Choices

0 11
Avatar for Cutie-lesbie16
3 years ago

Pinagtagpo pero hindi tinadhana

Familiar bah? Malamang halos lahat naranasan ang ganitong sitwasyon. Yung akala mo sya na pero bandang huli umiyak karin at naiwan mag isa kasi andon na sya, andon na sya sa taong akala mo mas higit sayo, akala mo mas lamang sayo, akala mo mas nararapat kumpara sayo.Pero hindi, andon sya sa taong pinili nya , sa taonh choice nya na ramdam nya masaya siya, na completo siya.

Masakit diba, pero bakit nga ba may mga ganitong sitwasyon. Bakit nga ba kailangan mo mona umiyak, masaktan bago mo makita ang yung sariling halaga? Kailangan ba palagi kang napipili para maramdaman mo na mahal ka ? Kailangan ba na mag makaawa para lang mahalin ka ?

Paano ba masasabi na ang babae at lalaki ay ipinagtagpo sa isa't isa ? Na sa dinamidami nang lalaki bat sya .

Simple lang, kasi choice mo na piliin sya , choice mo na mahalin sya, choice mo na alagaan sya, choice mo na manatili sa tabi nya , choice mo na supportahan sya.

Pero bakit merong pinagtagpo lang at di tinadhana? Kasi dahil sa expectation at satisfaction nang isang tao. Kaya hindi nag work yung relasyon.

Paano naman yung tinadhana?

Tinadhana kayo kasi nga choice nyu, choice nyu piliin ,mahalin ,supportahan at alagaan ang isa't isa.

Yan ang pag-ibig ,nakadipindi sa pinili mo (choice). Maging masaya kaman o hindi choice mo yan.

-1
$ 0.00

Comments