Nakalimutan mo na ba ang Maguindanao Massacre?

0 55
Avatar for Cristy
Written by
4 years ago
Topics: Facts, Light

Matapos ang isang dekadang paghihintay, nakamit na rin ang pinakaasam-asam na hustisya sa karumal dumal na Maguindanao Massacre matapos hinatulan ng Quezon City Court si Andal Ampatuan, Jr. na mastermind at mga kapatid nito sa nasabing krimen bilang guilty sa kasing murder. Matatandaang hinamon noon ni Vice Mayor Esmael Mangudadat si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., anak ng incumbent Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. I at miyembro ng isa sa pinakamalakas na Muslim political clan sa paparating na gubernatorial elections bilang part ng 2010 national elections.

Matagal nang nagtataglay ng kapangyarihan ang mga Ampatuan sa Maguindanao at ang kandidatura ni Mangudadat noo ay isang hamon sa kanilang kapit sa lalawigan. Ito ang nagpasiklab sa galit ng mga Ampatuan laban sa mga Mangudadat at nag udyok sa kanila na gawin ang tintawag na mass Killing.

Ika-23 ng Nobyembre 2009, habang ang lima put walong biktima, kabilang ang mga supporters, asawa at mga kapatid nito, at tatlumpu't pitong mamamahayag ang naglakbay patungo sa Provincial Capitol ng Maguindanao upang ihain ang certificate of candidacy ni Esmael Mangudadat nang sila ay I ambush ng mga armadong kalalakihan at dinala sa isang bundok at doon ay pinagbabaril at inilibing.

Nakakalungkot isipin na Pilipino mismo ang humahatak pabab sa kapwa Pilipino. Gagawin ang lahat upang punuin ang pa sariling uhaw sa kapangyarihan na humahantong sa pagkitil ng buhay ng mga enosenteng Buhay para sa posisyon sa pamahaaan? Hindi makatarungan yan.

Kasama sa mga Suspk sa nasabing massacre ay ang mga kapatid ni Andal na sina Zaldy at Sajid Islam. Matatanda ang unang pinaghinlaan ang ama nila bilang pangunahing mastermind ngunit ito ay namatay sa sakit na kanser noong 2015. At ang nakakabigla pa, kinilalang mga pulis at sundalo ng gobyerno ang mga sangkot sa pagbaril sa mga Biktima.

Ang pangyayaring ito ay isa sa madilim na kaba ata ng bansa, maraming karapatan pa tao ang nalabag. Nang dahil sa pulitiko, nawala ang maraming buhay na parang bula. Maraming mga pamilya ang nagluksa. Ngunit matapos ang sampung taon, na bigyan ng liwanag at umusbong ang bagong kabanata. Kagaya ngnangyri sa mga Ampatuan, walang magagawa kailanman ang pagkauhaw sa kapangyarihan at kayamanan sa buhay, ito ay ang patalim na siyang bubulag sa inyo at magtutulak na gawin ang lahat, kahit pa ang kahindik hindi na gawa in.

Sa Wakas! "The long wait is Over, " Sabi nga nila nakamit narin natin ang hustisya na matagal na ipinagkait sa mga biktima matapos ang sampung taong pakikipaglaban at pakikibaka rito. Marahil bumukas man ito muli sa malagim na nakaraang sa mga pamilya ng biktima, tumapos naman ito sa madilim na kabanata sa ating bansa.

2
$ 0.00
Sponsors of Cristy
empty
empty
empty
Avatar for Cristy
Written by
4 years ago
Topics: Facts, Light

Comments