkus ay patuloy tayong lumaban.

Kung pakiramdam mo ay napag-iiwanan ka lagi mong tatandaan na pag-angat ay di tungkol sa kung sino ang nauna at nahuli, ito ay tungkol sa mga taong nagpapatuloy na lumalaban at di sumuko sa mga hamon ng buhay.

Maraming salamat sa pagbabasa! :)

10
$ 0.00
Avatar for Dabbie
Written by
3 years ago

Comments