Sa pagpili ng perpektong lugar upang mabuhay, ang mga tagahanga ng crypto ay ikinokonsidera hindi lamang ang bilang ng mga lugar na tumatanngap ng pananalaping kripto bilang pambayad pati na rin ang pagkakaroon ng mga magagandang imprastaktura
Sa pag unlad ng pananalaping kripto at pagdami ng mga debit cards ng pananalaping kripto, napagtanto ng mga tagahanga na ang direktang pag gastos ng pananalaping kripto ay hindi lamang ang natatanging isinasa alang alang sa pagpili ng lugar upang mabuhay. Katatagan ng politika, maayos na klima at ang maayos na koneksyon sa internet ay ang mga mahahalagang kadahilanan para sa mga taong nagnanais na maging mamamayan ng mundo.
Singapore
Kung ang pag uusapan ay ang katatagan ng politika at patakaran ng piskal, ang lungsod-estadona may populasyong higit sa 5.8 na milyon ay nangunguna sa rango. Ang Singapore ay hindi binubuwisan ang mga kita ng kapital mula sa pananalaping kripto.
Hindi kinikilala ng gobyerno ang pananalaping kripto bilang pamamaraan ng pagbabayad. Ngunit ang MAS ay gumawa ng eksepsyon para sa maraming kompanya ng pananalaping kripto sa ilalim ng bagong Payment Service Act, na nagbibigay sa kanila ng anim na buwan ng hindi pagkakaroon ng lisensya. Ang Singapore ay mayroon ding magandang koneksyon sa internet sa bilis na 180Mbps
Ang katatagan ng politika sa Singapore ay ang kadahilanan na isa ito sa pinaka mahusay na bansa upang iparehistro ang negosyong kripto. Dito, humigit kumulang 40 outlets ang tumatanggap ng salaping kripto. Subalit, ang halaga ng pabahay sa Singapore ay mataas at naglalaro mula sa $1,250 hanggang sa $2400 kada buwan.
Brisbane,Australia
Ang Australia ay isang bansang may matatag na politika para sa pananalaping kripto. Brisbane, isa sa pinaka malaking siyudad sa Australia, ang unang nagpakilala ng pagbabayad ng pananalaping crypto sa mga tindahan sa loob ng lokal na paliparan. Ayon sa CoinMap, Mayroong 22 na maliliit na tindahan ang tumatanggap ng pananalaping kripto. Marami ka ding mahahanap sa Melbourne at Sydney na tumatanggap ng pananalaping kripto. (30 at 70, ayon sa pagkakabanggit)
Bilang karagdagan sa mga tindahan na tumatanggap ng pananalaping kripto, Ipinagmamalaki ng Brisbane ang mainit na klima, magagandang makasaysayang atraksyon, magagandang karagatan kung saan ang araw ay sumisikat ng 300 araw kada taon. Ang Brisbane din ay kinukonsidera na pinaka murang siyudad upang mabuhay.
Sa kabila ng pagtqaas sa linguhang renta sa Brisbane, hindi ito lumalampas sa $300, at ang pagkakaroon ng pag-upa sa renta ng lungsod sa kabuuan ay patuloy na nadadagdagan, ito ay nagdulot ng pagtaas ng paglipat ng mga tao mula sa Melbourne at Sydney.
California, USA
Ang pamamahalang pederal sa Estados Unidos ay hindi pa nagpapatibay ng isang unibersal na balangkas ng regulasyon para sa pananalaping kripto. Gayunpaman, ang ilang mga estado ay nagtataguyod ng iba’t-ibang pagbabago, ngunit ang mga pagkukulang ng balangkas ng regulasyon ay kapansin pansin at nadadama. Nangingibabaw ang California dahil sa hingi pag pilit at paghingi sa mga kompanya ng pananalaping kripto na kumuha ng anomang lisensya.
Ang California ay bumuo ng regulsyon para sa pananalaping kripto noong taon ng 2014. Ang estado ay hindi gaanong popular mga taong sumusuporta sa pananalaping kripto at teknolohiya ng blocchain gaya ng ibang mga lokasyon, ngunit ito ay ang tahanan ng pinakamaraming propesyonal sa industriya ng kripto kasama na ang mga kompanya ng Silicon Valley. Ito rin ay tahanan ng mayorya sa mga kompanya ng pananalaping kripto gaya ng Coinbase, Kraken at Ripple.
Bilang karagdagan sa isang kanais-nais na balangkas ng regulasyon at ang mataas na bilang ng mga propesyonal, ang California ay may kamangha mahang natural na klima. Gayumpaman, ang halaga upang mabuhay dito ay napaka taas, ang pag upa sa isang magandang apartment ay nasa halagang $3000 pataas.
Sweden
Pagdating sa pamantayan ng pamumuhay ang Sweden ay mas nakakahihigit sa karamihan ng mga bansa. Dito ay matatagpuan mo ang mabilis na internet at mura at maasahang pampublikong transportasyon, isa din sila sa may pinaka magandang sistema sa seguridad sa lipunan sa buong mundo.
Sa ngayon ang bansa at hindi pa nakapag babalangkas ng batas ukol sa pananalaping kripto. Ayon sa Banko Setral ng Sweden noong Marso ng taong 2018 “Ang Bitcoin ay hindi pera.” Gayunpaman, maraming ahensya ng gobyerno, kasama na ang Swedish Tax Agency, ay nagsabi na ang mga digital na pananalapi ay hindi kinakailangang magbayad ng buwis.
Sa kabila ng pagiging maingat sa pananalaping kripto, Pinapayagan ng Sweden ang mga digital na pamamaraan ng pagbabayad at ang gobyerno ay naghahanda upang maglabas ng sariling CBDC.
Ang Sweden ay kilala sa malamig nilang klima tuwing winter, ngunit ito ay nababalanse naman sa pagkakaroon nila ng mga palarong pang winter. Ang isa pang bentahe ng Sweden ay ang pagkakaroon ng bansa ng murang halaga upang mabuhay ng buwanan kumpara sa ibang mga bansa sa Europa. Halimbawa sa pamilya ng may apat na miyembro ito ay nagkakahalaga lamang ng $4000 sa isang buwan.
New Zealand
Ang New Zealand ay naging isa sa mga bansa na mabuti para sa pananalaping kripto kahit na hindi pa ito kinikilala na isang legal na pamamaraan ng pagbabayad. Nakita ang mabilis na pag unlad at paglaki ng merkado ng kripto sa bansa, ang ministri ng panloob na kita ng New Zealand ay nagdesisyon na hindi gumawa ng hadlang sa pagpapaunlad ng kriptograpya.
Sa loob ng maraming dekada, ang New Zealand ay kinonsidera bilang isa sa pinaka mapayapang lugar upang mabuhay. Halimbawa, ayon sa pag aaaral ng HSBC noong taon ng 2018, pinili ng mga imigranteng Briton ang New Zealand bilang isang magandang lugar upang lumipat kasama ang buong pamilya. Ang New Zealand ay may katamtamang init sa summer at katamtamang lamig sa winter, ang kabuoang klima ay kahalintulad ng sa Britain. Idagdag pa dito higit sa 40 na mga kompanya na tumatanggap ng pananalaping kripto bilang pamamaraan ng pagbabayad.
Liechtenstein
Ang Liechtenstein isa sa pinaka maliit na bansa sa Europa, sumasakop sa isang magandang lugar sa Alps sa pagitan ng Austria at Switzerland. Noong Oktubre ng 2019, Pinagtibay ng bansa ang isang batas na nagpapahintulot na umakit sa mga kumpanya ng pananalaping kripto. Naitatag ang batas noong Enero a uno taong 2020 na nagbigay ng malaking kalinawan tungkol sa regulasyon ng industriya ng kripto sa bansa.
Ang bansa ay miyembro ng European Free Trade Association, at ang mga kumpanya ng pananalaping kripto sa bansa ay maaring tumakbo sa isang ligal na batayan sa ibang mga bansa sa Europa.
Ang bansa ay may access sa broadband internet (100Mbps) ipinagmamalaki ng maliit na bansa ang mataas na GDP at isang matatag na pampulitikang kapaligiran. Ang lebel ng sahod sa bansa ay isa sa pinaka mataas sa Europa. Ang halaga ng pag upa sa bahay ay naglalaro mula sa $800 hanggang $1,900 kada buwan.