Ang kwento na ibabahagi ko ngayon ay base po sa aming tunay na karanasan.
--
Laking Manila ako ngunit ang province namin ay sa Negros Occidental. Simula pagkapanganak sa akin ay halos ilang beses pa lang kaming nakakauwi sa province.
Nangungupahan kami dito sa Manila at kapitbahay lang din namin ang tita at tito ko. Si tita Emma ay kapatid ni nanay habang ang asawa nito ay kapatid naman ni tatay.
Year 2015 nang maisipan namin ng ate ko na umuwi ng province para doon na manirahan at mag-aral. Pumayag naman sila nanay ngunit si tatay ay naiwan sa Manila para magtrabaho.
Nang makauwi na kami sa province ilang buwan lang ay nabalitaan namin na buntis si tita sa pangalawa niyang baby. Masayang masaya kami para kanila ni Tito. Ngunit si nanay ay malungkot dahil daw mahirap daw pag si tita nagbuntis lalo na't wala siya doon.
February 2016 ang kabuwanan ni Tita. February 24 ng hapon ay nasa bahay kami nila Lolo nang biglang tumawag si Tito sa Manila na nanganak na raw si Tita. Masayang masaya kami ngunit masamang balita dahil namatay daw ang baby.
Sobran kaming nanlumo sa nangyari. Agad naman naming kinamusta si tita ang sabi ay okay naman daw. Kinagabihan ay nalaman namin na nasa ICU si tita at kritikal. Halos di kami makatulog upang makibalita sa Manila kung ano na nangyayari.
Alas 3 ng umaga February 25 ay biglang tumunog cellphone ko ng malakas tumatawag pala si tatay. Nasa Manila rin siya kasama nila Tito. Ibinalita niya sa amin na di na raw siya umabot. Di niya na raw naabutan si Tita ibinaba na raw sa Morgue.
Halos manlumo kaming lahat sa narinig namin. Wala na rin si tita di niya kinaya. Ansakit kasi dalawa pa silang sabay na nawala sa amin.
Sobrang laking trauma ng nangyari para sa amin.
Taong 2020 naman ay ang pagsabog ng bulkang taal.
Mayroon pang isang kapatid si tatay na lalaki at may asawa ito si Tita Nessa. Matagal na mag-asawa si Tito at Tita Nessa. Mabait si Tita Nessa at kasundong kasundo namin nila ate. Siya ang pumalit kay Tita Emma na sobrang naging malapit sa amin.
Si Tita Nessa ay nakatira sa Batangas habang si tito ay nandito sa amin kasi nagtatrabaho rin. Ngunit paminsan minsan ay nauwi rin si Tito sa Batangas para dalawin si Tita Nessa.
January 2020 nang sumabog ang bulkang taal kung kaya't kailangan lumikas ni Tita dito sa amin.
Pagkatapos ng Taal ay lumaganap naman ang virus dito sa Pilipinas kung kaya't sumailalim sa home quarantine ang lahat. Di na nakauwi si tita ng Batangas at nag stay nalang din dito.
Si Tito at Tita Nessa ay matagal ng mag-asawa ngunit di pa rin nabiyayaan ng anak. Madalas nakukunan si tita kaya di rin sila nagkakaanak.
Habang nasa quarantine pa rin ay isang magandang balita ang dumating kanila Tito at tita. Nagdadalang tao si Tita, masayang masaya kami para sa kanila.
Naging maselan ang pagbubuntis ni Tita kung kaya't naisipan nilang umuwi ng Batangas para dun manganak dahil mas sanay siya doon at mas magiging daw siya sa Batangas.
October 2020 nang bumalik sila ng Batangas. Okay naman ang lahat sa kanila ni Tito sa Batangas. March 2021 ang kabuwanan ni Tita.
January 8, 2021 ng ginising kami ng kapatid ko. Patay na raw baby ni Tita Nessa. Isinugod daw siya sa ospital dahil nawalan siya ng oxygen. Kinabahan kami sa nangyari baka maulit nanaman
Kinamusta namin si Tita kung kumusta siya. Sabi ni Tito nakatubo na raw at yun nalang ang sumusuporta sa kanya.
January 10, 2021 ay tuluyan na rin namaalam si Tita Nessa.
Sobrang sakit kasi naulit nanaman ang nangyari nung 2016. Dalawang tao nanaman ang sabay na nawala sa amin.
Sobrang fresh pa ng nangyari sa amin at masakit pa rin pero alam namin na masaya na silang apat kung nasaan man sila ngayon.
Hanggang dito nalang muna.