Kung batang 90's ka o mas matanda, malaki ang chance na narinig mo ang kantang "where is the love?" ng Black Eyed peas. Kung mas bata ka naman at hindi mo pa naririnig ang kanta, i Google mo nalang o Spotify. Magaling ka naman diyan eh.
Naisip ko bigla yung kanta dahil sa mga nangyayari sa mundo ngayon. Sa dami ba namang kaguluhan at katarantaduhan na nangyayari sa paligid mapapatanong ka nalang ng "where is the love?" May giyera, may sunog, may bagyo lindol at lalo na ngayon may pandemic "Covid19" tas maya maya may matatagpuang binaril, sinaksak at ginahasa. Lahat nalang nanlalaban. Usong uso na rin yung mga nagbabangayan sa social media dahil sa mga jowa niyong ipinagpalit ka sa iba dahil sa quarantine pinagpalit sa malapit haha awts kawawa 😆 (may video pa yan tas ipopost pa sa social media. Lol) magkaiba ng partido yung sinusuportahan nilang pulitiko, dahil mag kaiba ng relihiyon, dahil magkalaban ang paborito nilang team sa basketball. At iba ibang paborito nilang artista kaya pinag hahambing o kaya vlogger. Parang lahat nalang gusto ng away.
Nakakatuwa pa nga kapag may laban ang napakalupit na boxer,basketball player, actor, singer, game show host at senator na natin ngayon si Manny pacqiao. Nakakatuwa rin noong nag uumpisa pa lang na sumikat ang Aldub, noong mga panahong gumawa sila ng World record sa dami ng tweets tungkol sa event nila. Nakakatuwa dahil kahit paano, kahit magkalaban sa pustahan, eh napag iisa nila ang gusto ng mga tao. Ngayon, kung hindi mo kilala si Manny pacquiao o ang Aldub, ah ewan ko na sayo, Bahala ka diyan. 😆
Where is the love? Ano na ang nangyare? Nasaan na yungpag ibig sa tinubuang lupa na wala nang mas higit pa sa pagkadakila na sinasabi ni ka Andres? Bakit ang gulo na natin ngayon? Speaking of tinubuang lupa, nasaan narin ba ang pagmamahal natin sa wika natin? Siguro naman pamilyar sayo ang mga salitang binitawan ni Jose Rizal, na mas gusto kung tawaging Ka Pepe para pareho sila ni Ka Andres at cute din naman ng pepe. " Ang hindi mag mahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa gaya ng inang sa atin ay nagpala." Kung hindi ka palabasa ng libro o hindi ka natambay sa Google, siguro hanggang dun lang sa isda ang alam mo sa sinabi niyang yan. Ang gusto ko lang naman sabihin ay iisang bansa lang naman tayo, iisang wika lang ang kayang mag buklod sa atin. Oo nagbago ang paraan natin ng pagsasalita, pero wag sana nating kalimutan kung saan tayo nag simula.
Isa sa mga napansin kong madalas na napagpapalit ang "ng" at " nang". Hala magkaiba pa ba yun? Opo. Hindi shortcut yung "ng". Ang " NG" ay ginagamit kung sunusundan ng pangalan (noun) o pang uri (adjective). Halimbawa " Nanakit Ng bulsa ang Concert Ng Black pink". " Sinuklian NG makinang na ngiti ang malandi kong pagbati." Ang "NANG" naman ay ginagamit kapag inuulit nang dalawang beses ang salitang ugat o pandiwa (verb). Para mas intense. Halimbawa, "Lipad nang lipad". Ginagamit din ang " Nang" kapag ang pangungusap ay sumasagot sa mga tanong na "Paano, kailan o bakit," bilang pamalit sa Noong at Upang o bilang pamalit sa pinagsamang "na at ang ", o " na at na". Halimbawa, Sukdulan nang (na ang) kahirapan ang naranasan mo buhat nang (noong) mamili ka ng VIP ticket. "Tumibok nang (paano tumibok?) Mabilis ang aking puso nang (noong) maaninag ko ang pabilis nang pabilis na paglapit ng malaking aso". Ganern!
So ano ba ang point ko? Wala naman masyado. Wala lang namang nagmamahal sa bayan, wika at kababayan natin kung hindi tayo rin. Kahit naman ako hindi ko masasabing magaling akong magtagalog pero kahit paano, sinusubukan ko naman. (Kasi ilonggo po ako hahaha) Sana mahanap na ulit natin ang pag-ibig. Sana sa atin magsimula. Para sa atin,at para sa iba syempre, para sa bayan. Kung naalala mo pa yung lesson niyo noong 2nd year higschool sa Araling panlipunan, naging tunay tayong malayang bansa noong 1946. Salamat kina kuyang Rizal, Luna,Bonifacio,Mabini and the squad. Nakakapagsulat ako ngayon kasi malaya ako, at nababasa morin ito dahil malaya ka. Sa panahon ngayon,halos lahat pwede nang mangyari. Yung mga conyo ng showbiz, nagiging presidente ng mga makapangyarihang bansa. Yung mga sexy dancers, nagiging journalist. Ang toxic lang. Sa panahon ngayon, pagkain nalang talaga angnakakapag pasaya sa atin eh, at saka tulog. Oh,tulog! Sigaw ng mga nag Oonline class ngayon na nakukuha pang mag laro ng mobile legends,among us, Lol mobile at tiktok hahaha bago sumagot sa module nila. pero totoo yan.
Mahirap ang buhay. Habang tumatanda ka, mas lalo mong nararamdaman. Sa kabila ng lahat ng toxic na nagaganap sa personal nating buhay, sa bansa at sa buong mundo. Saan mo hahanapin ang love? Sa gitna ng bagyo, Ng gulo. saan mo hahanapin ang love? Simple lang. Cheesy at typical na sagot pero ika nga ni kuyang paulo Coelho: "Love is found in Ourselves." Sa atin lagi nang gagaling ang choice kung pipiliin nating pairalin ang love over anything else. Dahil ang love,kahit saan, nandyan yan. Ang kailangan mo lang gawin ay piliin siyang maramdaman sa kabila ng lahat. Inaway kaba ng keyboard warriors sa comment section dahil iba ang opinyon mo? Kiber lang bes! Lahat tayo may opinyon. Piliin mong intindihin at huwag mong labanan ang apoy nang apoy. Inaway kaba ng groupmates mo sa isang project? Gawin mo parin ang responsibilidad mo. Matatapos din yan, huwag mo nang awayin. Naiinis ka sa mga tao sa newsfeed mo? Cool. I-unfollow mo nalang, huwag mong i block. Huwag kana mag parinig. Natalo ba yung bet mong candidate sa eleksyon? Oks lang yan. I-Congratulate mo yung nanalo. Kung yung kandidato mo nga ang bilis maka- move on eh, ikaw pa kaya?
Ang totoo, mahirap talaga ang buhay. Gugulatin ka niyan in the worst posibble way. Its given na laging may mga problema at issue na lalamutak sa utak natin at susubok sa puso natin. Pero piliin mo nalang ang love. Choose love,ika nga. Choose love, always. Doon mo siya mahahanap. Mahahanap mo ang love sa sarili mong desisyon na piliin tong pairalin sa lahat ng sitwasyon. Yung mga kaibigan mong akala mo magiging tropa mo forever, babaliktarin ka lang pala pag nagkagipitan. Nangyayari yan pero Choose love. Choose forgive kung nagkamali sila, at mag sorry ka kung ikaw ang may kasalanan. Yung mga pulitikong gusto mo nalang kutusan, huwag mo ng murahin sa Facebook, bes. Huwag ka nang makisabay sa galit ng iba. But rather, do your own research, mag consult sa mga legitimate na sources at saka ka mag-construct ng information-based na opinion mo. Nakatulong kana sa iba, naging well-informed kapa. Pero diko rin sinasabing maging timid ka, o i-surpress ang mga emosyon mo. I-acknowledge mo yan, and fight for what you think is right. You need that to grow as a Person. All im saying is that you need to choose love to be patient, kind, humble and forgiving in all things. Piliin mo nang piliin ang love lalo na ngayon kung kailan ang gulo-gulo na. Be the person who sees love in this world na puro hate. Kung gusto mo hanapin ang love, hanapin mo sa sarili mo iyon ang lagi mong pairalin. Choose love, because love covers a multitude of sins. Gawin mong way of life ang love and maybe soon enough, hindi mo na siya kailangang hanapin.
@TheRandomRewarder i write it again in tagalog because im not good in english. Ihope you like it.
Thanks for Reading, ciao. 👋
Its me Cristy 😊
Anlaaaaahh, ang haba pwro di ako na board dear, ahahaha. Natawa ako dito sa hahaha, " Nanakit Ng bulsa ang Concert Ng Black pink." " Sinuklian NG makinang na ngiti ang malandi kong pagbati." Ahahaha. Malandi kong pagbati 🤣🤣🤣, @reo o ano, nasuklian naba ang malandi mong pagbati? Haha..
Pero anyway, alam ko din yang kanta na yan, people killin' people dyin' Children hurtin', I hear them cryin' nananana, where is the love. Tatry ko na ngang mag sulat mg tagaog, okie lang wala upvote mahalaga ay tagalog, 🤧. Puro wnglish ang sinusulat ko kasi yon ang alam ng mas nakararami, baka dalawin ako ni Ka Pepe mamyang gabi 🤧