Marami sigurong magtataka bakit Michael ang titulo? Siguro crush nya? O kaya boyfriend? Pero pwede din ex nya!
Gabi-gabi nananaginip ako sa iisang lalaki, ramdam ko na parang totoo parang nangyari na ito at napaka natural. Masaya ako pag nakikita ko sya sa panaginip, at parang nahahawakan yung piling na parang tunay. Minsan naman wala sya ngunit ang kanyang pangalan ay laging bumubulong sa tainga ko, pero pinagtataka ko bakit sya? anong meron sa kanya?
Hindi ko pa sya nakikita, nahahawakan o nararamdaman sa totoong buhay. Pero masaya ako na kapag gabi at patulog nako ay makikita o mararamdaman ko na naman sya sa panaginip at tila masaya lang ang lahat. Ngunit nagbago lang lahat ng isang gabi ay nagtanong sya sa akin.
"Sino ka?"
"Dimo ako kilala?"
"Pano naman kita makikilala eh hindi naman kita nakita kahit kailan"
" Ha!? Eh lagi nga kitang nakikita sa panaginip ko!"
" Ha! Panaginip? Anong panaginip eh totoong mundo to"
Nagtaka ako at paano ang aking panaginip ay naging kanyang mundo!? At bigla na lang lumitaw ang mahabang iskinita na madilim at tila walang katapusan na punong-puno ng tao at lahat ay nakatingin sa akin at nagtataka ako bakit tila galit sila sa akin.
"Bakit ka ba kasi nandito? Dimo ba alam?"
"Anong alam!?"
Nagulat ako nung sinabi nyang "takbo! Ipapaliwanag ko sayo lahat pero dapat makaalis muna tayo dito, dahil paniguradong may mangyayaring masama. Nagtaka ako at tila walang kamalayan sa nangyayari, panong magkakaroon ng masama eh panaginip lang naman ito. Sumunod ako at tumakbo ng tumakbo kasama ang isang lalaki na hindi sya kilala at naguguluhan kung bakit sya nandoon.
"Saglit! Hingal na hingal na ako!"
Habang tilay magkaka-asthma na.
"Bawala tayong tumigil malapit na tayong makalabas na iskinitang to doon ko ipapaliwanag ang lahat. Dali takbo na!"
Hinawakan nya ang kamay at sabay ulit kaming tumakbo na tila Wala ng katapusan. At sa wakas narating din nila ang dulo ng iskinita, bumungad ang isang makulay na mga pasyalan, maraming mga naka latag na mga magagarbong damit, mga alahas, mga sapatos at higit sa lahat ay matatanaw mo ang ang isang napakasayang theme park.
Nang makarating ako at makatapak sa makulay kalsada ay binitawan nya na ako at nagtaka.
"Bakit di ka pumunta dito masaya dito!"
"Hindi ako maaaring makapunta dyan dahil hindi kami nararapat dyan"
"Panong hindi eh ako nga pwede at Wala naman nangyaring masama ganun din sayo"
"Bawal talaga kung hindi ay papagalitan ako"
Nagtaka ako panong papagalitan
"Nga pala ano ang lahat ng ito? Bakit tayo tumakbo palabas?"
"Dahil ang iskinitang ito ay di nararapat sayo, hindi ka na makakalabas ulit kapag pumasok ka, ito ang iyong huling pagnakataon at wag mo ulit susubukan"
"Ha? Panong di na ulit makakalabas?"
At bigla na lang sya mawala ng biglang bula. Sinunod ko sya at hindi pumasok pero gusto kong malaman kung anong inig nyang sabihin. Kaya't mabagal akong lumakad pabalik sa iskinitang madilim at nakakatakot para subukan ang lahat ng biglang...
"Aray! Ang sakit!"
Nahulog ako sa aking higaan
To be continue......