Acceptance

1 33
Avatar for Dabbie
Written by
3 years ago

Tuwing bakasyon sa klase ay nakagawian na namin na pamilya ang umuwi ng probinsya.

Excited na excited na ako umuwi ng province magkikita na kami ulit ng matalik ko na kaibigan na si Anne. Magkaibigan kami ni Anne simula bata pa lang at dati rin kaming magkaklase noong sa probinsya pa ako nag-aaral. Lumipat lang kami dito sa Manila para dito na mag-aral nang sa gayon ay mas mabilis ako makahanap ng trabaho pagka-graduate ko.

Araw ng sabado at kasalukuyan kaming bumibiyahe ngayon pauwi ng Bicol.

"Limang oras na lang makakarating na tayo!" Ani ni Papa habang kausap si mama.

Habang nasa biyahe ay naisipan ko muna mag earphone para di ako mabagot sa biyahe.


"Anak gising na! Andito na tayo!" Bigla akong nagising, si mama pala! Kaya pala anlakas ng boses. Malakas talaga boses ni mama ewan ko ba hahaha.

Tuwang tuwang ako habang ibinababa ko ang gamit ko mula sa sasakyan. Napakaganda talaga ng probinsya! Dapat kasi dito nalang ulit ako nag-aral eh! Kaso ayaw nila mama hayst!

"Ate Jai!" sabay yakap sa akin, si Mae ang nakakababata kong pinsan.

Si Mae ay isa sa mga taong excited na umuwi ako dito sa Bicol bukod kay Anne.

"Oy Mae anlaki mo na ah kumusta na? " - ani ko sa kanya.

"Okay naman po ate" sabay ngiti niya sa akin!

"Oh mamaya na kayo magkwentuhan dyan, pumasok muna kayo dito sa loob" Pagputol ni Mama sa amin ni Mae habang nag-uusap.


Pumasok na ako sa loob ng bahay at saka dumeretso na sa kwarto para magpahinga.

Habang nagpapahinga ay naisipan ko sana na i-chat si Anne na nandito ako sa Bicol. Di niya kasi alam na uuwi kami di ko rin kasi siya sinabihan.

Ngunit naisipan ko na isurpresa ko nalang siya bukas, pupuntahan ko siya sa kanila at siguradong matutuwa yun.

Kinaumagahan....

"Good morning Philippines! Good morning world" sigaw ko habang binubuksan ang bintana sa kwarto. Ansarap talaga ng simoy ng hangin sa probinsya.

Pagkatapos ay agad akong naligo at bumaba na sa sala.

"Anak kumain kana dito!" - Mama

"Mamaya na po busog pa ako, pupunta po muna ako kila Anne susurpresahin ko siya" habang nakangiti ako sa kanila habang kumakain sila.

Pagkasabi ko ay tila nasamid si Papa at di na ako pinansin ni Mama at nagpatuloy na sila kumain lahat.


Andito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila Mae. Nang biglang may sumigaw sa kabilang bahay na "Walang ng nakatira d'yan!"

Kumatok pa rin ako ng tatlong beses. Saka ito biglang bumukas at bumungad si Anne sakin at tila gulat na gulat siya.

Niyakap ko siya agad habang siya ay gulat na gulat pa rin.

"Totoo ba ito? Nandito ka talaga" habang sinasampal niya sarili niya "Nananaginip ba ako?" Natatawa ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Napaka kulit niya pa rin talaga.

"Ano ka ba Anne hahaha, totoo nga ako" sambit ko!

Bigla niya akong niyakap ulit ng mahigpit. Tila ba na sobrang miss na miss niya rin ako.

"Tara pasok ka muna sa loob" "Kumain kana ba?" - Tanong niya sa akin.

"Hindi pa eh" sagot ko.

"Tara sabay na tayo, di pa ako kumakain eh" - tugon niya.

"Sige" sabi ko sa kanya.

Habang kumakain ay bigla akong napatingin sa paligid. Tila ba walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. Nahalata niya rin ata kaya bigla siyang nagsalita.

"Wala sila mama dito umuwi ng Antique. Namatay kasi yung kamag-anak namin! Di na rin ako sumama para may maiwan dito sa bahay. "

"Ganun ba? Hayaan mo sasamahan muna kita dito habang andito pa ako sa Bicol" Sagot ko sa kanya.

"Talaga ba Jai?" Tuwang tuwa siya sa sinabi ko.

"Mamaya pagkatapos natin kumain punta tayo dun sa ilog. Tambay tayo dun"

"Sige sure na sure namiss ko na rin yung ilog na yun" - sagot ko naman.


Andito na kami ngayon ni Anne sa ilog, walang masyadong tao. Nakakamiss talaga tong lugar na ito.

Buong maghapon lang kami nagkwentuhan ni Anne ng kung ano anong bagay. Nagpicture picture rin kami. Sobrang saya naming dalawa. Kahit na nakakapagtaka na kanina pa kami pinag titingnan ng mga tao dito.

Napansin din ata ni Anne kaya sinabi niya nalang "Hayaan mo na mga yan ngayon lang ata nakakita ng tao" sabay tawa.

Tumawa nalang din ako sa sinabi niya at nagtuloy sa pagkukwentuhan.

Nang malapit na magdilim ay inaya niya na akong umuwi.

"Tara Jai uwi na tayo baka hinahanap kana rin!"

"Oo nga baka hinahanap na ako" sagot ko sa kanya.

Pagdaan namin sa bahay nila ay iniwan ko na siya. "Bukas babalik ulit ako at magpapaalam ako na sa inyo muna matulog" sambit ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at umalis na rin ako.


Pag-uwi ko sa bahay ay may naririnig akong nag-uusap habang nasa labas pa lang ako ng pinto at pagpasok ko sa pinto ay agad silang tumigil sa pag uusap.

"San ka galing?" Tanong ni mama!

"Kanila Anne lang po, tapos pumunta po ka--"

"O siya kumain kana" pagputol ni mama sa akin!

"Busog pa p0 ako! Pasok po muna ako sa kwarto"

Habang nasa kwarto ay naisipin kong tingnan mga picture namin ni Anne. Nagulat ako nang tingnan ko ito puro blurred ang picture ni Anne muka ko lang malinaw.

"Haynako, nakakainis naman! Dibale picture nalang ulit kami bukas" sambit ko.

Di ko namalayan na nakatulog na pala. Mahimbing na akong natutulog nang bigla akong nagising.

Narinig kong andyan si Anne at hinahanap ako palabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Anne kausap sila Papa at Tita.

"Asan po si Jai ?" tanong ni Anne kanila Papa.

Papalapit na ako para sabihin andito ako Anne! Pero tila di niya ako naririnig.

"Andun sa kwarto namin, puntahan mo nalang!" Sagot ni Papa

Nagtataka ako sa nangyayari parang may mali talaga. Sinundan ko si Anne sa kwarto nila Papa at tila ba hindi nila ako nakikita. Pumasok din si Papa sa kwarto sabay nilock ito.

Nagulat ako nang biglang itinulak ni Papa si Anne sa kama!

" Tito, ano po ginagawa niyo asan po si Jai? - natatakot na tanong ni Anne.

Di sumagot si Papa. Hinalikan niya si Anne at hinalikan din siya pabalik ni Anne at tuluyang may nangyari sa kanila.

Nagsisisigaw ako sa kanila pero di nila ako naririnig. Iyak ako ng iyak sa nakikita ko.

Bigla akong nagising nananaginip lang pala ako!


Kinabukasan ay pumunta ako ulit kila Anne. Bukas ang pinto at may naririnig akong nag uusap sa loob. Boses ni Papa at ni Anne yun. Umiiyak si Anne habang kausap si Papa.

"Andito siya kahapon pumunta siya dito" habang umiiyak na sambit ni Anne.

Niyakap lang siya ni Papa at bigla akong lumapit sa kanila.

Gulat na gulat si Papa at Anne nang makita ako.

Biglang sumigaw si Papa "Please anak, tumigil kana manahimik kana!"

Nagtataka ako sa nangyayari!

"Tanggapin mo na Jai! Hayaan mo na kami please! "

"Di ko kayo maintindihan ano ba nangyayari?" Sagot ko!

"Ako nagpautos nun anak, patawarin mo ako! Ako ang nagpa-sagasa sayo nung nahuli mo ako na may ibang karelasyon. Magsusumbong kana dapat sa mama mo kaya naisip ko ipapatay ka. Ako ang nagpa-sagasa sayo! Patawad anak!"

"Tama na Jai nagsisisi na kami! Matagal ka ng patay, tanggapin mo na patay kana!"

Bigla akong napaluha matagal na pala akong patay hindi ko lang matanggap sa sarili ko. Si Anne pala ang karelasyon ni Papa. Pinalabas lang nila na aksidente ang nangyari sa pagka-sagasa sa akin.

" Ngunit bakit nakikita pa rin ako ni Mama? " tanong ko.

"Dahil hindi matanggap ng Mama mo na wala kana iniisip niya pa rin na buhay ka at may problema na sa pag-iisip ang mama mo"

"Patawad anak!"

"Bakit pati si Mae nakikita ako?"

"Dahil pareho lang sila ng Mama mo. Sa tuwing iniisip ng mama mo na andyan ka hinahayaan nalang namin, nasanay na rin kami sa ganun anak na iniisip niya na buhay ka. "

"Susuko na ako sa pulis anak, patawarin mo ako! Patawarin mo kami ni Anne"

"Sorry Jai" sabay putok ng baril sa ulo ni papa.

Pagkatapos ay pinutok niya rin sa ulo niya ang baril.

Pinatay ni Anne si Papa pati ang sarili niya.


Sobrang awang-awa ako kay mama pati sa sarili ko na mismong tatay ko pa ang may kasalanan ng lahat at ang tinuturing ko pang matalik na kaibigan ang nagtraidor at sumira ng pamilya nami.

Mahigit 3 taon na ang nakalipas simula ng mangyari iyon. Nahuli ko si Papa na may kasamang ibang babae ngunit di ko nakilala na si Anne pala yun dahil nakajacket eto at nakasombrero nung oras na iyon para rin siguro di siya makilala. Patawid ako ng kalsada nun na nagmamadali para umuwi ng biglang may isang mabilis na sasakyan ang bumangga sa akin. Di ako nakaligtas sa pangyayaring iyon di rin nahuli ang sumagasa sa akin. Ngunit si papa pala ang may pakana dahil ayaw niyang magsumbong ako kay mama.

Sana matanggap na ni Mama lahat ng nangyari para matahimik na rin ako.

-end.

8
$ 0.00
Avatar for Dabbie
Written by
3 years ago

Comments

Keep up the good work.

$ 0.00
3 years ago