Ang sambong at ang pakinabang nito

1 33
Avatar for Cristykitz
4 years ago

MGA PAKINABANG NITO

Ang sambong o Blumea balsamefera ay isang halamang gamot na napaka popular sa kalakahang bahagi ng silangan at hilagang kanlurang Asya. Ang sambong ay matagal na ring ginagamit n gating mga ninuno bilang bahagi ng tradisyon ng panggagamot tulad ng sa paglinis ng sugat, paggamot sa mga sakit sa baga, sakit sa tiyan, at bato sa bato.

Ang halamang gamot na ito ay lumalaki ng isa hanggang apat na metro. Dahil sa mabilis na pagtubo at pagpaparami ng halamang sambong, ito ay itinuturing na pesteng damo sa ibang mga bansa. Kapag ang sambong ay nasa wastong gulang na, ito ay namumulaklak ng dilaw na bulaklak na may sukat na anim na milimetro. Ang dahon ng sambong ay berdeng matulis na pahaba. Ito ay namumunga rin, isang buto sa bawat bunga ng sambong.

ANG SAMBONG BILANG HALAMANG GAMOT

Ang sambong ay ginagamit bilang halamang gamot dito sa Pilipinas. Ito ay isang katamtamang taas na halaman na tumutubo sa mga bansa na may mainit na klima tulad sa Pilipinas, India, at Africa. Ito ay matatagpuan din sa mga bansang nasa Himalaya. Ang sambong ay mabisang halamang gamot dahil sa taglay nintong ngay o blumea camphor na ginagamit na panggamot sa bato sa bato, mga sugat, rayuma o arthritis, pagtatae, pulikat, ubo at sipon at highblood. Ang pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga dalubhasa ay nakapag imbento ng sistema ng paggawa ng halamang gamot na sambong na nasa tablet.

PAGGAWA NG SAMBONG TEA

Narito ang mga pamamaraan upang makagawa ng sambong tea:

Mangolekta ng preskong dahon ng sambong, hiwain ito na maging maliliit na piraso

Hugasan ito ng mabuti gamit ang preskong tubig

Pakuluan ang 50 gramo ng dahon ng sambong sa isang litro ng tubig

Hayaan itong kumulo sa loob ng 10 minuto

Tanggalin sa kalan pagkatapos ng sampung minuto

Inumin ito ng medyo maligamgam pa

Para mas magandang resulta, uminom ka nito ng apat na baso bawat araw.

PAGGAMIT NG KATAS NG SAMBONG BILANG GAMOT

Ang katas ng sambong ay pwedeng gawing gamot sa sugat at pamhid sa nananakit na mga kalamnan at kasukasuan. Narito ang mga hakbang ng pagkuha ng katas ng sambong:

Mangolekta ng preskong mga dahon at ugat ng sambong

Hugasan ito gamit ang preskong tubig, siguraduhing nalinisan ito ng maayos

Dikdikin ito gamit ang malinis na dikdikan

Ang dinikdik na dahon mismo o ang katas nito ay pwedeng gamiting pamahid

May mga produkto na gawa sa sambong na mabibili na ngayon sa mga botika tulad ng powdered at capsuled na sambong. May mga gumagawa at nagbebenta na rin ngayon ng sambong tea bags at tablets.

Kung ayaw mong bumili kasi dagdag gastos, mas makabubuting magtanim ka na lamang ng sambong sa inyong sariling bakuran. Ang sambong ay isang halaman na napakadaling patubuin at alagaan kaya sa loob lamang ng ilang buwan, ikaw ay magkakaroon na ng unlimited na suplay ng sambong.

SIDE EFFECTS NG SAMBONG

Hanggang sa panahon na ito, wala pang namang report na ang pag inom ng sambong tea ay nagdulot ng malalang side effects sa mga pasyenteng gumagamit nito ng regular bilang halamang gamot. Ngunit tulad ng aming palaging paalala sa aming mga mambabasa, ang pag inom ng anumang uri ng halamang gamot ay hindi naming irinerekomenda sa mga buntis at nagpapasuso para maiwasan ang anumang posibleng epekto na hindi pa napag-aaralan ng mga dalubhasa.

Napakarami na ng mga Pinoy na nagsasabi na ang sambong ay may napakagandang epekto sa kanilang pangangatawan. Kung hindi ka naman buntis o nagpapasuso, bakit hindi mo subukan ang pag inom ng sambong tea? Oo, wala namang mawawala kung ito’y iyong susubukan. Tutal, rekomendado ang sambong tea ng mga dalubahasa sa Department of Health ng ating bansa.

14
$ 0.00
Avatar for Cristykitz
4 years ago

Comments

Mganda yn article mo about sa herbal makkatulong kna at the same time kumita pa

$ 0.00
4 years ago